Chapter 20

186 55 4
                                    

Kiel's POV

Nakokonsensya ako sa mga sinabi ko noong nakaraang araw. Hindi ko alam na sa pagkakataon na pala ito ay malalaman na ni Gray ang plano naming dalawa ni Ehoshua na paglaruan ang damdamin niya.

Gusto kong mag-sorry sa kaniya pero alam kong hindi iyon sapat para maibsan ang galit na nararamdaman niya sa amin.

"Kiel, tara." Anyaya sa akin ni Ehoshua pero hanggang ngayon ay kinikimkim ko pa rin ang galit ko sa sarili ko at sa kaniya.

Bigla siyang nagulat sa akin ng ambaan ko siya ng suntok. "Dapat lang sayo yan. Tama nga si Gray, masyado kang makasarili." Sabi ko sa kaniya.

"What the hell, ano nakokonsensya kana ba?" Mayabang niyang tanong sa akin sabay ngumisi ng sarkastiko.

"Oo, nakokonsensya ako dahil alam kong mali ang ginawa natin. Dre, tao lang din si Gray na nasasaktan." Mahinahon ko pang pagpapaliwanag sa kaniya.

"Tapatin mo nga ako, may gusto kaba sa kaniya?" Natawa naman ako ng dahil sa sinabi niya.

"Seriously, huh? Concern lang ako kay Gray but it doesn't mean I have feelings for her."

"Good. Hindi ka dapat makonsensya sa ginawa natin. Later on, makakalimutan niya rin yon. And deserved niya din naman." Sabi ni Ehoshua sabay umalis.

Hindi, mali talaga itong pag-iisip ngayon ni Ehoshua, binalot na siya ng pagiging makasarili at galit sa kaloob-looban niya.

Kailangang gumawa ako ng paraan para mabago ko pa ang isipan niya. Dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa buhay namin kung ipagpapatuloy niya pa ito.








"Kiel, aalis muna kami ng dad mo, we have to meet our business partners sa Cebu. Mag-isa ka lang dito house for 3 days. Take care of yourself, anak." Iyon agad ang naging bungad sa akin ni mom pagkadating ko sa bahay. As usual, nag-iisa na naman ako ngayon sa bahay. Kung tatanungin niyo kung bakit wala kaming kasambahay ay dahil wala namang nag-aapply talaga haha. Lagi ko kasing iniinis kaya ayon, laging umaalis.

Humalik lang ako sa pisngi nila at saka umakyat sa kwarto ko.

Naisipan kong itapon muna sa labas ang tambak na basura sa kwarto ko. Andami kasing love letter na ibinibigay sa akin kaso alam niyo naman na hindi ako interesado.

Well, kapag trip ko ang isang babae then that's the time na papansinin kita.

Itinaktak ko sa garbage bin ang lahat ng mga letter na pinapadala sa akin ng mga babae sa school. Araw-araw yan, walang palya.

Nung lumingon na ako ay halos nabitawan ko ang hawak kong trash bin dahil sa taong matagal ko ng hindi nakikita.

"Long time no see, dre." Nangilabot ang buong katawan ko nung magsalita naman siya.

"T-teka, diba patay kana?" Kinakabahan kong tanong naman sa kaniya.

"Kalma ako lang 'to. Magpapaliwanag ako, okay?" Napansin niya siguro na nangangatog na ako dahil sa sobrang takot.

Bakit naman kung kelan pa ako nag-iisa sa bahay saka naman ako dinalaw ng multo. Akala ko talaga...mabuti nalang at wala dito si Ehoshua dahil kung hindi, baka kung ano na ang magawa niya dito kay Riguel.

Isipin niyo kasi, grabe yung pagsisisi niya dahil inakala niya na kasalanan niya ang nangyaring aksidente tapos malalaman mo nalang na buhay pa at nakaligtas pala siya.

Pinapasok ko muna siya sa loob ng bahay. "Anong nangyari sayo? Paano ka nakaligtas?" Noong mga panahon kasi na nangyari yung mismong aksidente kami lang dalawa ni Ehoshua ang nakalabas at si Riguel ang mag-isang naiwan sa loob.

Pare-parehas kasi kaming mahuhulog sa bangin kapag nawalan ng balanse ang sasakyan kaya si Riguel ang nagbuwis ng buhay para sa amin. Ayaw talaga ni Ehoshua na bitawan ang kamay ni Riguel pero huli na ang lahat nung mangyari yon. Nagulat nalang kami ng pagkalabas naming dalawa sa loob ng sasakyan ay nahulog na ang sasakyan sa bangin at kasama nun si Riguel.

