KABANATA XVI

955 37 12
                                    

Hindi ko alam bakit sa tuwing nagigising ako ay may maiingay sa paligid ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at pagmulat ng mata ko ay nakita ko ang dalawa kong pinsan na sina Fernando at Franco. 

Nakangiti silang dalawa sa akin na tila ba'y sobrang saya na nakita ako.

"Kamusta ka Marco!" masayang bati ni Franco sa akin.

"Kamusta kayo? Bakit ang daming mga bata?" tanong ko sa kanila.

"Mga pamangkin mo ito Marco," masayang sabi ni Fernando sa akin.

"Huh? May anak na kayo?" gulat na tanong ko sa kanila. , "Paano kayo nag kaanak eeh mga babaero kayong dalawa?" tanong ko muli sa kanila.

"Naiintindihan ka namin Marco, Nakwento na sa amin ni Manang na 13 years ago pa ang natatandaan mo kaya ganyan nalang ang reaksyon mo ngayon sa amin," paliwanag ni Fernando.

"Hayaan mong ipakilala namin ang mga anak namin sayo." nakangiting sambit ni Franco sa akin.

Tinawag ni Franco at Fernando ang mga anak nila at ang mga babaeng kasama nila.

"Ito ang panganay ko si Josh at ito naman ang bunso ko si Kenny," nakangiting sambit ni Franco sa akin. , "Asawa ko pala si Marian. Ang pinaka mabait at pinaka maganda kong asawa," nakangiting sambit ni Franco sa akin.

"Si Andrea ang asawa ko. Ito si Harry panganay namin, pangalawa si William, pangalo si Billie at si Baby sa tiyan ni Misis boy parin," nakangiting sambit ni Fernando sa akin.

Lumapit ang isang bata lalaki sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Wag mong sabihin na anak ko 'to?" tanong ko sa kanila. 

Natawa nalang bigla ang magkapatid at sinabing hindi ko anak ang batang iyan.

"Anak ni Angelo yan," natatawang sabi ni Franco.

"Ito anak ni Angelo? Kanino?" naguguluhang tanong ko sa kanila.

"Sa kaibigan mong si Emily." sabi ni Fernando.

"So totoo nga na kasal silang dalawa at may anak sila?" tanong ko nalang sa sarili ko.

"Ehh ako? Asan ang anak ko?" tanong ko sa kanila.

Biglang nagbago ang mukha ng mga pinsan ko. at tumahimik nalang sila bigla.

"Ano?" tanong ko muli sa kanila.

"Namatay ang asawa mo sa mismong araw ng birthday mo 8 years ago kaya hindi ka nagkaroon ng anak," malungkot na sambit ni Franco sa akin.

Habang tumatagal ang usapan naming magpipinsan ay mas lalong sumasakit ang ulo ko.

"May asawa ako?" tanong ko sa kanila.

"Meron kang asawa at Gianna ang pangalan niya," sabi ni Fernando sa akin.

"Gianna?" tanong ko sa kanila. , "Bakit wala akong maalala tungkol sa kanya? Bakit hindi ko siya kilala?" maluha-luha kong sambit sa kanila.

"No rush Lucio," sabi ni Andrea sa akin.

"Para akong tanga na iniisip ang mga bagay na hindi ko maalala! Bakit hindi ko maalala ang sarili kong asawa?" sambit ko habang sinasapak-sapak ang ulo ko.

Agad akong hinawakan ni Franco at Fernando para pigilan sa ginagawa ko.

"Mas lalo mo siyang hindi maaalala kapag ginawa mo yan Lucio. Huminahon ka muna at alam naming lahat dito na babalik at babalik din ang mga alaala na nawala sayo," paliwanag sa akin ni Fernando.

Kinalma ko ang sarili ko at binatawan na ako nila Franco at Fernando. Pinaalis muna nila ang mga pamilya nila kasama sila Manang Pasing para makausap ako ng maayos.

"Ikwento niyo sa akin kung anong mga nakalimutan ko," pakiusap ko sa kanila.

"Masyadong mahaba ang walong taon Lucio pero kapag nakauwi kana sa bahay mo ikaw na mismo ang makakaalala sa kanya dahil hanggang ngayon maayos pa din ang kwarto ni Gianna sa bahay mo," nakangiting sambit ni Fernando sa akin.

"Kailan ba ako makakalabas sa ospital na 'to? Pagod na pagod na akong matulog at humiga maghapon," inis na sambit ko sa kanila.

"Will talk the doctor kung pu-pwedeng iuwi ka nalang para mas maalagaan ka doon," sabi ni Franco sa akin.

"Good!" 

"Wala ka ba talagang naaalala kahit anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Fernando.

"Naalala ko lang si Celine at si Angelo yun lang at wala ng iba,"

"That's all?" tanong niya.

"Oo! Magtatanong ba ako sa inyo kung may naaalala ako? Di ba hindi naman?" inis na sambit ko sa kanila.

Nasa kalagitnaan kami ng conversation naming tatlo ng biglang pumasok ang Doctor ko.

"Hello Mr. Iglesias?" kamusta niya sa akin.

"Doc, Kailan ang discharge ko?" tanong ko sa kanya.

"Since mabuti naman na ang kalagayan mo ay papayagan na kitang madischarge bukas ng umaga. Re-resetahan nalang kita ng mga gamot para sa sugat mo at sa pagsakit ng ulo mo,"

"Thanks Doc!"

"By the way Mr. Iglesias may mga pinadalang pagkain at mga bulaklak sayo galing sa isang unknown person," sambit ni Doc sa akin.

"Thank you Doc. Kunin nyo nalang po ang mga ibang pagkain para may meryendahin kayo ng mga kasamahan mo," sambit ko sa kanya.

"Salamat po."

Lumingon ako sa bandang pinto at isa-isang pinapasok ang mga bulaklak at mga pagkain. Napakadaming bulaklak at napakadaming pagkain ang pinasok sa loob. Napatingin ako sa isang bulaklak na nilapag ng lalaki at may nakita akong sulat.

"Get well soon." -GB

Kinuha ko ang sulat na ito at tiningnan ng malapitan sabay tanong sa mga pinsan ko.

"Sinong GB?" tanong ko sa kanila.

"Ewan ko? Baka secret admirer mo?" tanong ni Franco sa akin.

"Secret Admirer? Tsss! Anyway thanks to him or her bahala na siya," sambit ko sa kanila.

"Asan pala ang mag asawa?" biglang tanong ni Fernando sa akin.

"Ewan ko sa kanilang dalawa," sambit ko.

"Umalis po si Sir Angelo pagkatapos niya kayong tawagan kanina tapos po si Ma'am Emily po pumasok sa trabaho dahil emergency daw po," sabat ni Manang Pasing.

"Ahhh ganun ba?" sabi ni Fernando.

Dahil sa medyo mabuti na ang lagay ko ay inaya ko ang dalawa na pumunta sa bahay ko bukas para sa isang salu-salo.

"Manang, Gusto ko mag handa ka ng masasarap na pagkain bukas sa bahay at magdidiwang tayo," nakangiti kong sambit sa kanya.

Wala akong maalala sa mga nakaraan ko pero masaya ang pakiramdam ko ngayon. Kahit pa sinabi na nila sa akin na asawa ko si Gianna ay gusto ko pa ding makita si Celine. Si Celine lang ang babaeng nasa utak ko ngayong oras na ito hindi pa kami tapos na magtuos na dalawa. Madami pa akong kailangang gawin at baguhin para mabalik ko si Celine sa buhay ko. 



Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum