Chapter 17

209 54 15
                                    

Gray's POV

Sa ngayon ay wala kaming pasok dahil may mga activities na gagawin ang mga teachers. Kaya eto, nagyaya si Kiel na magpunta daw kami sa mall na dalawa. Nung nakaraan niya pa ito sinasabi sa akin.

Mabuti nalang at nakapagpaalam naman na agad ako kila nanay at tatay, at pinayagan nila ako. Basta umuwi lang daw ako sa tamang oras.

Paalis na ako ng bahay namin ng biglang tumawag sa akin si Kiel.

"Kiel?"

"Nako Gray, sorry talaga. Pwede bang dito nalang tayo sa bahay magbonding? Kasi hindi ako pwedeng lumabas."

"Bakit naman?" Iyon ang ipinagtataka ko sa kaniya. Grounded ba siya? Baka mamaya kasi mas lalo siyang mapagalitan kapag itutuloy ko pa ang pagpunta sa kanila.

"Sige na. Sesend ko nalang sayo yung address." Sabi niya naman sa akin sabay ako pinatayan ng tawag. Ang hilig niyo talaga ako patayan ng tawag haha.

Mamaya-maya ay tinext na niya sa akin yung address at medyo malayo-layo nga yun dito mula sa bahay namin. Kaya sumakay nalang ako ng tricycle.

Hindi ko rin alam kung saan ito papunta pero sinabi ko nalang sa tricycle driver ang address na pupuntahan ko at siya na daw ang bahala na magdala sa akin doon.

Di ako pamilyarado sa lugar na pinupuntahan ko ngayon. Pero tumigil nalang ang tricycle sa may tapat ng isang malaking bahay. At siguro ito na nga ang bahay nila Kiel.

Bumaba na ako at nagbayad. Tinext ko muna si Kiel at sinabi na nandito na ako sa labas ng bahay nila.

Pero hindi man lang ako nakakatanggap ng reply galing sa kaniya. Sinubukan ko din siyang tawagan pero hindi niya sinasagot ang telepono.

Hala siya, ano na kayang nangyari doon? Sinubukan kong magdoor-bell dahil baka mamaya hindi niya lang naririnig yung tawag ko sa kaniya.

Nagdoor-bell ako ng 1 beses at nagulat ako ng hindi si Kiel ang lumabas sa bahay. Seryoso? Bakit nandito ito?

E-Ehoshua?!

"What are you doing here?" Tanong niya sa akin pero parang naitikom ko bigla ang bibig ko dahil napanganga ako nung makita ko siya dahil pawis na pawis siya at walang pantaas na damit.

"I-Ikaw a-anong ginagawa m-mo dito sa bahay ni Kiel?" Uutal-utal ko na tanong sa kaniya. Pero tumawa naman agad siya sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko? Anong nakakatawa doon?

"Bahay ni Kiel? Sorry but this is my house and not by Kiel." Nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa mga sinabi niya.

"Pero ito ang sinend na address ni Kiel sa akin na dito daw ang bahay nila." Taranta ko namang sabi sa kaniya sabay hinalughog ang text messages sa akin ni Kiel tungkol sa address.

Ano ba Kiel? Nakakahiya naman! Sa lahat-lahat talaga ng bahay na mapupuntahan ko yung kay Ehoshua pa talaga.

Ipapakita ko na sana sa kaniya ang proof na address na sinend sa akin ni Kiel. Pero nagulantang nalang ako ng bigla niya akong hinila papasok sa bahay nila.

"H-hoy, b-bitiwan mo ko." Sabi ko sa kaniya at pilit na kinakalas ang pagkakahawak nito sa akin pero hindi ko din naman magawang makawala dahil sobrang higpit nito.

Halos mapamangha ako pagkapasok ko sa loob ng bahay nila. Grabe ibang klase! Ang ganda talaga at sobrang laki pa.

Bigla akong nailang ng nakita ko si ate Claire na tinitignan kami habang kinakaladkad ako ni Ehoshua at hindi ko alam kung saan kami papunta nito. Tanging ngiti lang naman ang ibinigay sa akin nung ate niya. Siguro ay naibigay na din ni kuya Liam yung ID niya, dahil nabanggit ni kuya iyon sa akin nitong mga nakaraang araw.

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now