Code Twenty Three: "Run After Lost Voices"
*****
--Fillan! Yuhuuu!!!!
Narinig ko ang boses ni Eruel mula sa itaas. Nasabik ako agad nang marinig ko ang boses niya kaya iniwan ko sandali ang pinipinta ko sa pader. Kinuha ko agad ang mahabang upuan at tumuntong ako doon para makita ko siya ng malapitan.
"Kumusta! Pasensya ka na, nahuli ako ng dating. Kaylangan ko pa kasing pakainin yung mga alaga naming kambing eh...." ito agad ang bungad sa akin ni Eruel. Halata ko naman sa kaniya na nagmadali siyang puntahan ako. Hingal na hingal pa siya at panay ang punas sa tumatagaktak niyang pawis sa noo. Naisip ko na ikuha siya ng pamunas, kaya lumundag ako pababa sa tinutungtungan ko at kumuha ako sa lagayan ko ng malinis na tela. Umakyat ako ulit sa upuan at inabot ko sa kaniya ang pamunas na dala ko.
"Mag-punas ka muna."
"Uy, salamat! Hehe, hindi ko kasi magamit ang dala kong bimpo kasi nginuya ito kanina ng isa sa mga pasaway kong kambing.Ang baho kaya! Amoy kambing na nga rin ako eh. Hehehe..."
Hm...napansin ko nga. Akala ko kung ano lang yung mabantot na naaamoy ko, si Eruel pala iyon----hehehe.
"Nainip ka ba?"
"Hindi naman" sagot ko kay Eruel "Abala din kasi ako sa pagtapos sa iginuguhit ko."
"Ganoon ba?"
Sa totoo lang, napakasaya ko na magkaroon ng isang kaibigan na tulad ni Eruel. Mabait siya at hindi siya kaylan man sumira sa anumang usapan namin. Mga ilang buwan narin pala ang lumipas simula noong nagkakilala kaming dalawa. Sa loob ng mga panahon na iyon ay napakarami kong natutunan mula kay Eruel. Yung mga bagay na akala ko wala sa mundong ito pero meron pala, at mga bagay na hindi nagagawang maabot ng paningin ko noon pero nagawa kong makita at mahawakan nang dahil sa kaniya.
"May dala nga pala ako para sa iyo Fillan, tignan mo ito!"
Nakita kong may dinukot si Eruel mula sa kaniyang bulsa. Ano kaya iyon?
"Akin na ang kamay mo..."
Iniladlad ko naman agad sa kaniya ang kamay ko. Kinakabahan ako na nasasabik kasi may makikita na naman akong bago mula sa labas...
"Hayan!"
Nang ibuka ko ang mga kamay ko, isang maliit na bagay ang aking nakita. Insekto ba ito? Para kasing mas maliit ito kumpara sa mga dinala sa akin ni Eruel na tutubi, paru-paro at kulisap.
"Isara mo yung palad mo tapos mag-iwan ka lang ng maliit na butas para masilip mo."
Masilip? Bakit ko naman sisilipin ito sa kamay ko?
Ginawa ko nalang ang sinabi ni Eruel sa akin. Isinara ko ang palad ko ng bahagya at nag-iwan lang ako ng maliit na butas. Hindi ko alam kung anong makikita ko sa maliit na bagay na iyon pero gusto ko paring malaman. Nang sinilip ko na ang butas...
"W-wow...ang galing!" Yun lang ang nasabi ko. Pagkatapos ay hindi ko na tinanggal ang mukha ko sa maliit na butas sa nakatikom kong palad. Ang sarap titigan nung maliit na bagay na iyon na kumikinang sa dilim! Parang bitwin!
"Ano, ang ganda hindi ba? Alitaptap ang tawag dyan. Napulot ko iyan sa tabi ng bakuran namin kanina."
Alitaptap? Ito pala ang tawag nila sa maliit na insekto na ito. Nakakatuwa na mayroon palang mga ganitong bagay sa ibabaw ng lupa. Sa sobrang paghanga ko, wala akong ibang nasasabi kundi....
YOU ARE READING
Code Chasers
FantasyWalang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala...
