KABANATA 34

653 37 4
                                    

Nasa bahay na ako ng mga oras na ito at binabasa ko na muli ang kontrata ng Bella sa amin. Wala naman akong nakitang kakaiba sa kontrata na ito ngunit parang may masama akong kutob sa mga susunod na mangyayari sa pagitan namin at ng Bella.

Habang nag babasa ako ay sunod-sunod ang text sa akin ng mga empleyado ko at sobrang natutuwa sila sa nangyayari ngayon dahil nag te-trending daw sa social media ang photoshoot namin.

Hindi din naman mawala sa akin na masaya ako ngayon dahil unti-unti muling umaangat ang kumpanya ko ngunit nababahala lang talaga ako sa mga posibleng mangyari sa pagitan namin ng Bella.

Mabilis akong nakatulog sa aking kama gawa ng pagod ko sa maghapong trabaho.

Kinabukasan.

Maaga palang ay umalis na ako sa bahay upang pumasok sa trabaho. Pagdating na pag dating ko sa opisina ko at pag bukas ko ng email ko ay pinutakte ako ng mga messages.

Hindi ko ito agad binuksan at lumiyad nalang ako sa inuupuan ko para mag pahinga pa ng kaunti.

Lumipas ang mga oras ay dumating na si Emily at pabalagbag akong ginising.

"Huy Lucio! Gumising kana diyan!" sigaw niya sa akin.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Bella na nasa tabi ni Emily.

"Huy! Pasensya na hindi ko alam na nandito ka," nahihiyang sambit ko sa kanya.

"Mag sisimula na ang second day ng photo shoot," inis na sambit ni Emily sa akin.

"Sige-sige sunod nalang ako doon." tugon ko sa kanila.

Pag alis nilang dalawa sa loob ng opisina ko ay lumabas na din ako agad.

Hiyang-hiya ako sa nangyari kasi nakita ako ng Ceo ng Bella na patulog-tulog lang. Pag dating ko sa production department ay nakita ko na iba na naman ang set up nila at this time ay swim suit attire ang imo-model nila. 

May mga dala-dalang props na naman ang Bella at as usual ay dala nila ang mga swimsuit attire para sa photo shoot na gagawin. Pumasok na sa loob ang mga model para mag bihis at nagulat nalang ako na parang kakaiba na naman ang kani-kanilang mga suot.

May malaking headdress si Dimple sa ulo niya habang nakasuot siya ng medyo mabalbong swimsuit na kulay pula.

"Bakit ganyan ang suot ni Dimple?" nagtatakang tanong ko kay Emily.

"Ang theme kasi nila ngayong photo shoot ay wild flower," paliwanag niya sa akin.

"Bakit rafflesia?" pailing-iling na tanong ko sa kanya.

"Basically, Rafflesia flower is a strong flower that signifies for being a independent." nakangiting sambit ni Bella sa akin.

Napatingin ako sa kanya ng matalim at pilit kong iniisip kung ano pang simbolo ng rafflesia na suot-suot ni Dimple bukod sa sinasabi niya sa aking na pagiging independent.

Habang nakatingin ako sa mga models at cameraman namin na sobrang abala ay napatingin ako ng bahagya kay Celine na nakangising nakatingin sa mga modelo namin.

Napapakunot ang noo ko habang tinitingnan ko si Celine ng biglang pinukaw ni Emily ang atensyon ko.

"Tulala ka na naman!" inis na sambit niya sa akin.

"Tanga! Nakatingin ako kay Celine," inis na tugon ko sa kanya.

"Ooh? Don't tell me?" sambit niya sa akin.

"May napapansin lang akong kakaiba sa kanya ngayon. Hindi ko siyang nakikita na nakangiti sa mga models natin dito pero ngayon nakangiti siya hindi lang nakangiti parang nakangisi pa basta parang may kakaiba sa mga ngiting 'yun," sambit ko sa kanya.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEOn viuen les histories. Descobreix ara