Chapter 7

292 88 38
                                    

Gray's POV

Mabuti nalang at maaga kaming pinalabas ngayon dahil may emergency meeting na naman ang mga teachers.

Kaya etong mga kaklase ko, tuwang-tuwa na naman kasi makakagala na naman daw sila hays.

Ako? Eto magaantay ng ilang oras kay kuya Liam, dahil mamaya pa ang uwian nila.

Pero syempre itetext ko muna siya na maghihintay ako sa kaniya ng ilang oras dito sa may waiting shed ng school.

Nakakainip kaya. Mahirap rin maghintay.

Tinawagan ko nalang siya dahil alam ko sa mga oras na ito ay may training lang naman sila ng basketball.

"Hello, Kuys?"

"Yow Prinsesa ko?"

"Maaga kaming pinalabas ngayon dahil may emergency meeting. Antay nalang din ako dito sa may waiting shed bilisan mo." Sabi ko naman sa kaniya.

"Teka, ayokong pinag-aantay ang prinsesa namin. Sige papaalam na ako dito maaga din kasi kaming pinatapos sa training. Kaya eto naglalaro nalang sa team mates." Sabi niya naman sabay pinatay na ang tawag.

Si kuya talaga, ayaw na ayaw akong pinaghihintay.

Maya-maya ay naaninag ko na siya na naglalakad papunta sa gawi ko.

"Tara Gray, punta tayo sa mall." Agad niyang sabi sa akin. Pero umalma ako dito.

Inspection first! Akala mo ha.

"Wait," sabi ko sabay tingin sa kabuuang mukha niya kung may sugat o pasa ba.

Dapat sumunod siya sa kasunduan namin kanina. Tiningnan ko rin siya ng mapanuring tingin dahil baka may itinatago na naman siya sa akin.

"Good boy, manang-mana ka talaga sa amo mo." Panunukso ko naman sa kaniya at ti-nap ang ulo niya na para bang siya ang alagang aso ko.

"Hep hep! Di mo ako aso!" Sabay niya ako binatukan ng mahina lang naman. Buti naman kundi hindi sapak talaga ang aabutin mo sa akin kuya.

"T-teka Kuya, bakit pala tayo pupunta sa mall? Anong meron?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Hala sya oh, kinalimutan mo na agad? Parang hindi ka talaga kapamilya! Kapuso ka ata eh?" Panloloko pa sa akin ni kuya. At natawa kaming dalawa. Ang corny ng joke niya ha.

Saka ko lang naalala na birthday na pala ni nanay sa susunod na araw. So ibig sabihin bibili kami ng regalo?

Yes! Makakagala na din sa wakas, alam niyo kasi bihira lang naman talaga kami makapunta ng mall maliban nalang kung may kinakailangang bilhin.

Wala naman kasi kaming sapat na pera para pumunta sa mall at magshopping.

"Hala ka, susumbong kita kay nanay ha? Kinalimutan mo na yung pinakamahalagang araw para sa kaniya." Pananakot pa sa akin ni kuya na akala mo naman gagana sa akin yan. Tse! Hindi na ako bata para takutin pa ng ganyan.

"Tumigil ka nga kuya, parang ewan naman e." Pagmamaktol ko pa sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

Naglakad lang kami papunta ng mall dahil meron namang malapit na mall dito sa school. Mga ilang kanto lang, kaya nga laging gumagala yung mga estudyante dito pagkatapos ng klase eh.

Maling-mali talaga na nagpatayo sila ng mall dyan, pero on the other side mayayaman naman kasi ang mga estudyante sa school na ito kaya malamang, kikita talaga sila ng husto. Ebarg mautak.

Mabilis naman kaming nakarating sa mall. "Kuys, anong bibilhin nating regalo?" Tanong ko agad kay kuya pagkapasok naming dalawa.

"Hmm, syempre yung magugustuhan ni nanay. Maganda, simple at yung swak sa budget." Magiliw niya namang sagot. Napailing nalang ako sa sarili kong naisip, parang kanina lang inis na inis siya kay nanay dahil napagalitan siya nito.

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now