Untitled Part 44

390 18 4
                                    

Pilitin ko mang hindi ngumiti ngunit napapangiti ako ng patago kay Lucio. Gusto ko nang mabuo muli ang aming pamilya ngunit natatakot ako sa posibleng mangyari ngayon lalo pa't unti-unti na akong lumalantad sa mga taong nanakit sa akin makalipas ang walong taon.

Hindi ko na kaya pang itago pa ang galit at poot na nararamdaman ko sa kanila kaya matapang kong hinarap ngayon ang mga posibilidad na mangyari.

Inaya nila Itay at Inay si Lucio sa loob ng aming mansyon. Masaya ang  mga magulang ko na nakikita si Lucio dahil napamahal na sila dito ng sobra kasi noong panahon na wala ako sa tabi ng mga magulang ko ay si Lucio ang humarap sa kanila.

Naaawa sila Inay at Itay kay Lucio noong panahon na wala ako. Kinimkim nilang lahat ang katotohanan para mapabuti ako sa Paris.

Nakatabi sa akin nito si Bella at hindi siya makatingin o makalapit man lang sa kanyang ama na si Lucio. Nagtatago siya sa akin na parang natatakot dahil sa presensya ni Lucio.

"Is she really my daughter?" tanong ni Lucio sa akin.

"Bakit nag da-doubt ka ba kay Bella?" masungit na tanong ko pabalik sa kanya.

"Hindi naman ako nag da-doubt sa kanya. I see myself on her,"

"Really? May resemblance kayong dalawa? Sa tingin mo?" sarcastic na tanong ko.

"Well, I feel the blood running to our veins are the same,"

"Daming alam! So bakit mo nga ako sinundan dito?" galit na tanong ko sa kanya habang nakataray na nakatingin sa kanya.

"I thought you want me to come over?"

"Huh? Seriously? Bakit naman kita aayain na sumama sa akin dito sa mansyon ko?"

"Ang bagal mo kasi mag drive and tingin ka nang tingin sa front mirror mo parang may hinihintay ka," Pang aasar niya sa akin.

"Alam mo Lucio magaling ka rin palang magpatawa noh?" tumatawang tanong ko sa kanya.

"Thank you." nakangiting tugon niya sa akin.

Inismiran ko lang si Lucio at sabay kausap nila Itay sa kanya. Habang kinakausap nila Itay at Inay si Lucio ay kinausap ko naman si Bella na nasa tabi ko.

"Anak, Are you ok?" tanong ko agad sa kanya.

"I'm not sure mommy. Who's that guy? Is he really my dad?" tanong niya sa akin.

Huminga ako ng sobrang lalim upang humugot ng lakas ng loob para tapatin siya ng bigla siyang nagsalita.

"Ok I will accept him." sambit niya.

Nanlaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya habang nagtatakang tumugon sa kanya.

"That fast? Tinanggap mo na agad ang daddy mo ng ganun lang kabilis?"

"Yeah? What's wrong by that mommy?"

"I'm just confused and at the same time startled," nakatingin sabi ko kay Bella. "Sigurado ba talaga siya sa sinasabi niya o baka nabibigla lang ang bata?"

May mga tanong na naglalaro sa isipan ko ngayon ngunit unti-unti itong nawawala ng nakikita ko ang mga ngiti sa mukha ni Bella. Takot man siyang lumapit sa ama niya ngunit nandoon ang kasabikan sa kanya na makasama niya ito. Simula kasi nang matutong magsalita si Bella at nakikita niya sa iskwelahan ang mga kaklase niyang hinahatid at sundo ng kanilang mga tatay ay lagi na niyang nagtatanong sa akin kung nasaan ang ama niya kaya siguro sobra na lang ang saya niya ngayon na nakita at nakilala na niya ang kanyang ama.

"Bella? Do you want to play with daddy?" tawag sa kanya ni Lucio sabay tanong.

Tumingin muna sa akin si Bella bago niya tinugon si Lucio at sabay ngiti ko sa kanya.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now