Code Twenty Nine: "When a Pure Heart Emerges from the Darkness"
*****
Ang huling tinig na narinig ko ng mga sandaling iyon....ay walang iba kundi ang tinig ni Eruel.
"----Fillan...........HUWAG!!!"
"-------------------"
Wala na akong narinig pa pagkatapos niyon. Binalot ng matinding katahimikan ang buong paligid ko at pakiramdam ko ay unti-unti akong nalulunod sa katahimikan na iyon. Miski ang liwanag sa paligid ko ay lumalamlam, hanggang sa ang natira nalang ay purong kadiliman. Sinubukan kong sumigaw para humingi ng tulong, pero walang kahit na anong boses na lumalabas mula sa bibig ko.
"-------------------"
Doon ko na naramdaman ang mas matinding "takot"...
'Pakiusap...tulungan nyo ako...'
Wala akong nagawa kundi ang dumaing gamit ang isip at puso ko...
'...Kahit na sino...pakiusap, ialis nyo ako rito!'
At pagkatapos...
"Fillan!"
Narinig kong muli ang boses nya...
"E—Eruel...?"
Nahawi ang kadiliman sa paligid ko, at nagkaroon ng liwanag na nagmumula sa itaas. May kamay akong nakikita---nakabuka ang palad nito habang pilit akong inaabot.
"Abutin mo ang kamay ko!"
Sigurado ako...kay Eruel ang boses na iyon.
"Eruel!"
Biglang sumariwa sa gunita ko ang kauna-unahang beses na inabot ni Eruel ang kamay niya sa akin para alisin ako mula sa madilim kong piitan [see Code Twenty Five]...
"Halika!"
Dahan-dahan kong iniangat ang dalawa kong kamay upang salubungin ang kamay ni Eruel. At nang maabot ko na ang kamay niya ay mahigpit ko itong hinawakan upang siguruhing hindi ako makakabitaw. Hinila agad ako ng kamay na iyon mula sa madilim kong kinalalagyan at pagkatapos ay naramdaman ko na may umakap sa akin. Agad kong iminulat ang mga mata ko, at nakita ko si Eruel na nakayakap sa akin. Pero...
"Uhu...Uhu....--------"
Dahan-dahang lumaylay ang mga kamay niya at saka siya bumagsak sa mga bisig ko...
"E-Eruel...?"
*****
BA-DUMP!
Itinulak ng mga kamay ni Fillan ang lalakeng anino na nakayakap sa kaniya matapos tumapli ang isang pamilyar na pangyayari sa kaniyang isipan. Makikita mo agad sa mga mata ng binata ang pagkagulat, na para bang mayroon siyang nakakatakot na bagay na naalala mula sa nakaraan...
"E—Eruel?"
Ito ang pangalang bigla niyang nasambit. Subalit...
"S—sino si....Eruel?"
Hindi niya kilala kung sino itong "Eruel" na kaniyang nasambit...
E—Eruel? Eruel? Eruel?
Paulit-ulit na umaalunignig sa isip ni Fillan ang pangalan na iyon...
Sino...si Eruel?
----
Isang malakas na pagyanig ang agad umagaw sa atensyon nina Noah, Arkanghel Yahoel at Grau...
YOU ARE READING
Code Chasers
FantasyWalang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala...
