Chapter 19

191 57 10
                                    

Gray's POV

Mabilis kong isinaayos ang sarili ko para makaalis na din ako dito sa hospital. Alam kong kanina pa nag-aalala sa akin sila nanay. Ang ipinagtataka ko lang kung nasaan ang phone ko. Dahil wala akong kagamit-gamit na naiwan dito sa table.

Hindi ko rin alam kung paano ako uuwi nito, pero bahala na.

Lumabas ako ng kwarto, at papunta na sana sa may exit ng may bigla akong naaninag na nag-uusap sa may bandang gilid kung saan wala masyadong tao.

Si Ehoshua at Kiel. Lumapit ako sa kanila at pinakinggan ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"Dre, paano ba yan kunin ko na yung PS4 sayo mamaya ah?" Sabi ni Kiel at tumango lang dito si Ehoshua.

Napailing nalang ako at wala ng balak pang pakinggan ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"Ang galing ko talaga mag-isip ng plano diba?" Sabi naman ni Ehoshua sabay tumawa. Naguluhan ako sa sinabi niya.

"Aminin mo kahit kasama yon sa paglalaro natin sa kaniya, nasayahan ka doon kahit papaano. Pillow fight pa nga." Sabay silang nagtawanan na dalawa. Anong ibig nilang sabihin? Planado ang lahat? Wala na talaga akong maintindihan sa nangyayari ngayon.

"Well, we're one step ahead towards Gray. Talagang nagsimula na ang laro sa pagitan naming dalawa." Narinig ko pang mayabang na sabi ni Ehoshua.

"Ayos pala yung pustahan natin dre. Parehas tayong nakinabang." Sabi naman ni Kiel.

Sa mga salita nilang iyon ay para bang unti-unting tinutusok ang puso ko. Ang sakit-sakit naman nun. Planado nilang dalawa ang lahat. Pakitang-tao lang, walang katotohanan sa mga aksyon nila.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas na sa pinagtataguan ko sa gilid. "Ang galing niyo namang mag-isip ng plano," Nagulat silang dalawa sa biglang pagsulpot ko sa gilid. Bigla silang namutla na dalawa ng dahil dito. "Napaniwala niyo ako. Napaniwala niyo na, totoo ang mga ipinakita niyo sa akin. Akala ko kasi nakahanap na ako ng tunay kong mga kaibigan pero hindi pala, pawang kasinungalingan lang pala ang lahat." Sabi ko habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko.

Lalapit na sana sa akin si Kiel, pero ako na ang lumayo sa kaniya. "Wag kang lalapit," Nagmamatigas na sabi ko. "Kaya pala, grabe yung effort mo sa akin noon Kiel pagkakaibigan ang gusto mo pero parang sa tingin ko hindi na iyon ang intensyon mo. Ibang klase. Nauto niyo ako doon, naloko niyo ako, napaglaruan ako." Pero nakatingin lang silang dalawa sa akin.

"At eto ako si uto-uto, nagpaloko naman sainyo kasi akala ko...seryoso yung intensyon niyo sa akin! Pero laro lang pala ang lahat sainyo." Pagpapatuloy ko pa, hindi ko maiwasang mapasigaw dahil sa sobrang galit na dala-dala ko dito sa kalooban ko.

"Tatanungin ko kayong dalawa sa mga ipinakita ninyo sa akin, ano ang totoo doon sa hindi?" Tanong ko sa kanila. "Sumagot kayo!" Pasigaw na sabi ko sa kanila. Napaluhod nalang ako dahil sa sobrang pagkaiyak. "Siguro, tuwang-tuwa kayo ngayon, success ang plano ninyong dalawa. Congratulations." Sabi ko sa kanilang dalawa at umalis na doon.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, magagalit ba, o maiinis. Gusto kong sumabog!

Alam niyo yon? Yung sila yung itunuring kong matalik na kaibigan pero sila pa pala ang manloloko sa akin.

Napahinto ako ng paglalakad ng biglang may humawak sa pupulsuhan ko. "G-Gray, magpapaliwanag ako please." Pakiusap pa sa akin ni Kiel. Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko na sampalin siya.

"Kulang pa yan Kiel, kulang na kulang pa yan," Sabi ko sa kaniya pero wala man lang siyang reaksyon. "Laro. Laro lang pala ang lahat," sabi ko sabay tumango-tango na para bang naiintindihan ko kung bakit nila nagawa iyon sa akin. "Hindi ko man lang napansin, kung bakit parang napakabilis naman masyado ng mga pangyayari. Kasi planado na pala ang lahat. Para saan pa? Bakit a-ako pa? Ano bang kasalanan ko sainyo, at nagawa ninyo ang mga bagay na 'to?" Sa pagkakataon na ito, ay dumating si Ehoshua. "Isa ka pa, ano ba talagang problema mo ha? Kung meron man sana sinabi mo nalang sa akin. Hindi yung sasaktan niyo pa ako ng ganito." Sabi ko at napaiyak muli. "Ano? Sabihin niyo na hanggang maaga pa." Nawawalang pasensya ko pang sabi sa kanila.

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now