Chapter 24

191 54 27
                                    

Gray's POV

"Anak, sana mapatawad mo pa ako sa mga kasalanang nagawa ko sayo." Sabi ni dad sa akin.

"Naiintindihan ko naman po, saan po pala kayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko naman sa kaniya dahil napapaligiran kami dito ng liwanag kaya nasisilaw ako at hindi ko siya masyadong maaninag.

Teka, nasaan ba talaga ako? Parang hindi pamilyar ang lugar na 'to sa akin.

"Hindi ko maaaring sabihin sayo anak, magkasama kami ng nakababata mong kapatid. Sa ngayon bumalik kana muna dahil higit kang kailangan ng mommy mo ngayon." Iyon ang huling sinabi ng dad ko sa akin bago siya tuluyan mawala sa paningin ko.











Nagising nalang ako ng marinig ko ang iyak ni mommy. "M-mommy," Pagtawag ko sa kaniya. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang umiiyak.

Sinubukan kong tumayo pero parang hindi ko pa kaya. "Huwag mong pwersahin ang sarili mo." Nagulat naman ako ng biglang dumating si kuya Liam.

Agad kong naalala ang nangyari sa kanila bago pa ako makuha ng mga masasamang tao. "Kuya, ayos ka lang ba?" Nagaalala kong tanong sa kaniya. Dahil nakita ko na inaalalayan niya ang tagiliran niya. Batid kong doon siya banda nasaksak.

Ngumiti lang siya sa akin at inilapag ang dala-dala niyang pagkain sa gilid ng table.

"Gusto mo ba munang kumain?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako agad sa kaniya.

"Mommy, matagal po ba akong nakatulog?"

"Oo anak, halos dalawang araw na. Mabuti nalang at nagising kana ngayon." Sagot niya naman sa akin at nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa sinabi niya.

Hindi ko akalaing makakatulog ako ng ganoon katagal. Grabe 2 araw talaga? Habang hinahanda ni kuya Liam ang kakainin ko ay biglang pumasok sa isipan ko si Ehoshua.

Ng dahil na rin sa pag-aalala ay wala sa sariling natanggal ko ang lahat ng mga aparato na nakakabit sa katawan ko. At pwersahan akong lumabas sa kwartong iyon.

"Gray, wag ng matigas ang ulo. Kailangan mo munang magpahinga," Striktong sabi naman sa akin ni kuya. Pero umiling naman agad ako sa kaniya.

"Kuya, maayos lang ako. Higit akong kailangan ngayon ni Ehoshua." Sabi ko at hindi na hinintay pa kung ano ang sasabihin niya sa akin.

Hindi ko alam kung saang kwarto ba si Ehoshua kaya bumaba ako at nagpunta sa nurse station para magtanong.

"3rd floor, Room 13." Sabi naman agad sa akin nung nurse. Gumamit nalang ako ng hagdanan dahil masyadong maraming tao ang nasa elevator matatagalan pa ako doon.

Hingal na hingal ako habang binabagtas ko ang daan pataas patungo kay Ehoshua. Pagkadating ko sa 3rd floor ay hinanap ko agad ang kwarto niya.

Pero nagulat na lamang ako ng bigla akong hinarangan ni Hatred at Kiel. "N-nasaan si Ehoshua?" Tanong ko sa kanila habang hinihingal pa. Pero wala man lang akong reaksyon na mababasa mula sa mga mukha nila. "Sumagot kayo! Ayos lang siya?!" Natataranta kong tanong, may hindi talaga akong magandang kutob sa nararamdaman ko ngayon.

"Gray, kumalma ka lang muna." Sabi ni Kiel sa akin bilang pampalubag ng aking loob at inupo muna nila akong dalawa.

"Hatred, magkakilala kayo ni Kiel?" Tanong ko sa kaniya tiningnan ko silang dalawa at tumango naman sa akin si Hatred pero si Kiel ay nakakunot ang noo.

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now