KABANATA X

1K 42 1
                                    

Tinawagan ko lahat ng malapit at kapag kakatiwalaang pamilya ni Lucio.

Mabilis na lumipas ang oras at dumating na sila isa-isa para kamustahin ang lagay ni Lucio.

Wala paring malay si Lucio ngunit nagagalaw na niya ang kanyang daliri sa kamay at sa paa.

Sobrang saya na namin sa ganitong progression niya atlist merong progression kesa sa wala.

Umingay at sumaya na naman ang kwarto ni Lucio dahil sa mga maiingay na bata na patakbo-takbo sa loob ng silid ni Lucio.

Dumating si Don para tingnan ang kalagayan ni Lucio.

"Anong nangyari?" Nakangiting sambit niya sa akin.

"Hindi ko din po alam kung paano pero sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Gianna sa kanya napapagalaw ang kanyang mga daliri,"

At sa hindi inaasahan ay gumalaw muli ang kanyang daliri.

"Nakita mo Don? Sobrang napaka powerful ni Gianna! Alam kong si Gianna  ang mag papagising kay Lucio. Naniniwala ako doon,"

"Paano? Matagal ng wala si Gianna? Matagal na siyang patay,"

"Nararamdaman ko Don! Hindi siya patay alam kong nandito lang siya sa tabi-tabi nag mamatyag,"

"Hindi ko alam kung anong kinain mo kung bakit si Gianna ang nasa isipan mo. Wag mo ng pahirapan ang kaluluwa ni Gianna. Patahimikin mo na siya,"

"Ngunit Tiyo?"

"Natataon lang yung sinasabi mo talagang will ni Lucio ang mabuhay kaya naigagalaw na niya ang kanyang daliri,"

"Nagsimula iyan ng sinilip siya ni Bella,"

"Sinong Bella?" tanong niya sa akin.

"Si Bella. Co,"

"Hmmmm..."

Tumayo si Don sa kinauupuan niya at lumabas ng silid ni Lucio.

Agad na lumapit sa akin sina Fernando, Franco at Andrea.

"Kamusta? Anong nangyari?" tanong ni Franco sa akin.

"Nagalit Papa niyo kasi sabi ko si Gianna na naman ang nasa likod ng progression ni Lucio. Paano kasi kapag binabanggit ko ang pangalan ni Gianna eeh gumagalaw ang kamay ni Lucio," Inis kong sambit sa kanila.

"Hayaan mo na matanda na kasi yun kaya ganun tsaka syempre naaawa din yun kasi puro nalang si Gianna ang bukang bibig mo sa progression ni Lucio eeh? Matagal na patay na yung tao mamaya multuhin na tayo ni Gianna kakabanggit mo sa pangalan niya,"

"Hayy nako! Basta malakas ang kutob kong buhay si Gianna,"

Habang nag uusap-usap kami ay dumating si Angelo.

"Ooh? Bakit sobrang tagal mo naman?" tanong ko sa kanya.

Pinunasan ni Angelo ang pawis niya at kinawayan ang mga pinsan niya sabay tuon ng atensyon sa akin.

"May inasikaso lang ako,"

"Ano naman yun?" Nakataray kong tanong sa kanya.

"W-wala sa trabaho ko lang,"

Umalis sa harap ko si Angelo at kumuha ng isang bote ng tubig.

Hapong-hapo siya parang galing sa isang matinding exercise o tumakbo siya na ewan.

Parang may naamoy akong something sa mga galaw na yan.

Nag sisimula na namang uminit ang ulo ko dahil sa kilos na pinapakita ni Angelo sa akin. May something! Alam kong may something sa kanya!

Hindi ko pinakita sa kanila ang inis ko para hindi ako makasira ng mood ng iba pinag walang bahala ko na muna ang inis ko kay Angelo at itinuon ko ang atensyon ko sa mga bisita.

Mag gagabi na ngunit kumpleto pa rin kami.

Habang nag kukwentuhan kami at nag tatawanan ay gumalaw muli ang mga kamay ni Lucio kaya pinatawag muli namin ang doctor para tingnan siya.

