Chapter 1

563 140 106
                                    

Gray's POV

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa library at dahil free time naman daw namin, may biglaang meeting ang mga teachers.

Ayoko namang magstay sa room namin dahil nandoon ang mga mayayabang.

Speaking of mayayabang, oo kaklase ko yung mga nakabangga ko kanina. At hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakakalimutan ang ginawa niya sa akin.

Na para bang umasta siya na kilalang-kilala niya na ako. Palibhasa kabago-bago ko pa lang naman dito sa paaralang ito.

Ang ganda ng library nila, kaya dito ko napiling magpunta at magbasa na lamang ng mga libro.

Buti nalang at hindi ko nakalimutan ang earphone ko, mas nawiwili ako sa pagbabasa kapag may naririnig akong musika sa aking mga tenga.

"Kailan kapa nahilig sa pagbabasa?" kahit na may earphone ako sa tenga, pero rinig ko pa rin kung sino ang nagsabi non.

Ngunit sa halip na sagutin ko siya ay masama ko na lamang siyang tiningnan na para bang wala akong narinig mula sa mga sinabi niya.

Pero nagulat na lang ako ng bigla noyang ihagis palayo sa akin ang librong binabasa ko.

Ginagalit mo na naman ako. Sige pagbibigyan kita sa kagustuhan mo. Humanda ka lang talaga sa akin.

Matagal kaming nagtitigan na dalawa at pilit kong nilalabanan ang titig niya. Pakiramdam ko sa mga sandaling iyon ay may kuryenteng dumadaloy sa pagitan naming dalawa. At hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Siya ang unang sumuko sa titigan naming dalawa. Aba, ako pa ang sinubukan niya. Siya rin naman pala ang unang sumuko.

"Nagbibingi-bingihan kaba? Kailan kapa nagkaroon ng interes sa pagbabasa?" iritado niyang tanong sa akin.

Ngumisi ako sa kaniya at tumugon. "Ikaw ba, nagbubulag-bulagan? Nakita mong may earphone akong suot, malamang hindi kita maririnig. At isa pa ano namang pakialam mo kung kelan pa ako nagkaroon ng interes sa pagbabasa?" inis kong sabi sa kaniya sabay na iniwan siyang nakatunganga kasama ang kaibigan niyang tumatawa.









Ehoshua's POV

Pesteng buhay naman! Napakamalas ko ngayon. Kailan pang natutong mambara ang babaeng yon?

Parang dati-dati lang...hays.

"Dre, wala ka pala eh." Sabi ni Kiel sa tabi ko at kanina pa nakahawak sa tiyan niya sa sobrang kakatawa.

"Kaibigan ba talaga kita? Parang kinakampihan mo pa yung babaeng yon."

Nakakainis lang kasi, sa lahat-lahat talaga ng mga babae dito sa school siya palang ang nakakapagbara sa akin.

Parang dati lang eh. Hays, oo na past is past at hindi ko na pwedeng balikan pa ang mga nakabaon na sa nakaraan.

"Hindi sa kinakampihan kita, pero kung tutuusin dalawang bagay lang yan," sabi niya na nakapagpalingon naman sa akin. "Either, nagpapapansin ka sa kaniya kaya mo ginagawa ang mga bagay na yan or..." kunot-noo ko siyang binatukan.

Pabitin pa kasi. "Or?!" Pagalit kong tanong.

"Or, nanunumbalik ang--"

"Ano ba!" Pagputol ko agad sa sinabi niya, dahil alam ko na naman ang idudugtong niya doon.

"Teka, kalmahan tayo dre. Hindi mo na naman ako pinapatapos. Akala ko ba nakamove-on kana?" Panunudyo pa niya pa sa akin.

"Tss, alam ko naman yung idudugtong mo don. Para namang hindi pa ako nasanay sayo." Seryoso ko namang sabi sa kaniya.

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now