Chapter 8

266 77 16
                                    

Gray's POV

Hays, nakakapagod ang pamamasyal namin ni kuya kahapon at ang pagbili ng regalo kay nanay.

Buti nalang at hindi niya nahalata ang kilos naming dalawa ni kuya. Thanks din sa school namin at maaga kaming pinalabas kahapon.

Sa ngayon ay wala naman kaming pasok, pero kailangan naming magpunta sa school dahil may gagawin kaming group project.

Kainis nga eh, puro babae yung mga kagrupo ko. Tapos parang feeling ko pa, ma-out of place ako kapag kasama ko sila.

Magbabarkada kaya sila, tapos ako lang yung nasama. Kainis naman kasi yang groupings na yan.

Mas maganda pa sana kung individual activity nalang e.

Nagsuot lang ako ng civillian attire at ID dahil suspended ang klase namin ngayon dahil may bagyo, pero eto ang sabi ng mga kagrupo ko gawin na daw namin para matapos na.

Sang-ayon naman ako roon, may punto siya. Para nga naman matapos na at wala ng iisipin pang iba.

"Nak, saan ka pupunta?" Tanong agad ni nanay nung mapansin niyang nakabihis ako.

"Nay, may gagawin lang po sa school." Tugon ko pero mukhang hindi kumbinsido si nanay dito.

"May bagyo Gray, anong gagawin ninyo roon?" Istrikta niya namang tanong ulit sa akin.

"E Nay, kailangan po e. Ngayon po kasi sila nagsabi na gawin na raw po namin. Hayaan ninyo Nay, uuwi naman po agad ako kapag natapos na po namin." Paniniguro ko sa kaniya.

"O siya sige, basta't mag-iingat ka." Sabi niya at sabay hinalikan ang tutok ng aking ulo.

Naiintindihan ko naman kung bakit siya mag-aalala ng ganon, may bagyo nga naman kasi tapos suspended ang klase pero may parang pumasok na rin ako dahil nga sa groupings.

Sumakay nalang ako ng tricycle, dahil masyadong malakas ang ulan at kung lalakarin ko pa ito malamang pagdating ko doon ay basa na ako.

Pagkadating ko sa school ay dumiretso agad ako sa library dahil doon daw ang meeting place namin. Mabuti nalang at pinapasok agad ako nung guard.

Pero pagkadating ko sa library ay wala pang katao-tao. Minessage ko naman agad yung isa sa mga kagrupo ko at tinanong kung nasaan na sila.

Masyado yata akong napaaga. Naghintay ako ng mga ilang minuto pero wala pa rin ni anino nila akong naaaninag.

Medyo nakakatakot pa naman mag-isa dito sa library, ako lang mag-isa. Sabayan pa ng sobrang lakas ng ulan.

Patuloy ko minemessage ang mga kagrupo ko pero parang wala lang sa kanila. Hindi ko alam kung tuloy pa ba ito o hindi na.

Sana man lang sinabi nila ng hindi na ako naghihintay pa dito.

Sa halip na wala akong gawin habang naghihintay ay sinimulan ko na ang paggawa ng proyekto namin.

Actually madali lang naman talaga ito, ang kaso lang nga sabi nung teacher namin e, kinakailangan daw na sabay-sabay at pagtutulungan namin itong gawin.

Tiningnan ko ang relos ko pero 1 oras at kalahati na ang nalalagi ko dito sa library pero wala pa rin sila.

Ano na kaya ang nangyari sa mga iyon? Kasi naman bakit ngayon pa kung kelan bumabagyo, baka hindi sila pinayagan kaya eto hindi sumipot.

Pero sana man lang, sinabihan nila ako para hindi ako naghihintay dito sa wala.

Imemessage ko sana ulit sila na uuwi na ako pero napansin ko na nawalan ng signal ang cellphone ko. Argh! Kainis naman, bakit ngayon pa?

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now