Code Twenty Four: "Trapped between Two Boulders"
*****
"Isuko nyo sa amin ang Decipher, kung ayaw ninyong masaktan!"
Seryoso ang pagbabanta ng mga anghel sa dalawang Isinumpa na sina Lilith at Levi na tangay-tangay ang walang kalaban-laban na si Fillan. Bawat panig ay nakikiramdam; sinisiguro na hindi sila malalamangan ng kanilang kalaban, lalu na ang magkaroon ng pagkakataon na makuha ng sinuman sa kanila ang pinag-aagawan nila---ang Decipher.
*****
"Hindi pwedeng makuha ninuman ang Decipher..."
Napatingin ang nagbabantay na sundalo sa nagsalitang si Chief Cardinal Randall. Matapos kasi na makuha ng arkanghel na si Yahoel mula sa kaniyang isipan ang eksaktong lokasyon kung saan dinala ni Grau ang Decipher ay agad na ipinag-utos ang pagpiit sa kaniya. Bantay-sarado sya ng isang sundalong kardinal at hindi sya maaaring magsalita ng anuman. Kaya sinita agad siya ng sundalo at sinabing....
"Hindi kayo maaaring magsalita Chief Cardinal Randall."
"Hindi nyo naiintindihan!" mariing giit ni Randall sa kaniyang bantay "Mapanganib na mapasakamay ng sinuman sa kanila ang Decipher! Kaylangan nyo akong pakinggan!"
"Inuulit ko po Kardinal, hindi kayo maaaring magsalita o kung hindi mapipilitan ako na saktan kayo!" banta ng sundalo.
"Makikinig sa akin si Grand Elder Canis! Kaylangan ko syang makausap!"
"Hindi po maaari ang gusto nyo. Abala sila sa paglilikas ng mga tao sa Providence at Agrivan. Mas makabubuti sa inyo na manahimik nalang." at iyon na ang huling pag-imik na ginawa ng sundalo. Walang nagawa si Randall kundi ang maupo habang tumatakbo sa kaniyang isip ang mga maaaring mangyari sa oras na matunton nila ang kinaroroonan nina Grau at ng Decipher.
Wala na akong iba pang pagpipilian...kaylangan kong gumawa ng paraan...
Kaya naman hindi na nag-alinlangan si Randall na gamitin ang kaniyang Insignia. Mabilis na lumitaw sa kanang kamay niya ang isang pilak na baril at palihim na tinutukan ang nakatalikod sundalo.
"Pasensya kana pero kaylangan kong gawin ito."
Naramdaman ng sundalo ang paglapit ng Kardinal. Sinubukan pa nitong lumingon subalit------
----BANG!
Agad na bumagsak sa sahig ang sundalong bantay ni Randall. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang Kardinal at agad niyang isinagawa ang kaniyang plano.
*****
"Ha?! Lilikas kami?!" ito agad ang naging reaksyon ng mga tao matapos silang ipatawag ng kinatawan ng Agrivan para sa planong agarang paglikas. Naroon din sina Dallia, Paris at Suzana na gaya ng karamihan ay nabigla rin sa anunsyo sa kanila.
"Teka, teka! Ano ba kasi ng nangyayari?!" tanong ng isang residente na sinagot naman agad ng kinatawan.
"Nawasak ang malaking bahagi ng Barrier sa Death Valley, at lahat ng mga halimaw na nakawala mula roon ay nag-uumpisa nang manalasa sa mga karatig-distrito. Pinanukala ang agarang paglikas sa mga tao na hindi pa apektado papunta sa mga itinalagang Refugee's Camp."
At doon na nga nag-umpisang umigting ang mga bulung-bulungan....
---Paano kaya nawasak ang Boundary?
---Ano nang mangyayari sa atin ngayon, paano ang mga pamilya natin?!
---Katapusan na ba ng mundo?
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Code Chasers
ФэнтезиWalang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala...
