Chapter 4

374 117 49
                                    

Gray's POV

"Mano po, nay, tay." Bungad ko kila nanay at tatay pagkadating na pagkadating namin ni kuya sa bahay.

At heto silang dalawa ngayon ay abala sa pagluluto para sa hapunan namin.

"Mga anak, kumusta naman ang inyong pag-aaral?" Tanong ni tatay.

"Maayos naman po, maraming gawain pero kakayanin para sa aking kinabukasan." Tugon ko naman sa kaniya.

"Ganyan nga anak, masasabi kong isa ka talagang De Jesus." Napangiti naman ako sa sinabi ni tatay.

Pero hindi pa rin talaga maalis sa isipan ko ang hindi pagkakakilanlan sa akin ni Aling Rebecca kanina.

Na para bang may itinatago sila sa akin. Napailing nalang ako sa sarili kong pag-iisip. Ano kaba naman Gray? Pamilya mo sila, tapos pagdududahan mo ng ganiyan?

"Huy," nagulat nalang ako ng bigla akong kulbitin ng kuya ko.

"Bakit?"

"Kanina ka pa nakatulala dyan, may problema ba?" Sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay umiling na lamang ako.

"Nga pala, kwarto ko ito kuya, bakit ka nandito?"

"Malamang, pinapunta ako ni nanay dito. Kanina pa kita tinatawag, pero parang wala kang naririnig. Kakain na daw."

"Sige kuys, sunod nalang ako."

"Ay ang baby namin, magdadrama ka pa ba dito? Alam mo na, senti senti at gustong mapag-isa. Siguro nakahanap ka agad doon sa eskwelahan ninyo ano? Tapos unti-unti ka ng nahuhulog sa bitag niya, at bukas magpapaligaw ka at magiging kayo. Ang ending, break agad kayo kasi playboy pala yung naging boyfriend mo kaya uuwi kang--," Mahabang litanya pa niya.

"Jusko naman kuya! Anong pinagsasasabi mo?! Ganyan ba talaga ako?"

"Hindi naman, pero umayos ka talaga sinasabi ko sayo, mabubugbog ko ng wala sa oras kung sino man ang nagbabalak na ligawan ka." Seryoso niya pang sabi.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. OA naman nun. Atsaka para namang may manliligaw sa akin. Asa pa ako. Atsaka kung sakaling meron man, sasamahan ko siya sa optical shop dahil baka nanlalabo na ang mga mata niya.

Totoo naman ah? Sa dinami-dami ba naman ng babae sa school namin ako pa ang mapipili niya? Sus, wag ako.

"Liam, Gray halina kayo at kakain na." Pagtawag naman sa amin ni nanay.

Nakita ko ang reaksyon ni kuya na parang may masamang siyang gagawin sa akin. Sa ngisi palang niya alam ko na ibig sabihin eh.

"Paunahan nalang." Sabi ko agad sabay kinilita siya sa tiyan niya at bigla na lamang siyang napahiga.

Tumakbo naman agad ako pababa dahil baka mamaya makaganti pa siya sa akin.

"Kuya." Ako naman ngayon ang kinikiliti niya. Nabitawan ko tuloy yung hawak kong kutsara at tinidor.

"Nay, si kuya oh." Angal ko pa.

"Kayo talagang dalawa, tigilan niyo na yan at kakain na tayo. Kanina pa nagugutom ang tatay ninyo."

"Sino ang nagsabing nagugutom na ako? Baka ikaw yon mahal." Pagsulpot naman ni tatay sa gilid ni nanay at bigla rin siya kiniliti nito.

Sobrang saya namin sa mga sandaling ito. At hindi ko mawari kung dapat ko ba talaga silang akusahan kung anuman ang mga nakita at nalaman ko.

The Day We Were There (Series I)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora