SPECIAL CHAPTER

301 34 58
                                    

Gray's POV

"Love,"

"Boo,"

"Love,"

"Boo nga kasi, ang kulit mo." Pagsusungit ko pa kay Ehoshua. Kanina pa talaga kami nagtatalong dalawa kung ano ang magiging endearment namin.

Nung nakaraang araw kasi, nagpunta kami sa park, tapos may nakita kaming magboyfriend then nainggit siya dahil bakit daw kami walang endearment.

Natatawa naman ako sa kaniya dahil ang gusto niya love, ang sa akin naman boo.

"I said, love. That's final. Period." Naguumpisa na naman ang pagiging cold na pakikitungo niya sa akin.

Pero syempre hindi naman ako papatalo, aba! Ako pa talaga ang sinubukan mo.

"Sige, break na tayo." Seryoso ko namang sabi sa kaniya at nakita ko agad na pumutla ang mukha niya.

Ops, it's a joke. Kayo naman hindi ako ganoong klaseng tao na basta-basta na lang susuko sa isang taong mahal ko.

"Tsh fine, boo."

"Hey, masyado ka talagang seryoso, binibiro ka lang naman." Sabi ko sabay pout sa kaniya.

"Ikaw naman kasi, ilang beses ko pa bang sasabihin na pagdating sayo palagi akong seryoso?" Pambabalik niya naman sa akin sabay kinurot ang pisngi ko. "Cute cute mo talaga."

Aww, simula nung naging kaming dalawa na, nagbago na ang lahat sa kaniya. Nagsimula ang pagiging clingy niya sa akin, sobrang sweet, maalaga, dagdagan mo pa na lagi siyang dumadalaw sa bahay.

Kulang na lang nga doon na siya tumira e.

Mabuti nalang nga at naging maayos na din ang kalagayan ni mom and good news narenew namin ang company naming nalugi noon. With help of Ehoshua.

"Kahit anong tawagan natin, basta importante alam kong sa akin din ang bagsak mo, okay?"

"Alam mo, hindi ko talaga alam kung saan mo nakukuha yang ka-sweetan mo, nakakainis!" Pagmamaktol ko sa kaniya.

Hindi ko naman matago ang kilig na nararamdaman ko sa kaniya, kasi naman sino ba ang makakapagpigil diba?

Itong ganitong kagwapong nilalang, hindi ka kikiligin? Aba'y mukhang nakain ko yata yung mga salita ko sa PROLOGUE.

Pero kung aakalain niyo bang lagi nalang kaming masaya? Hindi syempre. Alam kong namiss niyo ang istorya naming dalawa kaya dito ko ipagpapatuloy.

Minsan na akong nagselos sa kaniya dahil paminsan-minsan ay hindi ko alam kung saan siya nagpupunta tapos nalaman kong may kasama palang iba.

Pero ipinaliwanag niya sa akin ang lahat, masyado lang yata akong naging praning, dahil pinsan niya daw pala yon na babae sa side ng daddy niya.

Nakakalungkot mang isipin pero noong araw na iyon ay namatay na ang dad ni Ehoshua, kahit na marami siyang nagawang kasalanan sa amin ay matagal na rin naming siyang napatawad.

At sana sa itinagal na pagstay niya sa kulungan ay napagdusahan na niya lahat-lahat ang mga kasalanang ginawa niya.

*******

Actually nandito kaming dalawa ngayon sa school canteen, wala kasi kaming class ngayon kaya eto tambay muna.

1 buwan nalang din ang aantayin namin at malapit na kaming grumaduate. At ito ang last class namin pero hindi pa tuloy kaya marami ng excited bukas dahil puro practice nalang ang gagawin.

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now