Chapter 12

237 62 15
                                    

Gray's POV

Grabe sobrang ganda talaga dito, hindi ko akalain na makakaexperience ako ng mga ganitong klaseng bagay.

May kalayuan man sa amin pero, worth it naman talaga ang pagbiyahe namin ng sobrang layo.

Mas lalo kaming napamangha lahat dahil hindi lang pala ito basta camp site, kundi beach resort din.

"Camp Wagi Beach Resort," Pagbasa ko sa may poster nila sa harapan.

Pati ang mga kaklase ko ay hindi na mapigilan ang saya. Siguro ibang-iba ito sa mga unang camp site na napuntahan nila dati pa.

Hinintay muna namin ang teacher namin dahil may inasikaso lang daw para sa entrance fee namin at sasabihing magstay kami dito ng tatlong araw.

Agad ko namang tinawagan sila nanay at tatay upang balitaan na nakarating naman kaming lahat ng ligtas sa aming pupuntahan.

"Nay, nandito na po kami. Napakaganda po pala rito nay! Masaya po ako at nakasama ako sa camping." Tuwang-tuwa ko namang sabi kay nanay at tinawanan niya lamang ako.

May mga ibinilin pa siya sa akin na lagi ko raw aalagaan ang sarili ko at mag-iingat lalo na't 3 days kaming nandito.

"Class, let's go inside na." Sabi pa ng teacher namin. Sobrang ganda talaga as in!

Nagulat kami dahil winelcome talaga kami ng mga staff at crews na nagtatrabaho sa loob ng camp site.

May mga ganito pala talaga dito.

Mas lalo akong naexcite dahil sinabi na rin sa amin ang pagkakahati ng grupo namin para sa team building.

And good news! Kagrupo ko sila Kiel, at Rylle ang kaso lang nga nahiwalay naman sa amin si Marty. Kaya ayon siya masa gilid nagmamaktol.

"Marty, okay lang yan." Pagcomfort ko pa sa kaniya dahil nalulungkot siya.

"Gusto ko kayong kasama e." Tugon niya naman pero nagulat nalang ako ng biglang magliwanag ang mukha niya.

"Bakit ka nandito? Diba doon ka sa kabila? You don't even belong here." Masungit na sabi sa akin ni Ehoshua.

"A-ah oo nga pala hehe, pasensya na. Marty una na ako. Goodluck!" Sabi ko sabay umalis at pumunta na sa team namin. Tama nga naman siya bakit ako naroroon e hindi ko naman team yon.

Hanggang ngayon pa rin ba badtrip siya? Parang akala mo makapagsalita siya sa akin ay mayroon akong napakalaking kasalanan na ginawa sa kaniya.

"Ano ka ba naman, Ehoshua! Ang harsh mo talaga pagdating kay Gray." Habang naglalakad ako papunta sa group namin ay narinig ko iyon na sinabi ni Marty.

Napailing nalang ako sa sarili kong naiisip. Hays, isip-bata talaga kasi kaya ganyan.



Nagsimula na din ang team building namin. Bale mayroong Team A na iyon ang kinabibilangan ko at yung sa kabila naman ang Team B.

Karamihan sa mga laro ay parang pang-christmas party at hindi mo talaga aakalain na kung team building pa ba ito? Haha.

Puro relays kasi ang pinapalaro sa amin. Pero wala namang angal yung mga kaklase ko as long as na nasisiyahan naman sila tungkol dito ay ayos na rin naman iyon.

Calamansi Relay ang sinalihan kong laro, pero by partner naman ito. Syempre alam niyo na kung sino ang partner ko.

Ang nag-iisang bestfriend ko na si Kiel. Tuwang-tuwa nga ang loko eh. Nakita ko naman kung sino ang makakalaban namin sa kabila at iyon ay si Ehoshua at si Chloe.

The Day We Were There (Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon