KABANATA 32

676 36 14
                                    

Nakatingin ako sa malayo habang iniisip ko ang lahat ng mga kasama na ginawa sa akin ni Celine at kung papaano ko siya mapapanagot sa mga kasalanan niya sa akin at kay Gianna.

Itinaas ko ang baso ko na may lamang alak at napa bugtong hininga nalang ako dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Ano pong bumabagabag sa inyo Sir Lucio?" tanong nalang bigla ni Manang Pasing sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya at napangiti habang iniinom ang alak sa baso ko. Huminga muli ako ng malalim at tumugon ako sa tanong niya.

"Wala naman po Manang," nakangiti kong tugon sa kanya.

"Wag po kayong mag alala dahil dadating din ang araw na magiging maayos ang lahat," sambit niya sa akin.

"Oo naman po Manang naniniwala naman ako na magiging maayos din ang lahat at siguro ako na babalik na dati ang lahat." nakangiting sambit ko sa kanya.

Tinapik-tapik ako ni Manang Pasing sa balikat ko at umalis na siya sa harapan ko.

Nilagyan ko muli ng alak ang baso ko at uminom ako hanggang sa malasing ako.

Kinabukasan.

Nagising nalang ako sa kwarto ko at nakita ko sa tabi ko si Manang sa gilid ko na pinupunasan ako ng basang bimpo sa mukha ko.

"Nalasing na naman pala ako," natatawang sambit ko sa kanya.

"Hayy nako bakit nag lasing ka na naman? Pangiti-ngiti ka pa kagabi tapos mag-wawala ka na naman pala," asar na sambit niya sa akin.

"Ilang baso na ba ang nabasag sa akin Manang?" natatawang tanong ko sa kanya.

"At talagang tumatawa ka pa ngayon huh? Tumayo ka na nga diyan baka mahuli ka sa trabaho mo!" inis na sambit niya sa akin.

"Anong oras na ba Manang?" tanong ko sa kanya.

"Alas sinco na ng umaga," tugon niya sa akin.

"Maaga pa naman." sambit ko sa kanya.

Tumayo ako sa kinahihigaan ko at pumasok na ako sa kasilyas para maligo. Habang naliligo ako ay narinig kong tumunog ang pinto marahil ay lumabas na si Manang kaya mindali ko na ang pagligo ko at pag katapos kong maligo ay nakita ko ang isang bagong pares ng damit sa kama ko.

May note dito na nakalagay ay G&B.

"G&B? Sino kaya ang nagpadala nito?" tanong ko nalang sa sarili ko. 

Binuksan ko ang plastic ng damit at nakita ko ang customize na damit na ito. Polo shirt siya na may mark na L.I.

"Initial ko 'to." sambit ko habang sinusuot ang damit.

Bumaba na ako sa kusina at kinain ko na ang inihain na pagkain sa akin ni Manang Pasing.

"Maraming salamat po sa masarap na almusal Manang Pasing," nakangiting sambit ko sa kanya.

"Hay nako! Mabuti naman at nag papasalamat ka na ngayon," masungit na sambit niya sa akin.

"Grabe naman kayo sa akin ngayon Manang," paawang sambit ko sa kanya.

"Sige na kumain ka na diyan at pumasok ka na sa trabaho." seryosong sambit niya sa akin.

Hindi na ako nag salita pang muli at nag madali na akong kumain. 

Lumipas ang ilang minuto ay natapos din akong humigop ng masarap na sabaw ni Manang at pagkatapos ay nag handa na din akong umalis ng bahay.

Dahil ngayon ang resume ng photoshoot namin sa company ay minabuti kong sumilip muna sa production area para tingnan ang set up nila ngayon.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now