Chapter 14

220 58 12
                                    

Gray's POV

"Sa susunod, mag-iingat ka kung sino-sino kasi ang nasusuntok mo." Mahina niya namang sabi sa akin sabay ako binitawan at iniwang nakatulala na naman sa kawalan.



Akala ko pa naman kung ano na ang gagawin niya sa akin. Psh, kinabahan ako doon ah.


Wala sa sariling napasapo ako sa noo ko ng dahil sa kahihiyan. Ano ba yung nanyari kanina? Pero bakit ba ako nahihiya? E, wala namanng kaso yung ginawa niya sa akin kanina.

"Nandito ka lang pala Gray, kanina pa kita hinahanap." Natigil ang pag-iisip ko ng bigla kong marinig ang boses ni Kiel.

Kakaahon niya lang siguro sa swimming pool, dahil nagpupunas pa siya ng towel sa katawan niya at may mga tubig pang tumutulo mula sa hibla ng mga buhok niya.


"Maayos naman ba si Ehoshua?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako sabay tumabi sa akin. "Oh, parang namumula ka yata?" Nagulat ako ng dahil sa sinabi niya sa akin.


"H-ha? Ako namumula? Di ah, mainit lang kasi hehe, oo yon nga." Sabi ko naman sabay paypay at pinunasan ang pawis ko.


Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at niligpit na ang kit na ginamit ko sa paggamot kay Ehoshua.


"Ay hala ka, yung bestfriend ko pumapag-ibig na." Narinig ko pang parinig sa akin ni Kiel. Pero inirapan ko nalang siya at isinawalang bahala na lang ang mga iyon.


Pumapag-ibig? Ako? Weh di nga? Kanino? Hindi ko maintindihan yan minsan yungbmga pinagsasasabi ni Kiel e. Minsan wala namang kinalaman sa topic naisisingit pa niya.








"Hanggang sa muli, sana ay makabalik pa ako dito." Wala sa sariling hiling ko. Sobrang ganda kasi talaga at sana balang araw ay madala ko rin dito ang pamilya ko. Para maranasan man lang nila ang mga ganitong bagay.




Lumipas ang mga araw at natapos na rin ang 3 araw na camping namin. Hindi man naging masaya ang unang araw namin doon ng dahil nga sa nangyari, pero atleast my mga memories pa rin naman kami ng mate-treasure together with my classmates.



Naipaliwanag ko na rin kila kuya kung bakit ko sila napatayan ng tawag nung nakaraan. Tawang-tawa siya sa akin, tinatanong niya sa akin kung sino daw ba yon pero hindi ko na sinabi yung pangalan basta kaklase ko siya. Kapag sinabi ko pa yon sa kaniya, mas lalo niya lang akong lolokohin.




Nakauwi naman kaming lahat ng ligtas sa kaniya-kaniya naming tahanan at sobrang pagod naman ako. Grabe naman kasi yung biyahe namin, sobrang layo.



"Musta?" Bungad sa akin agad ni kuya pagkapasok ko palang sa bahay.

"Okay lang naman, nag-enjoy kahit paano." Tugon ko sabay hinubad ang sapatos ko.


"Ano suntok pa?" Eto na naman tayo kuya eh, sinasabi ko na nga ba na aasarin niya na naman ako.



"Edi waw." Tss, pero tinawanan niya lang ako. Umakyat nalang ako sa taas at niligpit at mga dinala kong gamit sa kwarto ko.


Dahil sa sobrang kapaguran ko ay, nakatulog na lamang ako ng hindi ko namamalayan.





Nagulat ako ng magising ako ay alas-kuwatro na ng hapon. Grabe halos 3 hours din pala ang naitulog ko. Pero maayos na din yon atleast nakapagpahinga ako.



"Nak, pwede mo bang ihatid ito sa may subdivision? Doon lang iyon sa may kabilang kanto." Sabi sa akin ni nanay. Agad naman akong tumango sa kaniya.




The Day We Were There (Series I)Where stories live. Discover now