Bumuntong-hininga muna siya bago magsalita. "May tumulong sa akin." Tipid niya namang sagot, parang nakakapanibago masyado ang pag-uugali ni Riguel ngayon dahil pakiramdam ko naiilang ako sa ikinikilos niya.

Siguro dahil ilang taon na rin ang nakalipas at hindi na namin siya nakakasama.

"Sino?" Ang tinutukoy ko ay kung sino ang tumulong sa kaniya makaalis at makabangong muli sa aksidente na iyon.

"Mr. Lorenzo Alejar." Nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa sinabi niya. Hindi pwede ito, bakit sa lahat-lahat pa ng taong pwedeng tumulong sa kaniya ay si tito Enzo pa talaga?

Yes, its Ehoshua's dad. Hindi siya tutulong hangga't walang hinihinging kapalit. Kaya panigurado ako kung anuman iyon ay sana hindi naman nagpadala si Riguel sa tukso.

"We went to US, and bilang kapalit ng pagtulong niya sa akin sumanib ako sa negosasyon nila." Napailing ako ng dahil sa sinabi ni Riguel.

"At ginawa mo naman?! Nag-iisip kaba Riguel? Kahit na sabihin mong tinulungan ka nung tao, mali pa rin na nakikipagtransaksyon kayo ng droga." Pagalit kong sabi sa kaniya.

Kahit anong paki-usap talaga kay tito Enzo ay hindi niya pa rin maitigil ang madumi niyang negosyo. Oo, kaya nagpunta sila sa US dahil most wanted drug dealer ang tatay ni Ehoshua. Matinik yan pagdating sa negosasyon.

Wala na talaga siyang sinasanto, pati ang pinakamatalik na kaibigan ng anak niya ay dinamay pa niya. Napakawalang-hiyang tao.

"Relax dre! Kaya nga ako nandito dahil alam mo naman na hindi ko rin gusto ang pamamalakad ni tito Enzo." Nakahinga naman ako ng maluwag ng dahil sa sinabi niya.

Akala ko naman itinuloy niya ang inuutos sa kaniya ni tito Enzo.

Nagkwento sa akin si Riguel tungkol sa kung ano ang nangyari sa kaniya noong mga panahon na nandoon siya sa US kasama si tito Enzo at kuya Chester.

Mabuti nalang daw at nakatakas siya at nakauwi dito sa Pilipinas. Napaliwanagan niya na din daw ang pamilya niya tungkol dito, malamang sa una talaga ay magugulat ang mga ito pero kalaunan ay natanggap din nila ang pangyayaring iyon. Ang mahalaga ay ligtas si Riguel.

"Hoy, sample naman dyan." Sabi ko sa kaniya pagkatapos naming magkwentuhan agad naman siyang pinamulahan ng mukha.

Oo, dancer ito ng grupo namin si Riguel at sa aming tatlo siya ang magaling sumayaw. Hindi namin kinahiligan ni Ehoshua ang pagsasayaw dahil more on singing at pagtugtog ng musical instruments.

"Tch, loko." Sagot niya naman sa akin sabay nagtawanan kaming dalawa.

"Alam mo dre, akala ko talaga hindi na tayo makukumpleto." Seryosong sabi ko naman sa kaniya. Nawalan na kami ng pag-asa noon pa man dahil walang natagpuang patay na katawan ni Riguel base din sa imbestigasyon ay siguro daw nagkandalasog-lasog ang katawan niya dahil masyadong mataas na bangin ang pinagbaksakan niya kasama ang sasakyan.

"Imposible yang mangyari, I got your back. And Ehoshua also. Anyways, nasaan nga pala yung mokong na yon?" Tanong niya sa akin at pag-iiba ng usapan.

"Ayon, nagbago na ang ugali. Sa tingin ko, nagiging makasarili na rin siya kagaya nung dad niya."

"Dahil ba kay Gray?" Napatingin naman ako sa kaniya nung sinabi niya yon. Tumango ako bilang pagtugon sa tanong niya.

"Ano bang nangyari?"

"Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba si Gray, o wala talaga siyang maalala." Sabi ko naman. "Pero para sa akin, sa tingin ko inosente si Gray at wala siyang alam sa mga sinasabi ni Ehoshua." Pagpapaliwanag ko pa sa kaniya.

"Akala ko ako lang yung kinalimutan niya," Kumunot ang noo ko ng dahil sa sinabi niya. "Ilang beses ko ng naeencounter si Gray, in different situations. At naniniwala ako sayo, wala nga talaga siyang maalala."

"At iyon ang kailangan nating malaman." Sabi ko naman sa kaniya. Mabuti nalang at nakuha niya agad kung ano ba ang ibig kong sabihin doon.











(A/N: Anong masasabi niyo sa Chapter 20? Hmm, just comment down below and your votes will be highly appreciated. Thank you!)

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now