Walang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago.
Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin...
Ni wala siyang anumang ala...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Code Twenty Five: "Until we fulfill our Pledge"
*****
Naaawa ako kay Fillan...
"Talaga? Totoo ba yan?"
...at gusto ko talaga siyang tulungan...
"Oo, totoo 'yon!"
...Gusto ko syang tulungan na makaalis sa kulungang iyon.
"...teka, bakit bigla ka yatang naging enteresado sa alamat ng Hand of Glory hu, Eruel?"
Dahil gusto kong...makita ni Fillan kung gaano kaganda ang mundo sa labas---gamit ang sarili niyang mga mata...
"Basta...huwag ka nalang magtanong ng kung anu-ano, pwede? Sabihin mo nalang sa akin ang lahat ng nalalaman mo tungkol sa itinatanong ko sa iyo."
*****
"Ha? Hindi ka makakadalaw sa akin ng...ilang araw?"
Kumunot agad ang noo ni Fillan nang sinabi ko sa kaniya na mga ilang araw ko syang hindi madadalaw.
"Ano ka ba...hindi naman iyon aabutin ng ilang linggo..."
"G--gaano...katagal ang ilang araw?"
"Basta, ilang araw lang." matipid kong sagot kay Fillan. Hindi na sya nagsalita ulit pagkatapos ko syang sagutin. Mukha syang okay sa labas, pero mararamdaman mo naman mula sa loob niyang malungkot sya. Kaya sinabi ko sa kaniya...
"Makinig ka Fillan...."
Nagawa ko naman na maagaw ulit ang atensyon nya.
"Pagbalik ko, ilalabas kita. Pupunta tayo sa pinaka-paborito kong lugar. Pangako..."
Nakita ko agad kay Fillan na nalito sya sa sinabi ko. Hehe, nakakatuwa pa man din ang hitsura nya kapag nagugulat sya. Hindi nya kasi alam kung paano sasabihin ng tama ang mga nararamdaman niya. Kaya madalas....sa mukha niya ito makikita.
"...Oh, hayan ka na naman! Nagugulat ka ba o nagtataka?"
"A--anong ibig mong sabihin sa sinabi mo Eruel na....lalabas ako? Imposible...paano mo----?"
Napangiti akong bigla. Hindi pa niya gaanong nakukuha ang ibig kong sabihin. Kaya naisip ko na pag-isipin pa sya ng kaunti....gusto ko kasi siyang surpresahin.
"Ah! Basta!"
--
Pero sa totoo lang, hindi madali ang sitwasyon namin ni Fillan...
"Saan ka na naman ba galing hu Eruel?! Ginabi ka naman?"
Nito kasing mga nakakaraan ay napapadalas na gabi na kung umuwi ako sa amin. At ang madalas kong palusot sa kanila----