Epilogue

398 54 34
                                    

Gray's POV

Nagreready na ako ngayon para pumasok, pagkadating ko naman sa school ay nagulat ako dahil bakit parang sobrang ingay ng mga estudyante ngayon. Anong meron?

Sa pagkakaalam ko, wala naman kaming activities ngayon. Pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad, ng makarating na ako sa may garden ng school ay nagulat nalang ako dahil bigla akong hinarang ni Rylle at Marty.

Nagtaka naman ako sa iniasta nilang dalawa dahil hinawakan ni Rylle ang magkabila kong kamay at si Marty naman ay nilagyan ng tabing ang mga mata ko.

"A-anong ginagawa niyo?" Nagtataka kong tanong sa kanilang dalawa.

"Bawal sabihin Gray," bulong naman sa akin ni Marty habang kinikilig pa.

Hawak-hawak naman ako ni Rylle at Marty dahil nga may mga takip ang mata ko malamang hindi ko makikita ang daraanan ko kaya hindi ko na alam kung saan kami papunta.

May naririnig akong mga tilian ng ibang mga estudyante at patiwari ko ay papapunta na naman kami sa may covered court ng school.

Maya-maya ay napahinto kami sa paglalakad pero hindi pa rin tinatanggal ni Marty ang blindfold sa mga mata ko.

Sa istorya na tumatakbo sa aking isipan
Ikaw ay nariyan at kasama mo akong nangangarap
Na balang araw ay~~

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng magsimula ng kumanta ang isang pamilyar na boses sa akin. Ang kinanta niya ang pinakapaborito kong kanta sa lahat.

Aabutin mga bituin habang pasan kita
Buong mundo'y aangkinin para sa ating dalawa~~

Binitawan na din ni Rylle ang mga kamay ko at doon na ako nagkaroon ng pagkakataon para tanggalin ang tabing mula sa mga mata ko.

At hindi nga ako nagkamali dahil si Ehoshua na ang kumakanta mismo sa stage. Kita ko sa kislap ng mga mata niya na hindi na siya napilitan dyan sa pagkanta niya. Natatawa nalang ako sa sarili kong pag-iisip noong mga panahong naaalala ko pa ang mga iyon. Buhay nga naman talaga.

Hinding-hindi ka bibitiw kahit saan magpunta
Pero ngayon, nasaan na?
Nasaan na?
Sabi mo hindi ka bibitiw, pero nasaan na?~~

Hanggang sa matapos ang pagkanta niyang iyon ay hindi talaga ako mapakali. "Do you like it?" Bungad niya naman tanong sa akin. Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko ngayon pero hindi ko ito masasabi ng dahil sa kahihiyan. "You're so cute," Napairap nalang ako ng sinabi niya iyon.

"Alam ko matagal na, kawawa ka naman ngayon mo lang nalaman." Pambabara ko naman sa kaniya sabay umiwas ng tingin. Pero mas lalo akong nailang dahil lahat ng taong nakapaligid sa amin dito ay halos nasa akin ang lahat ng atensyon.

"A-ano p-palang meron?" Iniwasan ko namang mautal pero hindi ko talaga magawang pigilan.

"I'll court you," Napaanga ako ng dahil sa sinabi niya.

"Seryoso kaba dyan?"

"Bakit mukha ba akong nagbibiro? Sa ganitong paraan naman kita niligawan dati." Hindi ko namang magawang makasagot ng dahil sa kaniya dahil hindi ko naman na maalala pa ang mga nangyari sa nakaraan.

"S-sige--,"

"YES!" Nagulat ako dahil sa biglaang pagsigaw niya at halos nag-echo ang boses niya sa loob ng covered court.

"Anong yes?"

"Yes, meaning sinasagot mo na ako, right?"

"Ay ang kapal talaga. Yes, meaning pumapayag ako na ligawan mo ako. Ligaw palang oy! Ligaw! Yan lang ba ang kaya mo? Ang hina mo naman." Tsk, tsk, tsk, hindi muna kasi ako pinapatapos eh, sasabat na agad sa usapan.

The Day We Were There (Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon