Author's Note
Hi Guys!
By the way po, this Author's Note po ay EDITED. Mayroon lang po akong mahalagang ipapaalam sa inyo...
Pero bago po ang lahat....
U may gad! Hindi ko po talaga alam ang sasabihin, basta masaya po ako na sa wakas---VOLUME FOUR na!!!
Hayaan nyo po sana na makapag-pasalamat ako sa inyo dahil bago po nagtapos ang 2015 (almost exactly one year after ma-publish dito sa wattpad ang Code Chasers) ay nakaabot po ako ng 1k votes! (AYIEEE!) Pero alam ko naman po na hindi po boto ang mahalaga, kundi ang katotohanang----may nagbabasa pala nito? Hahahahaha! Masaya na ako na mabatid na may nagbabasa talaga at may sumusubaybay ng Code Chasers!
So...eto na nga po ang announcement ko...
UNA: Nagkaroon po pala ako ng "kaunting" revision mula sa original manuscript na nag-start sa Chapter 30. Sa original manuscript po kasi, tumanda ng limang taon ang hitsura ni Fillan---as in ganap na siyang "ginoo" doon. Pero naisip ng makulit kong "brain" na tanggalin na iyon para luminya sa mga kaganapan at para mabigyang diin ang resulta ng kapangyarihan ni Fillan. (dahil kung ia-analyze ng mabuti---hindi naman talaga tumanda si Fillan kahit pa nag-skip sya ng 2,000 years mula sa nakaraan para lang sa kaibigan niyang si Eruel—kaya dapat hindi parin siya tumanda kahit nag-skip sya muli after ng Chapter 29)
PANGALAWA: Alam ko po na nasabi ko sa inyo na LAST TEN chapters na po ng Code Chasers. Subalit dahil po sa ilang mga pagbabago sa huling manuscript at haba ng mga chapters mula sa orihinal libro, kakailanganin ko po na MAG-EXTEND ng chapters.
OPO --- mag e-EXTEND po ako ng CHAPTERS. Pasensya na po kayo sa ka-shungaan kong taglay (hindi po ako magaling sa math kaya hindi ko po natantiya ng mabuti ang dami ng magiging kabanata. Patawarin nyo po ako sa pagkakamaling ito. (Tao lang naman po ako at hindi naman po ako perpektong manunulat para as in perfect ang lahat ng i-rerelease kong updates). Kaya ko rin po ito ginawa ay para siguruhin na hindi ninyo pagsisisihan ang pagbabasa ninyo ng Code Chasers. Pagagandahin ko po ang mga susunod na kabanata para po sa inyo, mga minamahal kong mambabasa.
Hindi ko na po sasabihin kung ilang chapters ang kaylangan kong idagdag. Basta ang masasabi ko lang-----THE END....is NEAR.
PANGATLO: Bago ko po tapusin ang lahat----gusto kong pasalamatan kayo mga minamahal kong mambabasa sa walang sawa at marubdob na pagsubaybay sa Code Chasers lalu na sa mga sumusunod:
@runesaito – Rune san!!!!!!!!!!!!!!!!! Alam ko na Minaru's Quest lang talaga ang gusto mo noong una, kaya naman labis-labis ang pagpapasalamat ko na pati itong Code Chasers ko napagtsagaan mong basahin. At sa totoo lang-----ikaw lang ang bukod tanging tao na pinayagan kong "i-ship" ang mga characters ko para gawan ito ng ibang kwento. At walang halung biro---pinaiyak ako ng pinaka-una mong ginawa! Kaya naman salamat ng marami.... (T__T)
@Sir_Ryuu – Ryuu San! Super salamat kasi hindi mo talaga binitawan ang Code Chasers! As in---wala akong masabi! Isa ka sa mga inspirasyon ko na ipagpatuloy ito, lalu na't noong mga nakakaraan eh talaga namang nagkakaroon ako ng writer's block dahil na rin sa dami ng inaasikaso ko sa trabaho. Kaya salamat sa pagsubaybay!
@Ashley_Liparo – Miss Ashley! You're one of the best reader ever! Napakarami kong natutunan mula sa mga pagcha-chat natin at lahat ng mga advices mo na sobrang nakatulong ng malaki. Salamat kasi itinuring mo ang Code Chasers na isa sa pinaka paborito mong libro, kaya sa bumubuo ng Code Chasers Family---Thank you!
@GodBeWithUs – Hi po! Alam ko po na hindi pa naman po tayo ganoon magkakilala pero nagpapasalamat po ako kasi nagustuhan niyo ang Code Chasers ko, at sobrang naa-preciate ko po ang pag-vote nyo lagi sa mga gawa ko---
@Yhanna_Princess – Hi Ms. Yhanna! Gusto ko lang mag-pasalamat kasi binigyan mo ako ng pagkakataon na makasali sa book club mo (an yang book club nyo ang kauna-unahan kong sinalihan—kaya special sya). Hindi ko namalayan, nakaka- more than one month na pala ako??? At napakarami kong natutunan mula sa iba pang mga writes na ipinapares nyo sa akin... kaya super thankful po ako! Hihihi!
@EllenKnightz – Hi po! Una sa lahat, isang karangalan para sa akin ang ma-fallow ng isang "TOP / TRENDING WRITER" ng Science Fiction na kagaya nyo---at mas masaya akong mabatid na "mangaka" ka din! (pa-fan girl muna) kyaaa!!!!! WOW ang masasabi ko sa Code 0X15 Project ANGEL nyo, napaka-husay! Kaya naman hindi na ako nagtataka kung makakakuha ito ng libu-libong votes. At sa isang gaya ko na kaka-one year lang sa mundo ng wattpad at napaka-bagito pa---isang malaking salamat dahil tiyak na marami akong matututunan mula sa mga likha mo...
O paano po mga readers? Hindi pa naman ito ang last Author's note ko kasi hindi pa naman patapos ang Code Chasers.
Muli, mula sa inyong hamak na lingkod---maraming salamat!
Kind regards to all,
Yoshiro Hoshi
**** PS ****
Dahil malapit nang matapos ang Code Chasers, may nakalinya na po agad akong kapalit haha! Ipo-post ko po this 2016 ang pinakabago kong novel na pinamagatang "The Odyssey of the Homeless Children". Oops! Ngayon palang po sinasabi ko na---wag rin po kayong mag-expect ng love story sa The Odyssey of the Homeless Children kasi ang mga bida ko doon ay puro bata---at inspirational / slice of life / adventure po ang tema nito kaya kung gusto nyo lang naman i-try...maaari nyo itong basahin. (^___^)
Suportahan nyo rin po sana ang natitira ko pang On going novels: Minaru's Quest at Ghost Retriever!
Thanks again!
(O_O)
YOU ARE READING
Code Chasers
FantasyWalang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala...
