Chapter 11

230 64 29
                                    

Gray's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pag-uusap sa pagitan ng doctor at ni kuya.

Hindi ko lubos maintindihan kung tungkol saan at kung ano ba talaga iyon.

Ngayon ay nakaupo ako at naghihintay kay kuya, dahil nagpaalam siya na magbabayad lang daw ng hospital bills para naman makalabas na ako rito.

"Tara na kuys?" Aya ko sa kaniya ng makabalik na siya. Pero nagtaka ako kung bakit parang may gumugulo sa isipan niya. "May problema ba?" Tanong ko sa kaniya.

"May nagbayad na para sa bill mo dito." Tipid niyang tugon sa akin na siyang ikinakunot naman ng noo ko.

Hanudaw? Bayad na yung bills ko dito sa hospital? Pero paano naman?

"Sigurado kaba dyan kuya?" Paglilinaw ko pa. "Baka naman nagkamali lang yung nurse. Halika at puntahan natin ulit." Pangungulit ko pa sa kaniya pero pinigilan niya lang ako.

"Hindi na. Ilang beses ko na din nilinaw iyon sa kanila, at totoong bayad na yung bill." Sabi niya. Teka lang, sino naman kaya yon?

Hindi na ako nagmatigas pa sa kaniya at inayos na din ang iba ko pang mga gamit.

Kung sino ka man, masasabi kong hulog ka ng langit. Napakalaking tulong na itong ibinigay mo sa amin. Maraming salamat sa napakabuti mong kalooban.










Unknown Person's POV

Alam kong gusto ninyo malaman kung ano at sino ba talaga ako. Malalaman ninyo rin yon sa tamang panahon.

Ako rin ang nagbayad sa hospital bills ni Gray. Nagkataon lang at nakita ko siya dito sa hospital at alam ko ang kalagayan ng pamilya nila ngayon at paniguradong hindi nila kakayanin ang babayaran sa bill kaya't naglakas loob nalang ako para bayaran iyon.

Matagal ko ng gusto si Gray noon pa man, ang kaso lang nga pinipigilan ko pa rin ang nararamdaman ko sa kaniya dahil alam kong masasaktan lang ako kapag pinapatuloy ko itong nararamdaman ko para sa kaniya.

Kaya sana sa isang munting paraan man lamang ay makatulong ako sa kaniya at maipadama ko man lang ang pagmamahal ko sa kaniya kahit na hindi na niya ako nakikilala.














Gray's POV

Kinabukasan ay pumasok na agad ako sa school namin. Nagulat ako ng bigla akong ininspection ni Kiel.

"B-bakit?" Nagtataka ko namang tanong sa kaniya.

"Balita ko nasa hospital ka daw kahapon. Ayos lang ba pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Dapat hindi ka muna pumasok, kagagaling mo lang sa sakit." Sabi niya na may halong pag-aalala. Nangiti nalang ako sa iniasta niya.

"Wala lang yon, pagod lang."

"Sigurado ka?" Tumango na lang ako sa kaniya bilang paninigurado na okay lang talaga ako.

Hindi naman ganoon kalala iyon, pero nasisiyahan ako sa mga oras na ito dahil may kaibigan akong mas nag-aalala pa sa akin kaysa sa sarili ko.

Sabay kaming pumasok sa classroom ni Kiel, napansin kong wala pa si Ehoshua. Teka bakit naman napasali yon sa usapan? At bakit ko siya iniisip?

Tsk, erase erase.

Dumating na ang teacher namin at nagulat ako ng bigla naman siyang sumunod doon. Sakto lang ang dating niya.

Pero padabog naman siyang umupo sa upuan niya. Problema nito? Sabagay moody nga pala yan. Di pa ako nasanay, hays.


"Okay class, alam niyo naman siguro na yearly ay nagkakaroon tayo ng camping right?" Sabi nung teacher namin. Nakakaexcite naman yan, pero ano kayang mangyayari doon?

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now