Chapter 6

342 95 29
                                    

Gray's POV

"Mamaya nalang kuya, salamat sa paghatid. Ops! Remember, dapat hindi ka uuwi ng may sugat at pasa sa mukha ha?" Paalala ko kay kuya, dahil nako napagalitan siya kanina.

Napansin kasi ni nanay na parang may tinatago siya kaya ayon, masyado pa namang halata.

Kaya kanina hindi nalang ako nagsalita, dahil pinagsabihan na naman siya ni nanay. Pasalamat siya at maagang pumasok si tatay sa trabaho.

Kung hindi, baka hindi lang panenermon ang aabutin niya.

"Tch, oo na po!" Ngumiti naman ako agad sa kaniya at nagtuloy-tuloy ng pumasok sa school.

Nagtaka ako kung bakit lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang kinikilig. Anong meron sa mukha ko?

Kinapa-kapa ko dahil baka mamaya hindi pala kinikilig, kundi tinatawanan na ako. Wag masyadong assuming Gray, baka masaktan ka lang hehe masakit yon.

Kinuha ko pa ang maliit kong salamin sa bag, at doon tiningnan ang aking sarili pero maayos naman, pati yung buhok ko?

Anyare? May problema ba sa akin? O sadyang may mga sayad lang tong mga to? Kung makatingin kasi, parang iba lang yung feeling, kilig much.

Nagulat ako ng biglang may magabot sa akin ng isang bracelet. "Miss, kanino galing 'to?" Agad ko namang tinanong yung babae.

"Secret," Sabi niya naman sabay umalis habang kinikilig pa.

Sa bawat sulok ng paaralan namin, lagi ako nakakatanggap ng bracelet ng hindi ko man lang nalalaman kung kanino nanggaling.

Napansin ko naman na, may mga letrang nakaukit sa bracelet na ito at sinubukan kong buuin.

Naconfuse naman ako kasi anong word ang mabubuo dito? Kung pangalan ko naman, hindi siya match.

Gulong-gulo na ako, hays.

Nahihiya na ako dahil andami sa akin na mga nakitingin yung iba kinikilig pero yung iba naman parang gusto na akong patayin. OA naman.

Sino ba ang may pakana nito? Bakit? Anong dahilan? Birthday ko ba? Tsk, masyado naman atang advance sa September pa yon.

Nakarating na ako banda sa may covered court ng school namin, at padami na ng padami ang mga bracelets na hawak ko.

Baka naman hindi ito sa akin ha? Ano to pinabitbit lang? Meganon?!

Pumunta muna ako sa isang bench para ilagay ang mga bracelets doon, at bigla kong naisip ulit na buuin ang mga letrang nakaukit sa bracelets.

I think, alam ko na kung ano.

B E S T F R I E N S, ngi? Kulang ng isang letra? Atsaka 'bestfriends'? Sino naman kaya yon?

Kung sakali man, grabe yung effort niya sa akin, bago palang ako dito sa school at gusto na niya akong maging bestfriend.

Isang letra nalang naman na ang kulang sa word na bestfriend so meaning, isang tao nalang ang dapat na magbigay sa akin ng bracelet.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa maharangan ako ng mga grupo ng kalalakihan.

Napaalma naman agad ako, dahil baka mamaya kung ano ang gawin nila sa akin, o di kaya prank ito mahirap na.

Napataas ang kilay ko ng bigla silang naglabas ng mga rosas mula sa likod nila at ibinigay ito isa-isa sa akin.

Hanggang sa binigyan nila ako ng daan. At may nakita akong isang lalaki na nakatalikod.

Mukhang kilala ko na to.

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now