Code Thirty Two: "Missing Link"
*****
Haa...Haa...Haaa....
Hindi huminto sa pagtakbo sina Grau, Fillan at ang misteryosong lalake na naka-itim na balabal. Kaylangan kasi nilang makasiguro na hindi na sila masusundan pa ng kanilang mga kalaban.
"Dito----bilis!"
Halatang alam na alam ng lalakeng naka-itim na balabal ang pasikut-sikot sa masukal na kagubatan sa labas ng Arondight. Maging ang mga nakatagong mga patibong para sa mga Ghouls ay batid niya kung saan eksakto nakalatag.
"...Mag-ingat kayo sa mga patibong. Sundan nyo lang ang bawat hakbang ko..."
Ilang sandali pa'y nakalabas na sila sa boundary ng Arondight. Unti-unti na rin nilang binagalan ang kanilang pagtakbo. Hindi naglao'y nakarating sila sa maliit na komunidad ng Gladiola na naglilimlim sa pusod ng kagubatan. Gaya ng iba pang mga estado sa Seravire, ang Gladiola State ay binabantayan rin ng mga piling sundalo mula sa hanay ng mga Pinagpala. At ang kabuuan ng lupain ay pinalilibutan ng nagtaasang mga pader na gawa sa Insignia bilang proteksyon sa mga naglipanang Ghouls at Gore na maaaring umatake anumang oras.
Magtutuluy-tuloy na sana sina Fillan at Grau, subalit napahinto silang bigla nang senyasan sila ng lalakeng naka-itim na balabal.
"Huminto muna tayo dito." ang sabi nya.
Huminto naman agad sina Fillan at Grau. Dali-dali naman na itinikwas ng lalake ang kaniyang balabal at kinuha mula sa sukbit niyang (bag) ang dalawang piluka, dalawang balabal at isang lenteng may kulay na isinusuot sa mga mata.
"Isuot nyo ito, bilis."
Hindi na nagtanong pa ang dalawa at agad nilang sinunod ang sinabi ng lalake. Isinuot nila ang mga piluka maging ang mga balabal, at inilagay naman ni Fillan sa mga mata niya ang mga lenteng may kulay.
At habang abala pa sina Fillan at Grau sa kanilang pagbabalat-kayo, dali-dali naman na nagtungo ang lalakeng naka-itim na balabal sa isang sulok at kinuha mula sa likuran ng mga nagtataasang talahib ang isang kariton na puno ng mga prutas at gulay.
"Papasok na tayo sa loob. Kumilos lang kayo ng normal, at sakyan nyo lang ang mga sasabihin ko."
Sinunod lang nina Grau at Fillan ang plano ng lalake at nagtangka na silang pumasok sa loob.
"....Narito kami para magdala ng kalakal." ang sabi ng lalakeng naka-itim na balabal sa dalawang sundalong nagbabantay sa tarangkahan.
Kaba ang agad umatake sa puso ng binatang si Fillan, lalu na nang isa-isa na silang sinisiyasat ng nakatalagang bantay.
Anong gagawin ko? Ito ang pangamba ni Fillan nang mga sandaling iyon. Paano kung mapansin nila? Paano kung mangyari na naman yung nangyari kanina?
Sinuri ng isa sa mga sundalo ang laman ng kariton na bitbit ng tatlo, habang ang isa naman ang siyang tumitingin sa hitsura ng tatlo na nais pumasok sa loob ng bayan.
"Hm....hm..." maingat at talaga namang masusi ang ginagawang pagsiyasat ng bantay. Isa-isa niyang tinitigan sa mga mata ang tatlo upang sigurihin na wala sa isa sa kanila ang pinaghahahanap na salot.
At pagkatapos ng ilang sandali...
"O sige, makakapasok na kayo."
At binuksan na ng mga sundalo ang tarangkahan matapos nilang matiyak na wala sa tatlo ang kanilang hinahanap.
"Maraming salamat." ang sabi naman ng lalakeng naka-itim na balabal. Binitbit na ng tatlo ang kariton at agad na silang pumasok sa loob ng bayan.
"Ha...." isang malalim na buga ng hininga ang ginawa ni Fillan. Kinabahan kasi siya habang pinagmasdan ng sundalo kanina ang kaniyang mga mata. Gusto na sana niyang alisin ang mga lente sa kaniyang mga mata dahil nakakaramdam na siya ng bahagyang pangangati. Subalit agad siyang sinita ng lalakeng naka-itim na balabal at sinabi nito na...
VOCÊ ESTÁ LENDO
Code Chasers
FantasiaWalang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala...
