KABANATA XXII

1.3K 50 45
                                    

"Paano na ang baby natin Lucio? Baka bigla siyang mawala sa akin." lumuluhang sambit ni Celine sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko iko-comfort si Celine kaya patuloy nalang ako sa paghimas sa tiyan niya at pilit ko siyang pinapatahan sa pag-iyak niya. Lumipas ang ilang minuto au umiiyak parin si Celine ng tinakbo ko siya sa hospital. Dinala ko siya sa emergency room at agad naman siyang inasikaso ng mga doctor doon.

"Tawagin niyo si Doc Lucas! I need him here!" sigaw ni Celine habang nag pa-panic.

"Huminahon muna kayo Ma'am at i-checheck na muna namin ang inyong pulso." sambit ng Doctor sa kanya.

Chineck agad ang pag-hinga at pulso ni Celine. Pinahiga na si Celine sa kama para i-check ang sinapupunan niya ng biglang dumating si Doc Lucas para pigilan ang Doktora sa gagawin niya.

"Ako na," pamimigil niya sa Doktora.

"No! This is my job as a emergency doctor. Doc Lucas?" nakataray na sambit niya kay Doc Lucas.

"Ako ang masusunod dito Doktora! Baka hindi mo ako kilala? Ako ang may-ari ng ospital na ito!" galit na sambit ni Celine sa kanya.

Agad na tumayo sa pwesto ang Doktora na sana ay titingin kay Celine at umupo naman si Doc Lucas.

Nagtataka lang ako sa nangyayari kung bakit kailangan pang si Doc Lucas ang tumingin sa kanya eeh meron namang Doctor na naka assign sa emergency.

"Anong nangyari?" tanong bigla ni Doc Lucas sa akin.

"Nagkaroon ng aksidente sa bahay tapos nalaglag siya sa hagdan," sambit ko sa kanya.

"Paanong aksidente? Kailangan kong malaman para alam ko kung anong nangyari sa bata," seryosong sambit ni Doc Lucas sa akin.

"Ano gusto mo bang malaman na nag away si Celine at ang asawa ko? Ganun ba?" galit na tanong ko sa kanya.

"Ok! Wag mo na ikwento pa yan," sambit niya sa akin. , "Anong masakit sayo?" tanong niya kay Celine.

"Yung balakang ko ang masakit," sambit ni Celine sa kanya.

Tumayo sa kinauupuan si Doc Lucas at lumapit kay Celine para kapain ang masakit sa kanya.

"Awww!" bigla nalang sambit ni Celine habang iniinda ang sakit.

"I need check the baby Celine, Ok lang ba na lumabas ka muna Lucio?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko din malaman kung anong lagay ng bata bakit pinapalabas mo ako?" galit na tanong ko sa kanya.

"Hindi kasi pwedeng makita ang ultrasound kasi medyo sensitive ito kaya kung maaari ay doon ka muna sa labas ng kwarto para maghintay." seryosong sambit niya sa akin.

Wala na akong magawa pa kung hindi sumunod nalang sa pinag uutos ni Doc Lucas sa akin. Lumabas ako agad ng kwarto at umupo sa tabing upuan nito.

"Paano ba dapat ang gagawin kapag first time dad?" naiinis na tanong ko habang palakad-lakad sa labas ng silid.

Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan dahil hindi ko makikita kung anong nangyayari sa loob. Ilang minuto akong palakad-lakad sa labas hanggang sa lumabas na din si Celine na nakasakay sa wheelchair.

"Kamusta? Anong nangyari sa baby ko?" paulit-ulit na tanong ko kay Doc Lucas.

"Ok naman ang bata sa sinapupunan niya. Kailangan lang ni Celine umiinom ng pampakapit para hindi malaglag ang anak niyo," sambit niya sa akin.

"Salamat," nakangiting sambit ko sa kanya.

"Sa susunod mag ingat ka at iwas-iwasan mo ang mga taong alam mong makakasakit sayo," galit na sambit ni Doc Lucas kay Celine.

"Hindi ko din alam kung bakit niya nagawa sa akin siguro dahil ako ang magbibigay ng anak sa asawa niya kaya sobra nalang ang galit sa akin ni Gianna," malungkot na sambit ni Celine kay Doc Lucas.

