Chapter 9

263 73 23
                                    

Gray's POV

"Saan ka galing?" Kinabahan ako sa seryosong tanong ni kuya. Naiilang na tuloy akong tumingin sa kaniya ngayon at alam kong galit siya sa akin. "Napakalakas ng ulan, tapos nasa labas ka pa ng bahay." Tuloy-tuloy niya namang sabi.

"S-sorry Kuya." Iyan ang tangi ko na lamang nasabi. Nagulat ako ng bigla niya nalang akong ikinulong sa bisig niya at niyakap ng mahigpit.

"Pinag-alala mo kami ng husto, prinsesa ko." Hindi na ako sumagot sa halip ay niyakap ko na lamang siya pabalik.

"Sige na, maligo ka muna. Dahil nabasa ka ng ulan." Sabi niya sabay tingin sa pantalon kong nabasa.

Kung tutuusin nga e, halos naligo na ako sa ulan dahil sa sobrang lakas nito. At ngayon ay nilalamig pa rin ako. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako ng wala sa oras.

Agad na akong pumunta sa kwarto ko, at humanap ng damit saka nagpunta sa banyo upang maligo.



Ilang oras na ang nakalipas at napagdesisyunan kong magbukas muna ng social media accounts ko.

At nagtaka ako ng may biglang nagfriend-request sa akin ngayon-ngayon lang.

Napailing nalang ako, akala ko naman kung sino. Si Kiel lang pala.

Syempre, accepted na agad yan. Sinadya ko talaga iprivate ang lahat ng mga social media accounts ko.

Ayaw ko kasi sa lahat yung merong mga nag-iistalk sa profile ko. Syempre kahit papaano ay nandoon pa rin naman ang mga important informations patungkol sa akin.

Mabuti na ang nagiingat.

Bigla nalang akong nagulat ng biglang tumawag sa akin si Kiel. Kulit talaga nito haha.

"Yow bespwend," magiliw niya namang tanong sa akin.

"Hello Kiel." Bati ko naman sa kaniya.

"Kumusta? Ingat ka lagi may bagyo pala."

"Eto ayos lang naman," hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kumportable na makipag-usap sa kaniya.

"Nubayan! Ang tipid mo naman sumagot. May bayad ba yon, Gray?" Naguluhan ako sa tanong niya. "Okay di mo gets, masyadong ngang korni." Saka ko lang narealized nung sinabi niya yung word na 'korni' omg, joke pala yon.

"Bakit ka nga pala napatawag?" Pag-iiba ko naman sa usapan.

"Pwede ba tayo lumabas next week?" Excited niyang tanong.

"Lumabas? Saan naman tayo pupunta?"

"Basta akong bahala. Ano G, kaba?"

"Sige ba, pero magpapaalam muna ako kila nanay."

"Sige, sa school nalang tayo magkita Gray. Doon kita susunduin." Sabi niya at ipinatay na ang tawag.

Teka saan naman kaya kami pupunta? Kaso baka hindi ako payagan nila nanay dahil lalaki ang kasama ko.

Pero bahala na gagawan ko nalang ng paraan. Bestfriend ko naman siya at mapagkakatiwalaan naman yan si Kiel.

Mabuti nalang at tumila na din ang ulan. Napagpasyahan ko din na magpunta sa party needs para bumili ng mga decorations para sa birthday ni nanay bukas.

Binigyan na din ako ni Kuya para sa pambili nito. Kaming dalawa lang ni kuya ang nandito sa bahay tapos si nanay at tatay ay nagpunta sa palengke.

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now