Vol. 3 Code Twenty One: "God within our Words"

1K 93 11
                                        

Code Twenty One: "God within our Words"

*****

"God lives within words, so we must never lie."

-From "Kamisama Ga Yadoru Kotoba" by Chidori Peko; page 3-

*****

---Huy! Ayos ka lang ba?!

Nawalan ng balanse sa kaniyang tinutungtungang mataas na upuan ang batang lalake nang tangkain niyang pigilang umalis ang batang kaniyang nakilala. Mabuti nalamang at agad siyang nahawakan ng batang lalake na nasa taas at hinatak siya agad upang mabawi niya ang kaniyang nawalang balanse.

"Ayos ka lang?" muling ulit na tanong ng batang nasa taas. Hindi naman nakasagot ang batang kaniyang kausap, sa halip ay tinitigan pa siya nito ng matagal at wala manlang kakurap-kurap. Kaya naman naisip niyang gulatin ito ng malakas na pagpalahaw.

---HUY!!!!

Nagulat ang bata sa sigaw at muling nawalan ng balanse sa kaniyang tinutungtungan. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang nahulog at tumana ang kaniyang puwitan sa lupa.

"Aray!!!" ang mangiyak-ngiyak nitong daing.

"Ay...pasensya na!" paumanhin naman ng bata na nasa taas at nakatanaw sa nasaktang bata. Gusto niyang babain ang nasaktang bata kaya naisip niyang buksan ang rehas. Ngunit napansin niyang wala itong anumang kandado o susian kaya walang anumang paraan para ito ay buksan, at kahit na anong hila niya pataas sa rehas na bakal ay hindi parin ito umubra para mabuksan ang nag-iisang bintana ng mala-kulungang lugar.

"Wala bang pinto papunta dyan sa iyo? Baka pwede akong pumasok?"

"P--papasok ka?"

Nilibot naman ng paningin ng batang nakaupo pa sa lupa ang kaniyang paligid para sa anumang pinto, subalit...

"W--walang...pinto dito."

"Walang pinto? Kung ganoon...paano ka napunta dyan?" tanong ng bata sa kaniya. Pero miski ang batang tinanong ay hindi rin alam ang sagot kung paano nga ba sya napunta sa lugar na iyon.

"H--hindi ko...alam."

"Hindi mo alam?"

At hindi na muli pang sumagot ang bata. Napabuntong-hininga nalamang ang batang lalake na nasa taas, at pagkatapos...

"Anong pangalan mo, bata?"

Bahagyang nagulat sa tanong na iyon ang batang lalake na nakaupo parin sa lupa kung saan ito bumagsak.

"P--pangalan?"

"Oo, pangalan! Ah! Alam ko na...ako muna ang magpapakilala. Ako nga pala si Eruel. Eh...ikaw?"

"E--Eru...el?"

"Oo, Eruel. Ikaw? Anong pangalan mo?"

"P...pangalan...ko?------" ngunit tila ba hindi alam ng batang ito kung ano ang pangalang tinutukoy ng batang nagtatanong sa kaniya, bagay na napansin naman ng batang nagngangalang "Eruel".

"Hindi mo ba...alam ang pangalan mo?"

Sa totoo lang, walang ideya ang bata sa sinasabi ni Eruel na "pangalan". Ngunit may karaniwang itinatawag sa kaniya ang kaniyang nagsisilbing "tagapangalaga".

"D--Decipher?" ito ang naibulalas niya sa kausap na si Eruel, at halatang hindi rin niya tiyak kung iyon nga ba ang pangalan na hinihingi sa kaniya ng bagong kakilala.

Code ChasersWhere stories live. Discover now