"Siguro Lucio kailangan mo muna silang pag hiwalayin na dalawa para walang masamang mangyari kay Celine," utos ni Doc Lucas sa akin.

"Hindi Doc ok lang naman sa akin na nandun siya kasi siya naman ang asawa at naanakan lang naman ako ni Lucio," malungkot na sambit ni Celine sa kanya.

  "Sige na una na kami at para makapag pahinga na si Celine sa bahay." sambit ko kay Lucas habang tinutulak palayo ang wheelchair ni Celine.

Walang salita ang lumabas sa bibig ko pagkatapos ng conversation na iyon at tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa parking area kung saan nakaparada ang kotse ko.

Pagdating namin sa parking area ay agad kong isinakay si Celine sa kotse at pagkatapos ay umuwi na kami sa bahay. Habang nasa biyahe kami ni Celine ay bigla nalang siyang nagsalita sa akin.

"Salamat dahil may pake ka sa magiging anak natin," nakangiting sambit niya sa akin.

"Kahit na mali ang pagkakagawa diyan dugo at laman ko parin ang nanalantay diyan," seryosong sambit ko sa kanya.

"Bakit hindi nalang natin ibalik ang nakaraan?" sambit niya sa akin.

"Wag ka ng umasa na mababalik pa ang nakaraan dahil hinding-hindi na magbabago ang paningin ko sa'yo," galit na sambit ko sa kanya.

"Bakit? Dahil ba diyan sa Gianna na yan kaya ayaw mo na akong balikan?" galit na tanong niya sa akin.

"Wala kang karapatan na magalit sa akin dahil ikaw ang nagloko at hindi ako. Asawa ko na si Gianna at kabet ka lang," seryosong sambit ko sa kanya.

"Ako nga ang kabet pero ako lang ang may kakayahang bigyan ka ng anak dahil may problema sa mattress yang asawa mo!" sigaw niya sa akin.

"Paano mo nalaman na hirap kaming bumuo ni Gianna?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Paanong hindi ko malalaman eeh matalik na kaibigan ko si Lucas," nakangiti niyang sambit sa akin.

"So ngayong alam mo na? Anong pake mo?" tanong ko sa kanya.

"I've already pay your debts at ako ang bumuhay muli sa candy magazine na pinabagsak mo!" sigaw niya sa akin.

"Pera mo lang ang ginamit pero ako pa rin ang bumuhay! Hindi pa ba sapat na kasama kita sa bahay ko at ikaw ang katabi ko sa pagtulog instead of Gianna?" galit na tanong ko sa kanya.

"Magkaiba pa rin yun! Ako pa rin ang lumalabas na kabit sa aming dalawa!" galit na sambit niya sa akin.

Napuno ng bangayan ang loob ng kotse kaya minadali ko na ang pag da-drive upang makauwi na kami agad sa bahay.

Bumuba ako ng kotse na hindi ko siya tinutulungan bumaba pagkababa ko tumungo na agad ako sa loob para tawagin sila Manang Pasing para tulungan si Celine.

Nakatingin lang ako sa kwarto ni Gianna ng dumating kami galing ospital pupunta na sana ako doon ngunit hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa pinakita kong ugali sa kanya. Hindi ko kayang humarap sa kanya kaya pumunta nalang ako sa sala para doon uminom ng alak.

Sobrang gulo ng pinasok kong buhay alam ko sobrang nasasaktan na si Gianna sa ginagawa ko sa kanya puro pasakit at sakit sa ulo nalang ang binibigay ko sa kanya na dapat ay masayang pagsasama.

"Sobrang tanga mo Lucio! Bakit hindi ka maging lalaki sa asawa mo at palayasin mo yung babaeng yan dito sa pamamahay mo!" galit na sambit ko sa sarili ko.

Nakaupo lang ako sa sala ng mga oras na ito ng bigla akong nakaramdam ng yamot sa sarili ko kaya hindi ko maiwasan na ibato ang baso na hawak ko sa pader.

"Putang ina!" sigaw ko.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now