Chapter 15

210 61 14
                                    

Ehoshua's POV

"Where are you going?" Tanong ko sa ate ko ng akmang makita na siyang aalis ng bahay.

"I'm pregnant. Pero hindi naman ako prisoner para ikulong dito sa loob ng bahay." Masungit niya namang sabi sa akin. Ganito daw talaga ang mga buntis may mood swings kaya eto kahit na inis na inis na ako sa kaniya pinipigilan ko lang.

Tch, kahit naman hindi siya buntis masungit at mataray pa rin naman ang pag-uugali niya e.

"The doctor said na, maselan daw ang pagbubuntis mo. Kaya manahimik kana lang dito sa bahay, ako na ang bahala magsabi sa Dean niyo." Pagpapaliwanag ko pa sa kaniya, patungkol naman doon sa sinasabi ko ay ako nalang ang magsasabi sa Dean ng school nila na magdrop-out muna siya for the mean time dahil nga buntis siya.

Hindi naman na siya nanlaban pa sa akin at bumalik nalang sa kwarto niya. Pimagbilinan kasi ako ni mom na huwag na huwag ko daw papalabasin ng bahay si ate unless na kasama ko siya dahil nga sa maselan na pagbubuntis niya.

Umalis naman ako agad at mabilis ng nakarating sa school.








Gray's POV

Panibagong araw na naman ng klase namin at talaga namang sobrang bilis ng oras dahil naguwian na din kami pagkaraan ng ilang 6 na oras.

Hindi ko na naman makakasama umuwi si kuya ngayon dahil hectic daw ang schedule niya malapit na din daw kasi ang intrams nila sa school kaya matindi ang kailangan nilang practice sa basketball.



"Argh! Tama na, please." Bigla na lamang akong napalingon dahil sa sigaw ng isang babae. At nahanap ko siya nandoon sa kabilang kanto. Nanlaki ang mga mata ko ng makita siyang pinagtutulungan.

Siguro mga kaklase niya yon? Pinagmasdan ko muna sila dahil ayaw ko namang madamay pa sa gulo nila.

"Subukan mo lang talaga, hindi ka lang ang makakatikim kundi kasama na yang bata sa sinapupunan mo." Narinig kong sabi nung umaway don sa babae. Bata sa sinapupunan? Ibig sabihin buntis siya, hala kawawa naman.

Pagkaalis na nung mga grupo ng babae ay agad akong lumapit sa kaniya para tulungan siyang makatayo.

"Ate, ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko naman sa kaniya.

Inuupo ko muna siya sa may bandang gilid ng kalsada dahil nakaharang kami sa may gitna. Kinuha ko ang bottled water na binili ko kanina sa canteen mabuti nalang at hindi ko pa ito naiinom.

"S-salamat." Sabi niya sa akin pagkatapos makainom ng tubig. Halatang mayaman ang pamilya nila. Dahil ang uniform niya ay kaparehas nung kay kuya. Pero bakit naman ganoon ang ugali ng mga estudyante sa school nila?

"Basta wala kang nakita, okay? Ipagpalagay mo nalang na hindi nangyari itong lahat ngayon." Nagulat ako ng bigla na lang siyang tumayo at umalis. Hahabulin ko pa sana kaso lang nga sumakay na agad siya sa sasakyan nila.

Namalikmata ako sa nakita ko sa kalsada, may naiwanan siyang gamit. Yung ID niya. Kinuha ko naman iyon at doon ko nakita ang pangalan niya. Halos magkasingedad lang pala silang dalawa ni kuya Liam.

Alexandreanne Claire Alejar?

Binasa ko ng paulit-ulit yung apelyido niya dahil baka nagkakamali lang ako ng basa. Alejar? So ibig sabihin magkapatid silang dalawa ni Ehoshua? May ate pala ang mokong yon.

Paano ko kaya ito ibabalik sa ate niya? Bihira ko lang naman kasi makita yon dito e. Kung kay Ehoshua naman, naalala ko yung sinabi ng ate niya kanina na magpanggap lang ako na walang nakita. Kaya malamang magtataka siya kung paano ko nakuha ang ID ng ate niya. Hindi ko rin naman alam kung saan sila nakatira.

Siguro kay kuya nalang tutal parehas naman sila ng school kaya madali niya lang ito mababalik kung sakali. Tama, kay kuya Liam ko nalang ipapasuyo.





Pagkauwi ko ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para magbihis dahil marami kaming mga assignments ngayon.

Pinakiramdaman ko naman si kuya sa kabilang kwarto at sa tingin ko ay dumating na siya.

Kumatok ako, at hindi nga ako nagkamali. Kanina pa pala siya dumating kasalukuyan siyang naglalaro ng video games sa computer niya. Addict na naman, tsk.

"Kuys, pwede favor?" Tanong ko sa kaniya.

"Ano?" Sabi niya habang nakatingin pa din sa screen ng computer niya.

"May napulot kasi akong ID kanina sa daan, naisip ko na ikaw nalang sana ang magbalik sa may-ari schoolmate mo naman siguro ito." Sabi ko pa, nagdahilan nalang ako sa kaniya na napulot ko ang ID ng ate ni Ehoshua.

"Ha? Kanino ba yan?"

"Eto oh." Pakita ko sa kaniya pero hindi niya man lang iyon magawang tingnan.

"Naglalaro ako, banggitin mo nalang yung pangalan." At ganon nga ang ginawa ko. "Alexandreanne Claire Alejar," Nagulat nalang ako sa naging reaksyon niya.

"Seryoso kaba dyan?!" Sabi niya sabay agad na pinatay ang computer niya. Dahil sa hindi siya naniniwala sa akin ay ipinakita ko sa kaniya yung ID.

"Anong meron? Gulat na gulat?" Nagtataka ko namang tanong sa kaniya at napansin ko na pumula ang magkabilang tenga niya.

Hmm, I smell something fishy. Teka, eto ba yung babaeng sinasabi niya sa akin? Seriously, yung ate pa talaga ni Ehoshua? Anyways, wala naman iyon sa akin basta kung siya man ang gusto ni kuya go lang kung saan siya sasaya.

Talagang accurate ang pagkakadescribe sa kaniya ni kuya ha? Hindi ko naman talaga maikakaila na may kagandahang tagalay ang ate ni Ehoshua, nasa lahi naman na nila siguro talaga iyon. Kaya nga siguro andaming naiinggit sa kaniya na mga kaklase niya.

Pero biglang pumasok ulit sa isipan ko ang ideyang may dinadala siyang sanggol sa kaniyang sinapupunan. Panigurado na kapag sinabi ko ito kay kuya ay masasaktan siya ng husto.

Pinagmasdan ko naman si kuya na seryosong nakatingin sa ID nung ate ni Ehoshua.

"Kuys, ikaw na bahala ah?" Sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin. Hays, baliw na talaga siguro ang kuya ko sa kaniya.

Tss, sa pagkwento niya palang nga kung ano yung physical appearance pati yung kabuuang personality e, manghang-mangha na siya.

Panigurado ako, hanggang mamaya niya pinagpapantasyahan yung ID picture haha.

Siguro saka ko nalang sasabihin na buntis yung babaeng nagugustuhan niya dahil alam kong kapag nalaman niya ay higit siyang masasaktan kaysa sa akin.

At iyon ang ayaw na ayaw kong mangyari.

























(A/N: Anong masasabi niyo sa Chapter 15? Hmm, just comment down below and your votes will be highly appreciated. Thank you!)

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now