Code Twenty Seven: "The Scars on our Distant Past (Part One)"
*****
Tandang-tanda ko pa...
"Bakit mo ako gustong makausap?"
Dalawang hakbang lang ang layo ko mula sa likod ni Maria. Nakadungaw siya sa bintana ng kaniyang silid at tila ba napakalalim ng kaniyang iniisip. Makailang beses ko na ngang napapansin na tila mayroon siyang dinaramdam, pero ito lang ang pagkakataon na ginusto niya akong makausap ng seryosohan...
"Grau..." malumanay niyang sambit "...gusto kong maging atin-atin lang ang lahat ng sasabihin ko sa iyo---makakaasa ba ako?"
Sa tono palang ng pananalita nya, alam ko nang mayroong problema.
"...tungkol saan ba 'yan?"
Bahagyang pumaling sa akin si Maria. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala, bagay na agad kong kinabahala.
"Nagkaroon ako ng Pangitain..."
P—pangitain?
"....T—tungkol saan?" tanong ko agad sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay inilayo ni Maria ang kaniyang tingin sa akin at muli siyang dumungaw sa bintana. Habang siya ay nagsasalita ay pinagmamasdan niya ang magandang hubog ng kalangitan..."...May bata"
"Bata?"
Ano itong binabanggit ni Maria na bata?
"...Hindi kita maintindihan Maria." Ang naguguluhan kong sabi sa kaniya. Hindi siya umimik ng mga ilang minuto. Huminga siya ng malalim, at saka ito pinakawalan ng dahan-dahan sa kaniyang bibig. At saka siya muling tumingin sa akin—mga kakaibang tingin na para bang iyon na ang huli...
"...Mangako ka sa akin Grau."
"T—teka....mangako? Para saan?"
"Basta...mangako ka."
Bigla akong nakaramdam ng panlalamig nang sinambit niya ang mga salitang iyon.
"...Mangako ka..." muli niyang inulit, na para bang nais niya ng kasiguraduhan mula sa akin. Pero...
"Maria, alam mo na hindi ako maaaring mangako ng basta-basta. Maliban nalang kung sasabihin mo sa akin ang nais mo...."
"Ikaw lang ang makakagawa nito Grau, wala ng iba..."
Nalilito na ako sa mga sinasabi ni Maria, kaya inawat ko na siya...
"Tama na ang panghuhula---sabihin mo sa akin kung anong problema. Anong ibig mong sabihin tungkol sa bata? Teka sandali---kung isang babala ang pangitain na nakita mo, kaylangan itong marinig ni Anshel para---"
"--------Huwag Grau!" Hinawakan ni Maria ang braso ko at agad niya akong pinigilan. "...H—hindi si Anshel, ikaw lang ang gusto kong makaalam nito..."
"Ako lang? Bakit?"
Hindi ako sinagot ni Maria. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Ramdam ko ang matinding pag-aalala niya, pero hindi ko parin maintindihan kung ano ang bumabagabag sa kaniya.
"...Mangako ka muna sa akin, Grau. At ipinapangako ko, hindi mo ito pagsisisihan..."
Wala akong naging laban sa malambing na pakiusap ni Maria. Hindi ko siya matanggihan, lalu na't ang mga mata palamang niya ay sapat na para mapapayag nya ako sa kaniyang pakiusap.
YOU ARE READING
Code Chasers
FantasyWalang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala...
