Code Fifty Five: "Cross Paths"
*****
Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nang mag-umpisa ang paglalakbay nina Fillan, Grau, Lala at Faust para hanapin ang mga natitirang bahagi ng nawawalang Covenant Codes.
Subalit...
"...tatlong linggo na tayong paikut-ikot sa kasukalan na ito pero ni isang distrito o estado wala pa tayong nakikita!" angal ni Faust sa kaniyang mga kasamahan. Iritable na siya nang mga oras na iyon dahil tatlong linggo nang walang pinatutunguhan ang kanilang paglalakbay.
"Ang dami mong angal!" banat naman ni Grau sa nagrereklamong si Faust. "Ano na bang naitulong mo para mahanap na natin ang daan palabas ng kasukalan na ito? Wala naman 'di ba? Tapos ikaw pa ang may ganang umangal d'yan?"
"Aba't!" namula ang mukha ni Faust sa inis at agad na sinagot ang mga birada sa kaniya ng kinaiinisan niyang anghel. "Naghahanap ka ba ng away huh! Anghel na walang pakpak!"
"Ikaw lang ang may gusto ng away, hindi ako." Matapang na sagot ni Grau. "Pero kung gusto mo talaga ng sakit ng katawan, sige...pagbibigyan kita!"
Magpapambuno na sana ang dalawa kung hindi agad sila naawat ng manikang si Lala.
"Tumigil na nga kayo, p'wede ba?" ang sabi ng dalaga habang nakagitna ito sa dalawang nagsasabong na mga ginoo. "Tatlong linggo ko pa lang kayo na nakakasama pero hindi ko na mabilang kung ilang beses na kayong nagtalo sa mga walang katuturang mga bagay! Hindi ba kayo nagsasawa?"
"Hindi ako titigil hangga't hindi lumuluhod sa harapan ko ang naaagnas na anghel na 'yan!"
"Asa ka pa, sinner!"
"Tama na, p'wede?" huling paalala ni Lala sa dalawa. "Kapag hindi pa kayo tumigil sa pagtatalo n'yo, ako na mismo ang magbubuhol sa inyong dalawa."
Nahinto ang pagtatalo nina Grau at Faust. Kapwa sila dumistansya sa isa't-isa at hindi na nagpansinan pa. Samantala, nang mga oras na iyon ay palubog na ang araw. Nag-umpisa na rin na kumapal ang hamog sa paligid kaya malabo na para sa kanila na ipagpatuloy ang paghahanap sa daan palabas ng masukal na kagubatan.
"Huminto na muna tayo rito." Ang sabi ng dalagang manika sa tatlo niyang kasamahan.
Huminto silang apat sa isang bahagi ng gubat kung saan may mayayabong na mga puno at maliit na sapa para doon magpalipas ng magdamag.
"O? Ano na? Gaano pa ba kalayo ang susunod na distrito, huh?" tanong ni Faust kay Grau habang nakahilata ito sa isang malaking sanga ng puno at nililinis ang kaniyang punyal.
"Mga dalawang araw pa ang kakailanganin natin bago tayo makarating sa susunod na distrito. Base 'yon sa nakuhang impormasyon ng shadow ko." Sagot ni Grau habang pinag-aaralan nito ang mga nakuhang aerial views ng kaniyang shadow na buong maghapong nasa himpapawid.
"Tsk, ang tagal pa pala." Yamot na daing ni Faust, pagkatapos ay isinuksok na nito ang pinakintab niyang punyal sa kaniyang tagiliran at tuluyan nang inilapat ang kaniyang likod sa makapal na sanga ng puno para magpahinga. "Gisingin n'yo na lang ako kapag aalis na tayo!"
At hindi nga nagtagal ay tuluyan nang nakatulog ang sinner na si Faust sa itaas ng puno kung saan nito napiling magpahinga. Naiwan naman ang mga kasamahan niya na gising pa at nakaharap sa apoy na ginawa nilang apat kanina.
"Maraming salamat sa pagkain."
Katatapos lang maghapunan nina Grau at Fillan, habang si Lala ay abala naman sa paglalatag ng mga malalapad na dahon sa lupa na kanilang hihigaan.
"Squeak! Squeak!" dali-daling gumapang ang alagang daga ni Fillan na si Peanut at nagtungo sa kanang balikat ng binata.
"Squeak!"
ESTÁS LEYENDO
Code Chasers
FantasíaWalang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala...