Ilang minuto ang lumipas ng pag che-check ng Doctor kay Lucio ay nakarinig kami ng isang magandang balita.

"Anytime or any day he will recover from comatose. Wag kayong mawalan ng pag asa may awa ang Diyos sa atin,"

"Salamat Doc!" Sabi ni Angelo.

Nagkangitian kaming lahat sa narinig namin kaya habang kumpleto pa kami ay nagkaroon ng toka para sa bantay.

Matanda na din kasi si Manang kaya hindi na niya kayang mag pabalik-balik sa hospital para bantayan si Lucio.

Dahil sa nag full blast ako sa pagbabantay noong isang araw ay silang mga lalaki na ang mag papalitan para bantayan si Lucio sa gabi.

Lumipas ang ilang oras at madaling araw na.

Unti-unti ng nag siuwian ang lahat.

Walang natira na mag babantay kay Lucio ngayon dahil sinabi ng Doctor na ipag papabawal muna ang mga bantay sa  gabing ito dahil sila ay mag lilinis at mag aayos ng mga kagamitan.

Pumayag naman kami sa gusto ng hospital dahil panatag naman kaming sa mga kamay ng nurses at doctors maiiwan si Lucio.

Sumakay na kami sa sasakyan ng pamilya ko.

Umupo ako sa likod para tabihan si Jacob na nasa kasarapan na ng tulog niya at nag da-drive naman si Angelo.

Walang ingay sa loob ng aming sasakyan kung hindi ang tunog ng makina lang ng sasakyan.

Hindi ko din pinapansin si Angelo dahil sa nangyari kanina sobrang nakakapag taka lang na pawis na pawis siya galing labas samantalang nakasasakyan naman siya? Naka aircon naman ang kotse niya? At ilang hakbang lang ang nilakad niya sa initan para makapasok siya sa loob ng ospital?

"Anong kagaguhan ang ginagawa mo ngayon Angelo?" sambit ko nalang bigla sa sarili ko.

Nakatitig lang ako kay Angelo habang nag mamaneho siya ng biglang nagsalita siya.

"Matutunaw na ako sa tingin mo," seryoso niyang sambit sa akin.

"Nakakatunaw na ba? Gusto mo ba sunugin na kita?" Inis kong sambit sa kanya.

"May problema ba?"

"W-wala? Meron ba?" Sarcastic kong sambit sa kanya.

"Tell me, Anong meron at bigla ka nalang naging ganyan?"

"Wala naman. Mag focus ka mag drive diyan baka masagasaan pa tayo,"

"Naka 1 week out of town na naman ako this week dahil sa ginagawa naming movie,"

"Wala namang bago, Go!"

"Bakit parang iba ang mood mo ngayon? Ang sungit mo!"

"Huh? Masungit na ba 'to? Sobrang nakakapawis yung loob ng sasakyan. Pa lakas nga ng aircon!" Inis kong sambit sa kanya.

"I don't know what happened to you pero wag mo akong isali sa init ng ulo mo. Wala akong ginagawa sayo Hon. Aalis na naman ako bukas tapos ito pa pabaon mo sa akin? What if baunan kita mamaya?" Pang aakit niya sa akin.

"Gusto mo ibaon kita sa lupa?"

"Sige naman! Kahit isa lang?"

"Anghelito pwede ba? Tigilan mo muna ako? Naiinis kasi ako sayo kaya manahimik ka muna diyan! Pwede?"

"Ok! Ok! Ok!"

Tumahimik na ang kapaligiran! Nanahimik na ang bwisit na Angelo na 'to!

Ipinikit ko na muna ang mga mata ko para makapag pahinga ako sobrang exhausted na ako! Sa trabaho, sa bahay, sa hospital, sa pamilya at sa asawa! Gusto ko ng break! Gusto kong matapos na ang lahat-lahat ng kaguluhan sa buhay namin.

Gusto ko ng tahimik na pamumuhay kahit pa alam kong magulo talaga ang buhay sa showbiz at sa trabaho ko. Hindi nauubos ang issue at chismis!

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now