KABANATA XXI

1K 47 17
                                    

Kinabukasan

Masakit ang ulo ko ng magising ako mula sa kwarto ko.

"Ang sakit ng ulo ko parang bibiyakin." sambit ko habang hawak-hwak ang ulo ko.

Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo kaya umupo muli ako sa kama ko.

"Ngayon pa ako tinamaan ng hangover." inis na sambit ko habang palinga-linga sa paligid.

Nakaupo lang ako sa kama ko ng mga oras na ito ng biglang tumibok ng malakas ang ulo ko at sumakit ito ng sobra. Nakapikit lang ako ng nito habang iniinda ang sakit ng may mga pangyayaring pumapasok sa utak ko.

"Aaah! Sobrang sakit ng ulo ko!" sigaw ko sa kwarto ko.

Pasalamat nalang talaga ako kay Manang Pasing sapagkat narinig niya ang sigaw ko mula sa kwarto ko.

"Ano pong nangyayari sa inyo Sir Lucio?" nag aalalang tanong niya sa akin.

"Sobrang sakit ng ulo ko parang bibiyakin!" sambit ko sa kanya habang patuloy sa paghawak sa ulo ko.

"Idadala ko po kayo sa ospital," nag aalalang sambit niya sa akin.

"Wag! Wag mo akong dalhin sa ospital Manang. Kunin mo yung gamot ko para mawala yung sakit o kaya magpadala ka ng Doctor dito sa bahay," pang mamakaawa ko sa kanya.

"Sige po Sir Lucio." sambit niya sa akin sabay patakbong umalis sa kwarto ko.

Lumipas ang ilang minuto ay masakit pa rin ang ulo ko ngunit habang tumatagal ay unti-unti ng bumabalik ang mga nawalang memorya ko.

"Gianna!" malungkot na sambit ko. , "Sana naman magpakita ka sa akin kahit sa panaginip man lang," malungkot na sambit ko.

Hindi ko na masyadong nararamdaman ang sakit ng ulo ko dahil lunalamang na ang sakit ng puso ko. Si Gianna lang ang laman ng isipan ko ngayon parang ngayon lang tumatama sa akin ang tamang emosyon ko para kay Gianna.

Umiiyak na naman ako sa mga oras na ito hindi dahil sa masakit ang ulo ko kung hindi ay naaalala ko na naman si Gianna nung panahong masaya pa kaming dalawa. Naalala ko din ang sinabi ni Marco sa akin kagabi na buntis si Gianna nung mga panahon na yun.

Nakakapanghinayang at sobrang nakakapangsisi ang mga ginawa ko kay Gianna. Hindi ko na inisip ang kalagayan niya noong panahon na yun dahil bigla nalang dumating si Celine sa buhay ko at nag panggap na buntis sa akin.

"Napaka tanga mo Lucio!" galit na sambit ko sa sarili ko. , "Bakit hindi nalang ikaw ang namatay bakit kailangang si Gianna pa ang nawala!" sambit ko habang humahagulgol.

Umiiyak lang ako at sinasaktan ang sarili ng biglang dumating si Manang kasama ang Doctor.

"Anong ginagawa mo Lucio!" galit na sambit niya sa akin.

"Napaka walang kwenta kong tao Doc! Bakit kasi nabuhay pa ako? Bakit hindi nalang ako namatay para makasama ko na din ang pamilya ko?" sambit ko sa Doctor habang umiiyak ako.

"May rason kung bakit may mga ganyang nangyayari sa buhay mo Lucio. Subukan mong bumagon muli at ayusin ang sarili mo. Bata ka pa makakahanap ka pa ng mas nakakahigit kay Gianna," sambit niya sa akin.

"Anong sabi mo Doc?" galit na tanong ko sa kanya. , "Paano mo nasasabi ang mga ganyang salita sa akin? Hindi mo alam kung anong nangyayari sa akin!" galit na sambit ko sa kanya.

"Kumalma ka muna Lucio. Hindi ba't na mi-miss mo na si Gianna? Bakit hindi nalang natin siya dalawin sa puntod niya para naman mabawasan ang sakit na nararamdaman mo ngayon," malumanay na sambit ng Doctor sa akin.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now