PROLOGUE (Part 2)

662 154 145
                                    

Ehoshua's POV

"Dre, tara na malate pa tayo mamaya sa school." wika ni Kiel. Ilang taon na ang lumipas matalik kaming magkaibigan ni Kiel, ang totoo niyan 3 talaga kaming magkakaibigan, ang kaso lang we already parted our ways dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

It's all my fault, and nagsisi na ako doon pero hindi pa rin maialis sa akin na makonsensya ako ng dahil sa nangyari. My friend, Riguel. He is already dead, because of car accident. And it is because of me.

Matagal na iyon. Oo, pero ibang klase ang mawalan ng isang kaibigan. Hindi man kami magkasundo pero itinuring ko siyang isa sa pinakamatalik kong kaibigan.

Mailap ako pagdating sa mga kaibigan ko. Choosy na kung choosy pero ganon talaga ako, and wala kayong magagawa.

"Antagal na din pala dre, simula nung bumalik tayo sa school natin. Kung saan nagsimula ang lahat." wika ko naman na ikinatahimik ni Kiel.

"Yes, pero we'll comeback here for a reason right? Para hanapin talaga kung ano ang para sayo." seryoso niyang sabi.

"Tsk, umaayos ka nga nakakabakla dre." Sabay kaming tumawang dalawa. At tuluyan na ngang tumuloy sa school.

Wala pa ring nagbago, ang mga tao, ang kabuuan ng lugar. Ganoon pa din. Pinagkakaguluhan pa rin naman kami ng mga babae.

Isa lang naman ang nagbago, ang pagmamahal niya sa akin.

"Hi babe." wika ng isang babae sa akin, at eto ako ngayon babalik sa dating ako. Pero hindi na masaya.

Babalik para sa panandaliang kasiyahan, at hindi para sa pangmatagalan.

Agad kong sinunggaban ng halik ang isang babae. At ayon na nga, tumili na ang lahat ng mga kababaihan na nakapaligid sa amin.

Si Kiel? Ayon sa gilid nakikipaglampungan sa tatlong babae. Aba, loko toh ah? Daig pa ako.

Anyways, kailangan ko ng pumunta sa classroom ko dahil hindi ko na masyadong natandaan ang lugar dito.

Masyado talagang malakas ang dugo ng isang Alejar. Hanggang sa pagpunta ko sa classroom ko ay sinusundan ako ng mga kababaihan.

Yes girls, follow me at ipapakita ko sa kaniya ang sinayang niya.

Habang naglalakad ako papuntang classroom namin ay, nagulat ako dahil may nahulog sa aking babae. At sa dibdib ko pa mismo.

Wth? Sa lahat-lahat ng babae, bakit siya pa? Talaga bang nananadya ang tadhana?

O baka namang nagkataon lang? At parang sa mukha nitong babaeng toh, wala man lang siyang naaalala?

Na para bang hindi niya ako iniwan? Na para bang wala kaming nakaraang dalawa? Pinaglaban ko siya noon, pero siya ang unang bumitaw.

Well, kagaya niya, nagkaroon na din ako ng amnesia ngayon.

"Are you enjoying, huh?" that's life, nandito yung sakit na nararamdaman ko pero let me enjoy it in this way.

Hindi kita gustong saktan pero, paglalaruan lang naman kita.

"Sorry, naitulak lang kasi ako." Sabi niya sabay tingin sa gwapo kong mukha. At teka? Bakit parang may kakaiba sa kaniya? O talaga bang sinasadya niya lang?

Tama yon, Ehoshua kinalimutan kana nga niya. The girl you loved the most, kinalimutan ka na, at hanggang nakaraan ka nalang niya.

"Naitulak nga ba, o nagpatulak?" Pambabara ko naman sa kaniya, talagang nasasagad na ako sa mga ikinikilos niya ngayon.

Focus lang! Know your limits Ehoshua, please lang.

"Hah, sino kaba sa akala mo? Kung etong mga babaeng ito nadadala mo," sabi niya sabay turo sa mga nakapaligid sa amin. Kinagat ko ang pangibabang labi ko na para bang may halong pang-iinsulto sa kaniya. "Pwes ako, never. Kilalanin mo muna ako bago ka makipag-usap sa akin." Sabi niya sa akin, sabay umalis na siya namang nagpatulala sa akin.

Ibang-iba na talaga siya ngayon. Parang hindi na siya yung babaeng minahal ko ng husto. Parang hindi siya yung ipinaglaban ko noon.

Kung gusto niyang, makipaglaro? Sige, sasabayan ko ang pakikipaglaro mo, para naman kahit papaano ay makaganti ako sa lahat ng mga pananakit na ginawa mo sa akin.

Let the game, begin.







(A/N: Anong masasabi niyo sa prologue part 2? Dinagdag ko lang yan dahil tinry kong gumawa ng ibang Point of View. Hmm, just comment down below and your votes will be highly appreciated. Thank you!)

The Day We Were There (Series I)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu