Chapter 10

225 73 20
                                    

Ehoshua's POV

Tanghali na akong nagising ngayon. Hindi kasi ako makatulog kagabi ng dahil sa mga iniisip ko.

Hanggang ngayon, badtrip pa din ako. Nakakainis talaga!

Bumaba na ako, at pumunta sa kitchen dahil nakaramdam na rin ng pagkulo ang tiyan ko.

Nagulat nalang ako ng biglang may narinig ako sa banyo, malapit sa may kitchen namin na sumusuka.

Teka? Claire?

Damn! Bakit siya sumusuka? Anong meron?

Agad ko naman siyang nilapitan at inabutan ng tissue, nagulantang siya bigla ng dahil sa akin.

"What happened?" I asked.

"Wala, masama lang yung nakain ko." Sabi niya sabay umalis at pumunta diretso sa kwarto niya.

Napailing nalang ako, hindi kasi nag-iingat sa mga kinakain. Baka mamaya expired pa yung nakain niya at ma-food poison pa siya. Lagot ka talaga kay Mom!

"Yaya, anong breakfast?" Tanong ko doon sa nanny namin. At iniabot niya naman sa akin ang bacon, scrambled eggs, bread and hotdogs.

"Wag na pala. Cereals nalang ako." Sabi ko sa kaniya, minsan kasi nakakasawa na ganon nalang palagi yung niluluto niya para sa amin.

Inirereklamo ko na nga yan kay Mom, ang kaso wala kasi siyang maipalit dito. Walang nagaapply e. Kaya no choice talaga.

Lalagyan ko na sana ng gatas iyong cereals ko pero nakarinig na naman ako ng parang dumuduwal.

Panigurado si Claire na naman yon. Ano bang kinain ng babaeng to?

Pinuntahan ko na agad siya sa kwarto niya at baka kung ano na ang nangyayari doon.

Dali-dali akong umakyat at kinatok siya sa kwarto niya. Pero mukhang hindi yata ako narinig kaya pwersahan ko ng binuksan ang pintuan.

Nagulat nalang ako ng nakita ko siyang humihikbi sa gilid ng kama niya.

Nilapitan ko agad siya pero napatigil ako ng dahil sa kung anuman ang hawak-hawak niya.

Pregnancy test. Buntis siya?

"Hoy, sino ang ama ng dinadala mo?" Pagalit kong tanong sa kaniya. Pero hindi niya ako pinansin at mas lalong lumakas ang paghikbi niya. Ngayon umiiyak na.

"Tatandaan mo 'to babae, oras na nalaman ko kung sino ang ama ng dinadala mo. Humanda lang talaga siya sa akin." Pambabanta ko pa sa kaniya sabay siya tinalikuran at lumabas.

Pero napahinto ako ng pinigilan niya ako sa may pintuan at lumuhod sa harapan ko. Para naman akong naawa sa ate ko.

Hindi ako galit, okay? Ang sa akin lang, sana naman panagutan nung lalaking yon na binuntis niya ang ate ko. Dahil kung hindi, ako ang makakaharap niya.

"P-please, w-wag mong gagawin yon," paunang pagsasalita niya pa. "Ayoko namang mawalan ng ama ang anak ko." Tch, eto na nga ba ang sinasabi ko e.

"Sino?" Bored kong tanong sa kaniya. Sabihin mo na ate Claire! Please, wag mo ng patagalin pa.

Pero hindi niya man lang sumagot sa tinatanong ko sa kaniya. Nagulantang nalang kami bigla ng may dugong umaagos na sa kaniya.

"Let's go to the hospital." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at agad ko na siyang binuhat papunta sa kotse ko para magpunta sa hospital.

Kasalukuyang inoobserbahan pa sa loob ng emergency room si ate. At hindi ako mapakali ngayon dahil baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Lalo na at buntis pa naman siya.

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now