Kabanata XXXVIII

669 37 4
                                    

Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng opisina ko ay nagulat ako ng nakita ko sina Emily at Bella na nakatingin din sa akin.

"Anong ginagawa niyong dalawa dito?" nagtatakang tanong ko sa kanilang dalawa.

"Saan ka galing?" tanong ni Emily sa akin.

"Kanina pa kita tinatawagan Emily bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" galit na tanong ko sa kanya.

Kinuha agad ni Emily ang cellphone niya sa bulsa niya at tiningnan ito.

"3 missed calls?"

"Mamaya ko na sasabihin sayo kung ano 'yun. Nagugutom ako samahan mo akong kumain sa labas,"

"Tara Ms. Bella," paanyaya niya kay Bella.

"Huh? Tayong dalawa lang ang kakain,"

"Nakakahiya naman sa CEO na nandito sa opisina mo na naririnig na inaaya mo akong kumain ano?"

"I have an important thing to tell you,"

"It's ok. Aalis na ako Ms. Emily. Just let me know if anong sagot mo sa proposal ko sayo." sambit ni Bella sabay tayo sa kinauupuan niya.

Tiningnan ko lang si Bella na dumaan sa harapan ko hanggang sa makalabas  siya ng pinto ng opisina ko at nang makalayo siya sa aming dalawa ni Emily ay agad kong sinara ang pinto ng opisina ko at pinagalitan ko si Emily.

"Bakit ka nag sa-silent ng cellphone mo!" 

"Alam mong nandito pa si Ms. Bella sa opisina mo tapos aalis ka? Bumabalik na ba ang dating Lucio na bastos? Mahiya ka naman Lucio sa tao! Siya ang nag paangat muli ng kumpanya mo tapos kung tratuhin mo lang siya parang tauhan mo lang!"

"Wag mo akong pinapagalitan dito Emily dahil ikaw ang may mali! Sino ba ang boss mo?"

"Ikaw nga ang boss ko pero paano nalang kung bawiin na naman ni Ms. Bella ang kontrata niya sa atin?"

"Ganito Emily. Ikaw na ang bahala sa kanya ngayon. Dahil may importante akong gagawin,"

"Ano na namang gagawin mo? Nasa kasagsagan ka ng kasikatan Lucio ooh! Puro ka na naman kalokohan!"

"Nakita ko si Gianna! Buhay siya!"

Nanlaki ang mga mata ni Emily ng marinig niya ang sinabi ko.

"Ano? Nahihibang ka na ba? Paano mo makikita ang taong patay na? Palayain mo na si Gianna, Lucio! Please lang maawa ka sa kaluluwa niya,"

"Hindi ako nahihibang Emily ok? Nakita ko ng dalawang mata ko si Gianna,"

"Kung nakita mo talaga siya? Asan na siya ngayon bakit hindi mo siya kasama?"

"Bigla siyang nawala eeh! pero titingnan ko yung mga cctv natin dito at hahanapin ko siya,"

"Tatawagan ko ang Doctor mo para umayos ang utak mo. Nahihibang ka na naman Lucio,"

"Kung ayaw mong maniwala sa akin bahala ka!"

Madali akong lumabas ng opisina ko at agad akong sumakay sa elevator para tumungo sa monitoring room.

Pagdating na pagdating ko palang sa monitoring room ay agad akong lumapit sa namamahala ng mga cctv footage ng building na ito at agad kong pinahanap si Gianna.

Unang tingnan ang oras ng pumasok ako sa elevator at kitang-kita doon na may dumaang babaeng nakasumbrero sa labas ng elevator.

"Tama ako ng nakita ko." nakangiting sambit ko. , "Sundan mo kung saan pupunta yung babae na nakasumbrero na 'yan."

Mula sa floor kung saan ang opisina ko ay pumasok siya sa cr ng mga babae. Lumipas ang ilang mga minuto bago siya lumabas sa cr ng mga babae at pagkatapos nun ay sumakay siya sa elevator.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now