Vol. 3 Code Twenty Six: "To Snatch the Whole Nine Yards"

808 88 41
                                        

Code Twenty Six: "To Snatch the Whole Nine Yards"

*****

"Kaylangan na nating bumalik..."

Ayoko man sana, pero kaylangan.

"H---ha?" Bumangon bigla si Eruel mula sa hinihigaan naming damuhan na nasa paanan mismo ng malaking puno na aming sinisilungan. Nakita ko sa naging reaksyon ni Eruel ang hindi niya pagsang-ayon sa sinabi ko. Pero...

"...Dumidilim na. Kaylangan na nating bumalik."

Magmula noong mabuksan ang rehas na bintana sa kulungan ko ay parati na kaming lumalabas ni Eruel para maglaro at mamasyal. Tataunin lang namin na wala si Grau, at pagkatapos ay saka kami aalis at pupunta sa mga lugar na nais naming puntahan. Uubusin namin ang buong maghapon sa paglalaro, paghahabulan, pagkain at pagpapalitan ng mga kwento. At sa totoo lang, hindi kami nauubusan ng maiisip gawin. Sobrang saya namin na tipong ang pakiramdam namin nasa isang panaginip kami. Kaso, gaya ng mga panaginip----kakaylanganin mo ring magising...

"....pabalik na si Grau. Kapag hindi nya ako naabutan roon, sigurado na--" "Teka, teka Fillan!" bigla akong inawat ni Eruel sa pagsasalita. "...sino ba 'yang Grau na iyan sa iyo? Bakit ba parang takut na takot ka sa kaniya?"

Sino si Grau? Ang alam ko lang sya ang nagbabantay sa akin. Bilang na bilang lang ang pagkakataon na iniimik ako ni Grau, kaya hindi ko alam ang lahat ng tungkol sa kaniya. Madalas pinanlilisikan niya ako ng mga mata lalu na kapag ang mundo sa labas ang pinag-uusapan. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong lumabas, pero tiyak ko na may mabigat siyang rason kung bakit.

Bahagya kong inilayo ang tingin ko kay Eruel at saka ko siya sinagot ng ganito:

"B---basta. Pakiusap, umuwi na tayo."

Pero sadyang mapilit si Eruel at kapag may naisip siyang isang bagay ay gagawin niya ito agad-agad.

"Ba't 'di ka nalang sumama sa akin? Doon ka nalang sa amin tumira!"

Nagulat ako sa sinabi ni Eruel. Hindi agad ako nakasagot. Nag-alangan akong bigla imbis na sumagot ng "oo" sa alok niya sa akin.

"Ano Fillan? Sige na, pumayag ka na! Sumama ka nalang sa akin."

Oo...gustung-gusto kong sumama sa kaniya pero....

"H---hindi pwede..." matipid kong sagot.

"Pero bakit?!" tanong niya sa akin.

"Basta...!"

"Bakit?!"

"Basta!"

"Bakit nga!"

Umalsa nang pareho ang mga boses namin ni Eruel. Hindi namin namalayan....nagtatalo na pala kami. Ito rin marahil ang unang beses na may pinagtalunan kaming dalawa.

"Sabihin mo sa akin kung bakit ayaw mong umalis sa kulungan na iyon! Hindi ka naman kambing na kada hapon kaylangan mong bumalik sa kwadra hindi ba?! Tao ka Fillan, hindi ka naman kriminal para mabulok ka sa lugar na iyon habang buhay!"

Sa lahat ng sinabi nya, isa lang ang nainintindihan ko...

"K---Kambing?"

"Oo! Kambing!" galit pa niyang sagot sa akin.

Sa totoo lang----gusto kong matawa dahil inihambing nya ako sa isang kambing. Pero sa kabilang banda, gusto kong maging emosyonal dahil ganoon nalang ang pag-aalala niya sa akin. Pero hindi ko sya pwedeng pagbigyan. Hindi ako pwedeng sumama sa kaniya.

Code ChasersWhere stories live. Discover now