Chapter 25

245 54 25
                                    

Gray's POV

Lumipas ang tatlong buwan at marami na ang nagbago. Nakulong ang dad at kuya ni Ehoshua para pagdusahan sa loob ng kulungan ang mga nagawa nilang kasalanan.

Naging mapayapa na din ang pamumuhay namin. Nalaman na ang lahat ng katotohanan. Kasalukuyan na din akong dito tumitira kay mommy para alagaan siya.

Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Riguel dahil tinulungan niya ako sa pagpapagamot kay mommy dahil physician ang mga magulang niya.

Nagpatuloy rin ang pag-aaral namin, medyo maraming adjustments ang mga nangyari pero ang importante ay ligtas kaming lahat.

Paminsan-minsan ay dumadalaw ako kila nanay at kuya. Kung minsan rin ay sila naman ang pumupunta sa bahay dahil masyado akong maraming ginagawa, kinakailangan kasi naming maghabol sa mga gawain.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kwarto ko ngayon at nagpapahinga. Dala na rin ng maintain na pagkakaroon ng check-up ay kahit papaano ay bumubuti na rin ang kalagayan niya.

Nakarinig ako ng katok sa kwarto ko. Agad naman akong napabangon dahil baka si mommy iyon. At hindi nga ako nagkamali.

"May kailangan po ba kayo, mom?" Bungad kong tanong sa kaniya.

"Anak, can I ask favor?"

"Sure po, anything mom."

"Alam kong galit ka pa rin sa dad mo hanggang ngayon," Seryosong sabi naman niya. Napatungo ako doon dahil guilty ako ng dahil sa sinabi niya. Oo, galit pa rin ako kay dad. "Pwede mo bang madalaw ang puntod niya at yung sa kapatid mo? Kahit para sa akin nalang anak," Nagtaka naman ako sa mga sinabi niya. Kapatid? Meron pa pala akong kapatid?

"Dati pa, ako ang pinagbubuntungan ng galit ng dad mo dahil sa pagkalubog sa utang ng business niya. Noong sinasaktan niya ako, doon ko nalang nalaman na buntis pala ako." Sabi niya sabay may tumulong luha mula sa mga mata niya. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat kung bakit ganito ang kahihinatnan ni mom. Hiniling ko na sana noong mga panahon na iyon ay nadamayan ko man lang siya sa kalungkutan.

"Kahit ganoon po iyon, siya pa rin po ang tunay kong ama, kung wala siya ay wala rin ako sa mundong ito..." Sagot ko pa sa kaniya. "Ano pong nangyari sa kapatid ko?" Interesado ko namang tanong.

"Nakunan ako, she's a baby girl." Sabi niya naman sa akin ngunit bakas ko ang kalungkutan na namamayani sa mukha niya. Niyakap ko nalang ang mommy ko, kahit man lang sa ganoong paraan ay maibsan ko ang kalungkutang nararamdaman niya.

"Huwag kang mag-alala mom, nandito pa ako at kailanman ay hinding-hindi kita iiwan," Mas lalo siyang napaluha ng sinabi ko ang mga katagang iyon.

"Kahit pa maging asawa mo na si Ehoshua?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Mom! Bakit naman siya nasali sa usapan?" Alam kong inaasar na naman niya ako. Lagi nalang, ewan ko ba at may himala yatang nangyayari ngayon.

Dahil simula nung lumabas kami sa hospital at matapos yung nangyaring insidente ay madalang nalang uminit ang ulo ni Ehoshua, at ang mas malala pa ay nagkakasundo na din kaming dalawa. Ibang klase nga naman talaga.

"Hmm, my baby is not a baby anymore! Basta kapag pumunta kayo sa sementeryo isama mo siya, dahil alam kong kapag magkasama kayo ay ligtas ka sa mga bisig niya." Mahabang sabi pa ni mom sa akin saka umalis ng kwarto ko.

Napabuntong-hininga nalang ako at tinawagan si Ehoshua.

Isang ring palang ay sumagot na siya agad. Aba! Walang palya yata 'to, parang feeling ko nga laging niyang inaabangan ang mga tawag ko e.

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now