Walang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago.
Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin...
Ni wala siyang anumang ala...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Code Two: "Now and Then, Here and There"
******
"Gusto mo 'yan hindi ba? O hayan na!"
Nakasuot ng kulay abo na damit ang batang si Noah. Mayroon din siyang suot na kulat itim na bota, at pares ng mga guwantes sa kaniyang mga kamay. Kasama ng iba pang mga boluntaryong sumama sa gagawing Clean-up Drive ay makakatanggap ng karagdagang puntos sa susunod nilang pagsusulit.
"Ayos 'yan Noah, may puntos kana, makakababa ka pa sa Providence. Magpasalamat ka sa akin, dahil kung hindi dahil sa akin, 'di ka makakababa-hanggang titig ka nalang." nagmamalaking wika ni Fiel sa kaniyang kaibigan.
"Alam mo, kung hindi ko lang talaga gustong makababa, hindi ako kakagat sa ganito!"
"Hoist! Tama na 'yan, mahuhuli na kaya kayo? Naghihintay na yung mga kasama mong mag-lilinis. Good luck huh! Haha!" Kapwa naghagikhikan sina Fiel at Liliana habang nakatingin sa kakatuwang suot ng kaibigan nilang si Noah.
"Ang dalawang 'to!" ngani-nganing umapila si Noah sa tawanan ng dalawa niyang kaibigan."Nagkakasundo lang sila kapag gusto nila akong pagdiskitahan! Nakakainis!"
Hindi na lang umimik pa si Noah at agad nang pumunta sa lugar kung saan nagtitipun-tipon ang mga boluntaryong trainees sa Providence.
------
"Okay Trainees! Ang trabaho natin doon ay..."
Nang mga oras na iyon ay wala sa nagsasalita sa unahan ang atensyon ni Noah. Nakatingin lang siya sa bungad ng Arca, ang natatanging pintuan na nagdurugtong sa lupain sa baba at sa Agrivan. Pananabik ang nananaig sa batang si Noah na muling makakabalik sa lugar na kaniyang pinagmulan.
"Dalawang taon. Dalawang taon na ang lumipas nang huli kong makita ang Providence. Ano na kayang hitsura doon ngayon? Grabe, na e-excite na talaga ako!"
Sumulong na ang kanilang grupo papasok sa Arca. Matinding liwanang ang sumalubong sa kanila sa kabilang bahagi ng portal. At sa wakas, bumungad sa harapan nila ang malawak na lupain ng Providence, ang lupain ng mga taong namumuhay ng payak at payapa. Pagkakita pa lang ni Noah sa lupa at mga halaman sa paligid ay hindi niya napigilan na mapalundag-sinabayan pa niya ito ng paghiyaw at pagsasayaw na para bang siya lang ang tao sa lugar at walang anumang taong puwedeng pumigil sa kaniya. Puro masasayang alaala ang kaniyang nakikita na mababakas sa bawat bagay na kaniyang makikta.
"Nakabalik narin ako sa wakas! Woooh!"
Hindi niya namalayan ang paparating na hampas ng pamatok sa kaniyang ulo dahilan upang magising siya sa sandaling pag-i-imahinasyon.