Walang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago.
Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin...
Ni wala siyang anumang ala...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Code Five: "These Thoughts..."
******
Panay ang tingin ng binatang si Fiel sa kaniyang orasan, habang ang dalaga nitong kaibigan na si Liliana ay panay din ang silip sa loob ng Basilica. Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang serimonya para sa mga magsisipag-tapos sa Akademiya ng Crimson. Pero magpahanggang sa mga sandaling iyon ay hindi parin sumusulpot ang isa pa nilang makakasama na magtatapos ding tulad nila sa akademya.
"Ang tagal naman ni Noah! Sigurado ka ba na kinatok mo 'yong kuwarto n'ya kanina? Baka naman hindi pa gising 'yon?"
"Gising na siya nang kinatok ko 'yong pinto sa kuwarto niya." Sagot ni Liliana, "S'ya nga mismo ang nagsabi na mauna na tayo dito eh. Hindi ka pa ba nasanay sa kaniya? Makupad kumilos 'yon."
"Tsk!" Ani Fiel na nayayamot na sa paghihintay, "Kahit kailan talaga pasaway siya..."
Mga ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay naaninag na nila mula sa malayo ang isang tao na tumatakbo papunta sa kanilang direksyon.
"Oh! Hayan na pala siya eh!" Itinuro ni Liliana ang papalapit na si Noah. Suot niya ang isang mainam na damit na isinusuot ng mga sundalong Pillars. Purong puti ang tela nito na may mga dekorasyon na kakulay ng ginto. Suot din niya sa kaniyang tagiliran ang isang espesyal na kulindang na pinagkakabitan ng armas tulad ng baril o 'di kaya ay espada na bumagay naman sa payak na disenyo ng kaniyang kasuotan. Ang mala-buntot naman niya na buhok sa kaniyang batok na ang haba ay lagpas sa kaniyang balikat ay maayos na nakapuyod na sakto para sa kaniyang kakisigan, malayo sa anyo ng isang batang lalaki na ang alam lang ay ang maglaro at gumawa ng mga kalokohan sa paaralan.
"Pasensya na kung hinintay n'yo pa ako." Paumanhin ni Noah sa mga kaibigan niyang sina Liliana at Fiel na tulad din niya ay mga binata at dalaga na. Si Fiel ay mas lalong gumulang sa kaniyang istriktong postura at paraan ng pagkilos. Kilala nga siya dahil sa kaniyang awra na tiyak na pangingilagan ng lahat. Habang si Liliana naman na noo'y mukhang mahina at lampa sa kanilang pangkat ay isa na ngayon sa mga malalakas na babae sa mga magsisipag-tapos. Salamat na lang sa kinahiligan niya na pagbubuhat ng mga pabigat, nang dahil doon kaya lumakas siya at nakasabay pa sa kaniyang mga barakong kamag-aral.
"Akala ko nga hindi ka na darating. Ano bang ginawa mo?" usisa ni Liliana kay Noah.