Chapter 16

218 55 10
                                    

Gray's POV

"Pansinin mo naman ako Gray," narinig ko pang sabi sa akin ni Kiel kanina pa niya ako sinusundan dahil papunta na ako ngayon sa canteen.

Bakit naman ganito? Para tuloy akong nakokonsensya sa ginagawa kong hindi ko pagpansin sa kanila.

Nasa counter ako ngayon at tumitingin kung ano ang pwede kong kainin. Pero nagulat nalang ako ng biglang hinarang ni Kiel ang mga kamay niya para hindi ako makaorder.

"Kiel, please lang." Pakiusap ko pa sa kaniya pero para siyang batang nagmamaktol. Ngunit hindi na niya ako pinigilan dahil isinigaw ko na sa counter kung ano ang order ko. Kaya nagtaka ang ibang mga estudyante sa ginawa ko, sumigaw kaba naman pwede ka naman kasing lumapit mismo sa may counter.

Naghanap naman ako ng mauupuan at nakita kong kinakawayan ako nila Marty at Rylle hudyat na doon daw ako dapat umupo. Pumunta naman agad ako sa kanila. Nakakapanibago naman, parang sobrang tahimik ni Marty ngayon.

"Gray, pansinin mo naman si Kiel." Napatigil ako sa pagkain ko ng dahil sa sinabi niya pero pimagpatuloy ko naman ulit. Gusto kong pansinin si Kiel, pero kasi ni hindi ko pa nga alam kung nagkaayos naman ba sila ni Ehoshua mamaya ako na naman ang may dahilan kung bakit masisira ang pagkakaibigan nilang dalawa.

"Dahil pa din ba doon sa nangyari sainyo, kaya umiiwas ka?" Tanong naman sa akin ni Rylle. Napabuntong-hininga nalang ako at hindi pa rin silang sinasagot na dalawa.

Mabuti nalang at hindi na sila nagtanong pa, dahil wala rin naman akong balak na sagutin ang mga iyon.







Lumipas ang mga araw at pakiramdam ko ay hindi ako masaya, at alam ko dahil iyon sa hindi ko pagpansin kay Kiel. Nakakonsensya talaga pero para naman sa ikabubuti nilang dalawang magkaibigan 'to.

Habang naglalakad ako papunta sa school ay nagulat ako ng biglang napatawag si Marty.

"Hello?" Pagsagot ko sa tawag.

"Gray, nasaan ka?"

"Eto na, papunta sa school. Bakit?" Parang kinakabahan ako sa mga sinabi niya sa akin, na para bang may nangyaring hindi maganda.

"Bilisan mo, pumunta ka agad sa may covered court." Sabi niya tapos pinatay ang tawag at hindi man lang akong inantay na sumagot.

Bakit ko kailangan magpunta sa covered court e, wala namang program or any activities? Anong meron?

Pagkadating ko sa covered court ay wala namang katao-tao, ano 'to prank? Akmang tatawagan ko na sana si Marty ng biglang nakarinig ako ng strum ng gitara.

Napalingon ako sa may stage at napakunot ang noo ko doon ng makita ko si Kiel at Ehoshua, na nandoon sa stage.

Hala, bumaba na kayo dyan! Nakakahiya. Bakit ganyan kayo? Grabe yung effort nakokonsensya na talaga ako.

Hindi ko naman alam yung kanta pero kahit papaano ay natouch ako ng dahil sa ginawa nilang efforts at nakita ko naman na magkasundo na silang dalawa. Hays, salamat naman at nagkaayos na din sila.

Si Ehoshua kasi yung naggitara tapos si Kiel naman yung kumanta. Singer naman pala ang bestfriend ko. At syempre hindi naman magpapahuli si Ehoshua, magaling pala ito maggitara.

Nung matapos ang kanta nila ay agad silang lumapit na dalawa sa akin. "Gray, sorry na. Bati naman na kami ni Ehoshua." Sabi niya pa sa akin. Tumango naman ako sa kanilang dalawa at ngumiti.

Pero gaya nga ng inaasahan ko, si Ehoshua ay mukhang napilit lang talaga ni Kiel, na magperform kasama niya. Pero ayos lang naman yon, sino ba naman kasi ako para pageffortan pa ng mga ganitong klaseng bagay hindi ba?

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now