Code Fifty Eight: "The Point of No Return"
*****
Ang Nakaraan sa Code Chasers...
"T—teka, ano 'yon?"
Napahintong bigla si Fillan sa kaniyang paglalakad nang may kakaiba siyang naramdaman sa kanilang paligid. Papauwi na sana sila ni Suzana noon nang naramdaman niya ang presensyang iyon na bahagyang nagbigay ng kilabot sa kaniyang katawan. Palapit ng palapit ang presesnya sa direksyon nila, bagay na agad niyang ikinaalarma.
Napansin naman ni Suzana ang biglang paghinto ni Fillan sa paglalakad, na para bang mayroon itong inaabangan na lumabas mula sa kung saan.
"May problema ba? Fillan?"
Hindi makasagot si Fillan sa tanong. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang nararamdaman niyang panganib sa paligid.
"Sa tingin ko...kailangan na nating bilisan ang paglalakad, Suzana."
"Ha? Bakit? Ano bang----?" ngunit bago pa man natapos ni Suzana ang kaniyang tanong ay biglang nagpakita sa likuran niya ang isang halimaw. Ang anyo nito ay gaya ng sa isang paniki na may mahahabang pangil, pakpak at mga kuko.
"Suzana!"
Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Inatake ng halimaw si Suzana mula sa likuran gamit ang mga matatalim nitong kuko. Tumagos ang mga kukong iyon sa sikmura at dibdib ni Suzana, at pagkatapos ay binatibat ito ng halimaw papunta sa mga batuhan.
"Hindi! Suzana!!!"
*****
"Hindi! Suzana!!!"
Humampas sa mga batuhan ang walang kalaban-laban na si Suzana matapos itong atakihin ng isang Ghoul na may anyong gaya ng sa isang paniki.
"Suzana!" tinangka ni Fillan na lapitan si Suzana upang saklolohan ito. Ngunit bago paman siya nakalapit sa sugatang si Suzana ay agad na siyang naharang ng halimaw at hinampas siya gamit ang napakalaki nitong itim na pakpak.
"Ah!"
Tumilapon si Fillan at nagtamo ng mga galos sa katawan. Sa kabila ng mga iyon ay nagawa parin ni Fillan na makabangon para harapin ang halimaw.
Subalit....
"Si Suzana...." labis na nag-aalala si Fillan sa kasalukuyang lagay ni Suzana. Kahit nasa malayo siya'y kitang kita niya na malubha ang kalagayan nito. Tuluy-tuloy sa pag-agos ang dugo, at walang anumang senyales ng malay-tao ang sugatang si Suzana.
"Kailangan kong humingi ng tulong..."
Inilabas ni Fillan ang kaniyang alagang daga na si Peanut at agad siyang nagbigay ng utos sa munting nilalang.
"Bilis, Peanut! Pumunta ka kina Ms. Dallia para humingi ng tulong!"
"Squeak!"
Dali-daling bumaba ang munting daga sa palad ni Fillan at matulin na tumakbo papunta sa tahanan nina Dallia sa labas ng kakahuyan.
"Ikaw...at ako na lang." ani Fillan sa kaharap niyang mabangis na halimaw. Bagama't kabado ay buo naman ang loob niya na labanan ang halimaw kahit siya lang mag-isa.
"Grrr....Grrrrm...!"
Nanlilisik ang mga mata ng halimaw habang nakatitig ito sa binatang si Fillan. Mala-asido ang laway na lumalabas sa bibig nito, habang ang mga kuko nito'y kasing kintab ng bagong hasang tabak na anumang sandali ay handang pumaslang.
"Agresibo ang halimaw..." saad ni Fillan sa kaniyang sarili. "Pero hindi ako p'wedeng magpatalo."
Inihanda na ni Fillan ang kaniyang sarili para harapin ang halimaw. Kinuha niya ang isang patalim na nakasukbit sa kaniyang tagiliran. Ang patalim na iyon ay personal na ibinigay sa kaniya ni Lala bilang "training weapon" na ilang araw pa lang niya na nagagamit sa kaniyang pagsasanay.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Code Chasers
ФэнтезиWalang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala...
