Walang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago.
Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin...
Ni wala siyang anumang ala...
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Code Eleven: "First Steps...."
******
Sa gitna ng kadiliman na parang walang katapusan ay matatagpuan ang isang nilalang na nababalutan ng itim na harang. May naglalakihan itong mga itim na pakpak na hindi lamang dalawa kundi apat. Pumagaspas ang mga ito at pilit na inaalis ang mga kadenang nakabalot at nakabaon sa kaniyang mga pakpak. At ang mga itim na balahibo mula sa mga pakpak ay marahang bumagsak pababa hanggang sa tuluyang mawala ang mga ito at lamunin ng namamayaning kadiliman.
Mula naman sa 'di kalayuan ay nakatayo ang binatang si Fillan sa ibabaw ng mala-salaming tubig, kung saan sa ilalim ng tubig na iyon ay matatagpuan ang 'di mabilang na mga patung-patong na bangkay.
"Halika..." ang sabi sa kaniya ng nilalang na may itim na mga pakpak. Umatras si Fillan dala ng takot. At sa pag-atras niya ay siya namang pagguho ng tinatapakan niyang salamin na tubig at ang paghila sa kaniya ng mga bangkay papunta sa ilalim.
P--pakiusap...
Lumayo kayo sa akin!
Pakiusap!
-----
"Huwag!"
Agad na napabangon si Fillan mula sa kaniyang masamang panaginip. Hingal na hingal siya na para bang nanggaling siya sa isang mahabang takbuhan. Dumausdos pababa ang malalamig na butil ng pawis sa kaniyang noo at ang puso niya ay patuloy parin sa pagpintig ng malakas na kulang na lang ay tumalsik ito mula sa kaniyang dibdib. Huminga siya ng malalim para mapakalma ang sarili, at pagkatapos ng ilang beses ng marahang paghinga ay saka lamang pumayapa ang kaniyang dibdib.
"Dumadalas ang panaginip na iyon."
Magtatatlong linggo na si Fillan sa kaniyang bagong tahanan sa Woodsworth District sa bayan ng Isis. At sa loob ng tatlong linggo na iyon, tatlo o apat na beses na niyang napapanaginipan ang isang nilalang na may apat na itim na mga pakpak na nakakulong sa isang itim na harang at gapos ng 'di mabilang na mga kadena. Ayaw niyang isipin na may kinalaman ang kaniyang mga panaginip sa mga nangyayari sa kaniya. Mga imahe ng sunog na bigla na lang niyang maaalala, ilang mga insidente gaya nang nangyari sa Isis at marami pa. Dahil doon kaya lalo lamang siyang nakaramdam ng pangamba na noon pa niya nais na mawala at pagkauhaw sa katotohanan na bumabalot sa kaniyang pagkatao. Sa mga sandaling katulad niyon ay walang ibang pumapasok sa kaniyang isipan kundi ang kaibigang si Noah. Wala siyang ibang nagawa kundi ang umupo at bumaluktot gaya ng isang batang punung-puno ng takot at pangamba.
"Noah, natatakot ako."
------
Bigla namang nagising si Noah mula sa kalagitnaan ng kaniyang mahimbing na pagtulog. Dalawang beses siyang kumurap ng marahan at saka niya kinusot ang kaniyang mga mata pagkatapos.