Chapter 13

211 57 26
                                    

Ehoshua's POV

"What do you think of your actions, huh?" Sabi sa akin ni Kiel. Ang totoo niyan part talaga ng plano namin na magkaroon kami ng iwasan sa isa't isa para mas lalong mapalapit si Kiel doon sa babaeng yon.

Ang kaso lang nga, hindi ko maipaliwanag kung bakit ba bumabaliktad ang mga nangyayari ngayon at parang tila ba hindi tumutugma sa mga plano namin.

"It's all your fault. Tingnan mo, si Gray na ang kusang lalayo sa atin. Mas lalong mapapahirap ang gagawin nating plano." Dagdag niya pa. Kanina pa yan daldal ng daldal sa harapan ko simula nung umalis si Gray.

Hindi ko naman siya pinapakinggan. Bahala siya sa buhay niya.

"Ano na?!" Nagulat ako ng bigla niya akong sinigawan.

"Don't stress yourself too much, Kiel. Nakakasama sayo yan." Bored kong sabi sa kaniya.

Dahil sa sobra niya sigurong pagkainis sa akin ay umalis nalang siya at nagpunta sa tent niya. Kaya nandito pa rin ako ngayon nag-iisa.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang makalimutan ang ginawa ko kanina kay Gray. Hindi ko na kasi magawang kontrolin pa ang sarili ko kaya bigla na lang akong napayakap sa kaniya.

Ewan ko ba, pero sa tingin ko parang nagkukusa na din yung katawan kong yakapin siya.

At sa sandaling iyon ay naalala ko ang nakaraan naming dalawa. Ang masasaya naming mga alaala na naiwan sa nakaraan. Ang pagmamahalan namin na tila ba perpekto na para sa bawat isa.

I missed her so much. Lahat-lahat ng iyon, ang mga yakap niya at halik, ang pag-aalaga niya sa akin kapag may sakit ako, ang pagiging sweet and lovable person niya. Lahat ng iyon ay naalala ko nung mga sandaling magkayakap kaming dalawa.

Hindi rin ako nakaramdam ng kahit anumang galit o hinanakit sa kaniya. Kundi pagmamahal lang. Pagmamahal na hanggang ngayon ay nandito pa rin nakatira sa puso't isipan ko.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Ayaw kong may nakakakita sa aking umiiyak. Nakamove-on na ako!

Siguro ito na ang tamang oras, para mamahal muli ako. Pero hindi na siya, kundi ibang tao na. Ibang tao, na alam kong mas deserve ko kaysa sa kaniya.





Nagising na lang ako ng makarinig ako ng tilian ng mga babae. What the hell? Tanghali na pala! At pinagpipyestahan na ako ng mga babae ko dito sa sarili kong tent.

"Good morning babe," bati sa akin ni Chloe, at napangiti naman agad ako sa sarili kong planong naisip. Tingnan natin kung hanggang saan yang tapang mo.

Agad akong bumangon sa tent ko. Nag-ayos muna ako ng sarili ko dahil masyado na atang tanghali.

"Don't worry babe, hindi naman daw tuloy ang team building. Well, it is all because of that bitch." Mataray niya namang sabi sa akin at alam kong si Gray ang tinutukoy niya dito.

Mabuti naman at hindi na rin tuloy ang team building namin dahil kapag nagkakataon na hindi ito natutuloy magkakaroon kami ng free time. Meaning kahit ano pwede naming gawin.





Napagdesisyunan nilang maglaro ng beach volleyball at niyaya ako ni Chloe. Sumali naman ako agad dahil alam kong makalalaban ko sa kabilang team yung babaeng yon.

Tingnan nga natin kung magseselos siya sa gagawin ko.

Nagsimula na ang laro namin at outside agad ang nagawa nilang pag-serve. Kaya kami ang unang nakapuntos, mabuti nalang at hindi outside ang pagkakatira ng bola kung kaya't nagtuloy-tuloy ang pagpapasahan ng bola namin ng dalawang team.

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now