Code Twenty Eight: "The Scars on our Distant Past" (Part Two)
*****
Nasa harapan ko ang isang napakalaking pader na balot ng naglalakihang mga kadena. At sigurado ako na hindi ito basta ordinaryong pader lang---may kung ano sa likod ng pader na iyon—para itong...nakikipag-usap sa akin. At habang tinititigan ko ito ng matagal, pakiramdam ko may kung anong bagay sa loob ko ang gustong lumabas...
Hindi ko namalayan, nasa likod ko na pala ang lalakeng dumukot sa amin ni Eruel. Bliss ang pakilala niya sa akin. At ayon sa kaniya, ang nakakulong sa loob ng pader na nasa harapan ko ngayon ay walang iba kundi ang lumikha sa akin...
"...Wala kang ibang gagawin kundi ang pakawalan sya. Ang Lumikha sa iyo, ang aming Panginoon---walang iba, kundi si ANSHEL."
Pero...natatakot ako...
"H—hindi ko alam kung paano ko...g—gagawin yang sinasabi mo!"
Anong gagawin ko...?
"Basahin mo lang ang mga simbulo na nasa pader. Kapag nagawa mo ang ipinapagawa ko, pakakawalan na kita maging ang kaibigan mo..."
Tama bang gawin ko iyon? Hindi....pakiramdam ko hindi ko dapat sundin ang sinasabi nya sa akin. Pero nasa panganib ang buhay ni Eruel--- At Iyon na lang ang natitirang paraan para iligtas sya...
"Ano pang hinihintay mo Decipher, gawin mo na!"
Nabigla ako nang tumaas ang boses ng lalakeng dumukot sa amin ni Eruel na si Bliss. Gusto niyang basahin ko ang mga simbulong nakaukit sa pader na nasa harapan ko ngayon—pero...hindi ko kaya. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa oras na sundin ko ang ipinapagawa nya. Paano kung...mapahamak kami lalo? Anong...gagawin ko kapag nangyari iyon?
"Tumatakbo ang oras, Decipher!" may pagbabanta na sa tinig ng lalake, at alam ko na kapag hindi ko agad sisimulan ang ipinagagawa niya sa akin, tiyak na sasaktan niya si Eruel...
Anong...dapat kong gawin!
--Huwag kang making sa sinasabi nya---------FILLAN!
Narinig ko ang boses ni Eruel. Lumingon ako, at nakita ko siya na nililingkis ng isang malaking ahas at nakaamba sa leeg niya ang isang matalim na punyal na hawak ng lalakeng nagpakilalang si Bliss.
"E---Eruel!"
Tinangka ko na lumapit, pero bago ko paman naihakbang ang mga paa ko ay agad na akong binantaan ng lalake---sabay bahagyang ibabaon ang hawak niyang punyal sa leeg ni Eruel na agad nagmarka.
"Sa oras na lumapit ka---tutuluyan ko sya."
"Eruel...!"
Natatakot ako...
"F---Fillan!"
Pero wala nang...iba pang paraan...
"F---Fillan!"
Alang-alang kay Eruel...
"F---Fillan!"
Inihakbang ko pasulong ang mga paa ko at hinarap ang pader kahit na punung-puno ng takot ang buong katawan ko.
"-----pakiusap! Huwag mong gawin yan!"
Pikit-mata kong binali-wala ang mga paghiyaw ni Eruel...
"F---Fillan!!!"
...Para lang masagip ko siya-----siya lang ang nag-iisang kaibigan na mayroon ako sa mundong ito...at hindi ko kayang mawala sya...
YOU ARE READING
Code Chasers
FantasyWalang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala...
