Chapter 5

324 105 43
                                    

Kiel's POV

"Where's Claire?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain ng ice cream.

Hindi talaga ako nagsisisi na nagpunta ako sa bahay nila, talaga namang magandang timing lagi dahil may pagkain haha.

"Hanggang ngayon ba?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Huh?"

"Tch, kunwari kapa, parang dati-rati walang kang gusto sa ate--,"

"Shh, oo na nga. Andami mo pang sinasabi." Pigil ko agad sa sasabihin niya.

Yes po opo, may gusto ako sa ate ni Ehoshua dati. Pero hindi na yon ngayon, malayo ang agwat namin sa isa't isa at alam kong imposibleng magkagusto din siya sa akin. Kaya pinili kong pigilan nalang ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Paano mo ba naman kasi hindi magugustuhan ang isang tulad niya diba? Sa tingin ko nga siya na yung matatawag kong definition ng perfect.

At talaga namang mapapatitig ka sa kagandahang taglay niya.

Pero eto namang si Ehoshua patuloy na sinasabihan ang ate niya na maldita. Ewan ko ba dyan, mabait naman atsaka masarap pakisamahan yung ate niya.

Napabuntong-hininga nalang ako noong naalala ko ang mga panahong iyon.

Sa kalagitnaan ng panonood naming dalawa, bigla kong naalala yung dapat ko nga palang ipinunta dito.

"Maiba ako dre," sabi ko kaya bigla siyang napalingon sa akin. "Ako muna ang bida. Wag ka muna magsasalita, okay? I'm serious and it is all about you Dad." Seryoso ko namang sabi sa kaniya. Pinangunahan ko na siya kaagad dahil alam kong iibahin niya nannaman ang usapan kapag sinabi kong tungkol yon sa Dad niya.

Years have pastby, hindi napapawi ang galit ni Ehoshua sa Dad niya. Bakit? Aba tanungin niyo nalang siya.

Nakita ko namang handa na siyang makinig sa mga sasabihin ko kaya sinimula ko na ang pagsasalita. "A-ayoko sana sabihin 'to dre, pero kailangan." Kinakabahan kong sabi sa kaniya at nagpatuloy. "Our family company experienced bankcruptcy."

"Hoy Benedictine tigil-tigilan mo ako dyan, matagal na yang issue about your family's business right? Akala ko ba bumalik sa sa dati yung company niyo?" Pagputol niya pa sa akin na siyang nagpainit bigla ng ulo ko.

Parang ako pa may kasalanan dito. Hindi muna kasi ako pinapatapos e.

"Ang Dad mo lang naman ang dahilan...ulit." Nagulat nalang ako sa kaniya dahil wala man lang siya reaksyon tungkol sa sinabi ko.

"W-wala k-ka man lang bang sasabihin Dre?" Nauutal kong dugtong pa.

"What can I say? Lagi namang ganyan, wala ng nagbago. Madumi pa rin siyang magtrabaho sa negosyo niya."

Yes, madumi talaga magpatakbo ng negosyo ang Dad niya, minsan nga hindi na maintindihan ni Ehoshua kung lahat ba itong yaman na tinatamasa nilang pamilya ay galing ba sa masama.

Akala ko mapapatino din ni Kuya Chester, ang panganay ng mga Alejar, ang Dad nila pero sa tingin ko ngayon parang hindi pa.

Bihira nalang din magkaroon ng communication sila Ehoshua at ang kuya niya, siguro napalayo na din ang loob niya dito.

Dati saksi ako sa pagiging malapit nila sa isa't isa bilang magkapatid. Ang kaso lang nga, talagang may pagkakaroon ng hawig ang ugali ni kuya Chester sa Dad nila.

Actually favorite talaga yan ng Dad nila. Kaya nga, diyan lang siya mabait eh.

Kaya eto si Ehoshua pati si Claire, malayo ang loob sa pamilya. Kahit magkasama sila sa iisang bahay pero parang napakalayo ng tinitirhan nilang dalawa.

Hays, buhay nga naman talaga. Buti nalang ako nagpapasalamat kahit laging nasa trabaho ang parents ko hindi pa rin sila nawawalan ng quality time para sa akin.

Okay lang naman sa akin yon, as long as I'm always with my girls.

"Sa ngayon," napatingin naman agad ako sa kaniya ng muli siyang magsalita. "May plano ako." Kumunot naman agad ang noo ko sa sinabi niya.

"P-plano?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Para kanino? Bakit? Paano?

Lumapit siya sa akin at ibinulong. Agad namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Loko ka talaga Ehoshua.

"Ano?!" Bulyaw ko sa kaniya. Pero ngisi lamang ang isinagot niya sa akin.

Naku po! Delikado, pero bahala na.










Ehoshua's POV

Sinabi ko lang naman kay Kiel ang plano naming dalawa tungkol sa babaeng yon.

Diba nga, makikipaglaro ako sa kaniya, pwes dito na nagsisimula ang laro naming dalawa.

"Dre, it's so easy. Makikipagkaibigan ka lang naman sa kaniya, then kapag nakuha mo ang loob niya. Boom! Tapos." Dagdag ko pa sa kaniya pero mukhang hindi siya kumbinsido dito.

What a jerk.

"Ehoshua, I can't hurt girls feelings, alam mo yan." Hindi ko mapigilang mapatawa ng dahil sa sinabi niya.

"Really huh? Parang andami ngang mga babae mo diyan na laging umiiyak at nagmamakaawa sayo na panagutan mo sila." Sumbat ko pa sa kaniya.

Tsk, alam na alam ko na yan. Malamang ganyan din ako haha.

"Ano dude? Kapag nakuha mo ang loob niya, pusta ko yung kotse ko? G ka?" Panghahamon ko pa sa kaniya.

"Para namang kaya mo."

"Fine, yung PS4 ko nalang yung bago pa. Wag kang ano, limited edition pa yon. Kakabili lang nung nakaraang linggo." Huling pusta na yan Kiel, alam kong papayag kana dyan dahil naubusan ka nung nakaraan.

"Hindi mo naman kasi sinabi agad dre, PS4 na yan, tatanggihan ko pa ba? Arat na, anong gagawin?" Sinabi ko na nga ba eh, mabuti nalang at 2 yung ipinabili ko non haha.

Sinabi ko sa kaniya ang lahat ng mga kinakailangan niyang gawin kay Gray, syempre dapat makuha niya agad yung loob nito tapos ayon, doon na ako makakaganti sa kaniya.

Yes she's my EX, we're not friends, we're not also enemies. But we are strangers with some memories.

Sobrang sakit kasi ng ginawa niya sa akin. Alam niyo yon? Naghintay ako ng matagal! Pero sa sobrang tagal pala ng paghihintay ko na iyon ay umasa lang pala ako sa wala.

Naghintay lang sa wala. Kaya deserve niya naman itong lahat ng gagawin ko.

Napangiti ako sa sarili kong naiisip. Sigurado akong magiging maganda 'to.









(A/N: Sa tingin ninyo ano kayang plano ni Kiel at Ehoshua?)










(A/N: Anong masasabi niyo sa Chapter 5? Hmm, just comment down below and your votes will be highly appreciated. Thank you!)

The Day We Were There (Series I)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang