Chapter 23

188 55 14
                                    

Gray's POV

Nagising ako ng makarinig ako ng maingay na hiyawan ng mga kalalakihan. Patiwari ko ay nag-iinuman sila habang binabantayan ako.

Grabe yung pakiramdam ko dahil hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng pagkahilo.

Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero wala man lang akong makita kahit na anino. Doon ko lang napagtanto na may tabing pala ang mga mata ko.

"N-nasaan ako?" Wala sa sariling napatanong ako. Pero parang wala naman ang may nakakarinig sa akin dahil patuloy pa din sila sa pagtatawanan.

Lumipas pa ang ilang mga minuto at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang muli ako ng magulantang ako dahil binuhusan ako ng malamig na tubig.

Halos mangatog ang buo kong katawan dahil sa sobrang lamig ng tubig na ibinuhos sa akin. Sa tingin ko ay sinamahan pa yata nila ng malalaking tipak ng yelo.

"Sino ba kayo? Ano ba ang kailangan niyo sa akin?" Nanghihina kong tanong sa kanila pero tinawanan lang nila ako.

"Mga wala kayong hiya! Ang sasama ng ugali niyo," Sa sinabi kong iyon ay nagulat ako ng bigla ako sampalin nito.

"Sige, yan ang gusto namin. Yung palaban diba pare?" Rinig kong sabi niya sa mga kasama niya. Naririndi ako kapag naririnig ko ang mga tawanan nila.

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon pero kinakailangan kong makatakas dito. Pero paano naman? Hindi ko kaya ang sarili ko ngayon at masyado akong nanghihina.

Hindi ko rin maalis sa isipan ang pag-aalala kila kuya at mommy kanina. Sana man lang hindi na nila dinamay ang pamilya ko. Kung ako ang kailangan nila, hindi na nila nararapat na saktan sila mommy. Panigurado ay nag-aalala na rin sila sa akin ngayon kung sino man ang kumuha sa akin.

Nakarinig ako ng yapak na alam kong papalapit na sa akin. "Kamusta?" Pambungad niya agad sa akin sabay hinawakan ang mga kamay ko, agad ko naman iyong binalibag. "Ayaw mo bang makipaglaro?" Tanong niya muli sa akin pero hindi nalang akong umimik.

"Ano, akala ko ba nakalimot ka lang? Bakit parang hindi kana rin makapagsalita? Iba talaga ang gamot na ibinigay sayo ni Geneva." Nagtaka ako sa mga sinabi niya. Bakit alam niya ang tungkol doon? Sino ba talaga siya? Kahit sa pagkakarinig ko sa boses niya ay hindi ko man lang magawang makilala ito.

"Bakit mo kilala ang mommy ko?"

"Gusto mo talaga akong makilala. Well, pagbigyan natin ang kahilingan ng munting prinsesa sa puso ng pinakamamahal kong anak." Sabi niya naman atsaka tinanggal ang pagkakapiring sa mga mata ko.

Nakita ko na ang mga itsura nila, masyado silang marami dito kaya kung sakali mang tumakas ako ay imposible ng mangyari iyon. Marami din silang mga dalang armas.

"Hindi mo ba nakikilala ang tatay ng pinakamamahal mo?"

"A-anong ibig mong sabihin?" Pagalit ko namang tanong sa kaniya.

"Oh I understand. I'm formally introducing myself to you iha, Mr. Lorenzo Alejar." Wala sa sariling napalunok ako ng dahil sa sinabi niya.

"Ikaw yung dad ni Ehoshua?" Tanong ko pa sa kaniya at tumango lang siya sa akin. Pero bakit? Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin?

"Huwag kang mag-alala, tinawagan ko na si Ehoshua dito para iligtas ka. Ang kaso, hindi ko sigurado kung sisipot ba siya kasi alam kong duwag ang anak kong iyon. Kaya asahan mong mamamatay kana dito." Mas lalo akong nagalit ng dahil sa sinabi niya.

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now