Chapter 18

174 56 7
                                    

Gray's POV

Nandito kami ngayon sa living room nila at nanonood ng tv. Hindi kasi ako makaalis sa tabi ni ate Claire dahil ang gusto niya ay lagi daw niya akong katabi.

Hindi ko naman siya matanggihan dahil buntis siya. Nanonood kami ngayon ng cartoons para daw habang nasa tiyan niya palang yung baby ay madevelop na daw agad ito sa pamamagitan ng panonood ng cartoons.

"Alam mo kapag babae iyong naging anak ko, isusunod ko yung pangalan niya sayo." Sabi naman ni ate Claire sa akin. Pilit naman akong ngumiti doon, medyo nahihiya pa rin kasi ako ng dahil sa nakita niya sa amin ni Ehoshua.

"Pasensya kana nga pala, bigla nalang kitang iniwanan nung tinulungan mo ako." Dugtong niya pa.

"Ayos lang po yon."

"Call me ate Claire nalang. Alam mo bagay kayo ng kapatid ko, kumpara mo naman kasi dyan sa mga babae niya, di hamak naman na mas daig mo pa sila." Wala sa sariling napalunok ako ng dahil sa sinabi niya. Bakit ganitong klaseng mga topic naman ang kailangan naming pag-usapan hehe.

"P-pero po, alam ko may girlfriend na siya." Pagdadahilan ko pa kahit wala naman ako talagang alam kung meron na nga ba.

"Are you jealous?" Sabi naman ni Ehoshua at bigla nalang siyang sumulpot at sumama na rin na manood ng cartoons. Tinarayan ko nalang siya, bahala ka nga dyan.

"I don't think so Gray, ikaw lang naman kasi ang kaisa-isang babae na dinala niya dito sa bahay."

"Shut up." Masungit naman na tugon ni Ehoshua, hindi ako makasingit sa usapan nilang dalawa. Bigla nalang umalis sa pagitan namin si ate Claire at pumunta muna sa kwarto niya.

Nagkaroon naman ng hiyaan sa pagitan naming dalawa ni Ehoshua. Binalot kami ng katahimikan at tanging ingay lang ng tv ang naririnig.

"Why didn't you tell me?" Pagbasag niya sa katahimikan. Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.

"Ang alin?"

"About my ate. Ikaw pala yung tumulong sa kaniya, hindi ka man lang nagsabi." Bored niya namang sabi.

Napaanga ako ng dahil sa sinabi niya. "Tss, bakit kailangan ko pang sabihin sayo e hindi ka naman interesadong malaman." Sabi ko pa sa kaniya.

"Kahit na, dapat sinabi mo pa din." Inis pa niya na dagdag ulit at may mga ibinulong siya pero hindi ko na narinig pa iyon.

"Tutulong na nga lang ako, bakit kailangan ko pang ipaalam sa iba?" Pero hindi na siya sumagot dito.

"Yung ID." Sinasabi ko na nga ba e, may topic na naman siyang bago na bubuksan. Alam ko na yung ibig sabihin niya dito. "Bakit ipinaabot mo pa talaga sa boyfriend mo? Pwede mo naman ibigay sa akin." Napanting ang tenga ng dahil sa narinig ko.

"Boyfriend?" Paglilinaw ko pa sa kaniya. Seryoso ba siya dyan? Wala akong boyfriend! Si kuya? Napagkamalan niyang boyfriend, kawawa naman haha.

"Selos ka?" Mayabang ko naman na sagot sa kaniya at pilit na pinipigilan ang tawa ko. Susubukan ko naman siyang lokohin kung gagana ba.

Nakita ko nalang na pumula ang magkabilang tenga niya ng dahil sa tanong ko. Hindi siya makapagsalita ng dahil doon at ramdam ko din ang tensyon na namamayani sa katawan niya.

Sa huli ay nagulat siya sa akin dahil hindi ko na mapigilan pa ang pagtawa ko.

"Anong nakakatawa?" Pero tawa pa rin ako ng tawa kung makikita niyo lang talaga yung reaksyon ng mukha niya. Hay nako, ewan ko nalang talaga kung hindi kayo matatawa.

The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now