KABANATA II

1.8K 65 14
                                    

I've been struggling in sleep! Sa lahat sobra para akong nasu-suffocate hindi ako makahinga!

Para makatulog ako ng maayos kailangan ko ng uminom ng sleeping pills or mag pakalango sa alak.

My life turns upside down.

Masarap na ang tulog ko sa mga oras na ito ng biglang may kumalabog sa pinto. Nagising na ang diwa ko ngunit tulog parin ang katawan ko dahil sa gamot na tinurok sa akin ni Manang Pasing.

"Nakakainis! Nag usap tayo na sasamahan mo ako mag shopping sa boutique pero asan ka? Nandito ka sa kwarto mo tulog na tulog!" Galit na sigaw ni Celine sa akin.

"Ma'am Celine. Pasensya na po at nakatulog si Sir Lucio. Nag wawala na naman po kasi siya kanina kaya tinurukan ko siya ng pampakalma at pampatulog,"

"Urrrghhh! Nakakainis! Bakit ba hindi niya pa din matanggap na patay na si Gianna! She killed herself!" Sigaw ni Celine.

Para akong nagkaroon ng lakas sa narinig ko. Iminulat ko ang mga mata ko at tumayo ako sa pagkakahiga ko.

"Hindi pa patay si Gianna! Sa totoo lang ikaw ang dapat sisihin sa lahat ng nangyari sa aming dalawa! Kung bakit siya nawala bigla at lahat lahat! Lumayas kana dito sa pamamahay ko at wag na wag ka ng babalik dito! Tapos na tayo!"

Yumakap bigla ng mahigpit sa akin si Celine.

"Sorry na, Hindi na ako magagalit sayo basta wag lang tayo mag hiwalay na dalawa,"

"Bitawan mo ako! Alam mo nasusuka ako kapag nakikita kita. Sa pagkatao mo! Nakakasuka! Sana hindi nalang kita binalikan, Sana hindi nalang ako nagpakatanga ulit sayo! Oo Mahal na Mahal kita noon kaya pinakasalan ko si Gianna para pag selosin ka pero habang tumatagal ang panahon mas lalo kong naiintindihan na si Gianna na ang Mahal ko! Hahanapin ko siya sa buong mundo hindi ako mapapagod na hanapin siya para magkasama na kami ulit na dalawa!"

"Patay na si Gianna! Mahirap bang intindihin yun? P-A-T-A-Y na siya! Wag kang tanga Lucio!"

"Hindi na ako maniniwala sa demonyong katulad mo! Hindi na ako mag papauto sa mga sinasabi mo!"

"Ok! Mag pakakuba ka kakahanap sa namatay mong asawa! Baka gusto mong mag sama na kayong dalawa sa impyerno?" sambit niya habang may binubunot sa bag niya.

"Sige! Tutal patay naman na si Gianna diba? Bakit hindi mo na rin ako patayin para magkasama na kaming dalawa?"

"Sige! Pero hindi muna kita papatayin ngayon. Hindi ko dudungisan ng dugo ang mga palad ko."

Lumapit ako sa kanya at nakipag agawan ako ng baril.

"Akin na! Akin na yang baril na yan at ako na ang gagawa!" Sigaw ko sa kanya.

"Hindi pwede!"

Nag agawan kaming dalawa ng baril niya hanggang sa nakalabit ko ang trigger niya.

Napaluhod sa harap ko si Celine habang nakatulala sa akin.

Hinawakan ko ang tagiliran ko at nakakita ako ng maraming dugo.

"Lucio!" Sigaw ni Manang Pasing.

Biglang umikot ang mundo ko at sumubsob ako sa sahig.

Nakatingin ako sa kanilang dalawa habang nag pa-panic sila sa akin. Ngumiti ako sa kanila habang papapikit ang mga mata ko.

(Switching Scenes)

EMILY'S POV

Nagluluto na ako ng hapunan naming maganak.

Hindi niyo naitatanong pero bumuti ang lagay ng pamilya ko simula ng kinasal kami ng Ultimate Crush ko si Angelo.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now