Chapter 3

381 128 57
                                    

Gray's POV

Sandali namang nagpaalam si Kiel para kunin ang bag naming dalawa ni Ehoshua. Dahil maguuwian na rin naman daw.

Mabait naman pala itong kaibigan ng mayabang na to' ang kaso bakit hindi man lang siya nahawaan?

Pagiging babaero lang yata yung nakuha niya kay Kiel eh. Buti pa si Kiel, kaso medyo matindi din minsan.

Kasalukuyang nakahiga ang hambog na lalaking ito, at halatang kinikilig pa ang nurse, sa paglalagay ng bimpo nito sa noo.

Sobrang taas kasi ng lagnat nito, hindi ko malaman kung bakit nagkaroon ng lagnat, para naman kasing napakaenergetic pa niya, bago kami nagpunta sa detention room.

Tinarayan naman ako nung nurse. Aba't attitude kaba miss? Wag mo lang talaga akong susubukan, baka makasapak ako dito ng wala sa oras.

Parang akala mo naman boyfriend ko yung hambog na yan kung matingin ka sa akin, parang papatayin mo na ako, hmp.

Natapos na niyang gamutin yung hambog pero wala pa rin si Kiel. Pustahan na-stock na naman yon sa mga babae niya.

Simple lang naman, kukunin niya lang yung bag namin then alis na. Andami pa sigurong achuchu, malamang hindi niya naman pwedeng tanggihan yung mga babae niya.

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng hambog na ito, ewan bakit ko ba kasi kinakailangang bantayan to' tutal kaya niya naman na siguro ang sarili niya.

Inaantok na naman ako sa kakaantay ko dito kay Kiel. At hanggang sa makarinig ako ng kalabog ng pintuan.

At iniluwa nun, si Kiel. Na para bang balisa at pawis na pawis.

Tumaas agad ang kilay ko at nagtaka sa inasta niya. "Anong nangyari sayo?"

Hindi pa rin siya nakapagsalita dahil halata pa rin sa kaniya ang pagkahingal. Sabayan pa ng tatlong bag na dala-dala niya.

Kinuha ko naman agad sa kaniya ang bag ko. At inilapag ang bag nilang dalawa sa gilid.

"Woi, anyare?" Paguulit ko pa sa kaniya.

"H-hinabol a-ako ng mga," patuloy pa rin ako nagaantay ng sasabihin niya.

"Ng mga?"

"Bakla." Hindi ko na mapigilang matawa ng dahil sa sinabi niya.

Grabe kasi yung reaction niya nung dumating siya dito sa clinic. Kung makita niyo lang talaga, ewan ko nalang kung hindi pa kayo matatawa.

"Anong nakakatawa?" Malumanay pero medyo padabog niyang tanong.

Pero hindi ko nalang siya sinagot, dahil hindi ko pa rin mapigilan ang pagtawa ko.

Kainis naman, laughtrip pala kasama tong si Kiel.

Sobrang sakit na ng tiyan ko pero sa tuwing maaalala ko ang pagmumukha niya kanina, paulit-ulit pa rin akong natatawa.

Napatigil na lang ako sa pagtawa ng marinig kong magsalita si Ehoshua.

"Babe,"

Kunot-noo naman akong napaharap sa kaniya, agad kong tiningnan si Kiel para malaman kung ano ang magiging reaction niya.

Pero parang wala lang sa kaniya. Siguro, sanay na talaga siyang managinip ng mga ganyan. Lalo na at marami siyang mga babae. Malamang 'babe' ang tawagan nila.

"Pinaglaban kita e, pero bakit mo naman ako sinukuan?" Nagulat na lamang ako sa sinabi niya. Sa mga salitang iyon ay para bang may tumusok na karayom sa puso ko. Tinamaan ako doon ah, di nakailag.

The Day We Were There (Series I)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن