KABANATA XLI

1.3K 55 24
                                    

Lumipas ang ilang oras na umiiyak lang si Gianna mugto ang mga mata niya ngayon dahil sa pag-iyak.

"What do you want me to do, love?" malungkot na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam Lucio. Everytime na nakikita kita mas lalo akong nasasaktan kaya siguro mas magandang bumalik nalang ako ng Paris para doon nalang talaga mag simula ng buhay ko,"

"No! Intindihin mo naman ako Gianna! Please! Give me another chance to prove to you na nagbago na ako hindi na ako yung dating Lucio na nakilala mo,"

"Siguro sisiguraduhin ko munang makukulong ang lahat-lahat ng may kinalaman sa akin. Bibigyan ko ng hustisya ang mga taong naapakan ng mga katulad ni Celine." 

Dahan-dahan kong itinaas ang damit ko sa kanya upang ipakita ang marka na naiwan ni Celine sa akin.

Nanlaki ang mga mata ni Gianna na nakatingin sa tagiliran ko na may malaking marka ng tahi. Hinawakan niya ito ng may pag aalala.

"Celine almost killed me," sambit ko nalang sa kanya.

"What?"

"I can't send her to prison dahil sobrang lakas niya sa loob ng kulungan. Marami siyang galamay sa gobyerno at malaki ang kaperahan niya para takpan ang mga kasalanan niya,"

"See? Kaya ayaw na kitang balikan dahil sobrang hina mo! Kalalaki mong tao pero kahit sarili mo hindi mo kayang protektahan! Sige! Sabihin mo sa akin kung paano mo kami mapoprotektahan ng anak mo?"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Gianna na 'yun.

"Anak? So, totoo nga ang sinasabi ni Marco sa akin! Buntis ka nung panahong nawala ka," masayang sambit ko sa kanya.

"May sinabi ba akong anak?"

"Oo! Loud and clear Gianna!"

"Mali ka lang ng narinig mo Lucio. Sige na kailangan ko ng pumunta sa police station para pakinggan ang mga statement ng mga masamang elemento na 'yun,"

"I'm coming with you."

Lumabas na si Gianna sa opisina niya at sinundan ko siya.

Kinuha niya ang cellphone niya at tumawag muli siya.

"Clean my office and replace all the things there. Pakitanggal na din ang mga gamit ni Karla sa opisina ko at padisinfect na din para malinis." utos niya sa kausap niya.

Agad na binaba ni Gianna ang tawag sa cellphone niya at ibinalik sa bulsa niya ang cellphone niya.

"Anong nangyari sayo walong taon na ang nakalipas?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ko sasabihin sayo? Close ba tayo?"

"Kinakausap kita ng maayos sana naman sagutin mo ako ng maayos,"

"Sige! Saan mo gustong simulan ko?"

"Simula noong araw na nawala ka."


8 years ago

Gianna's POV


Habang kausap ko si Dimple ng mga oras na ito ay nakita ko si Celine na nag lagay ng gamot sa alak ni Lucio. Masama ang kutob ko dito kaya umalis ako sa kumpulan nila Dimple para sagipin si Lucio ngunit pinigilan ako ni Dimple at pinilit na isama sa mga kasamahan niya sa trabaho.

Nakatingin lang ako kay Lucio nito habang nakikita kong iniinom niya ang alak niya na may gamot.

Lumipas lang ang ilang minuto mula ng ininom niya ito ay inakay na siya ni Celine paalis sa kumpulan ng mga kaibigan nila kaya pinilit kong makatakas sa mga mata ni Dimple at sumunod ako sa kanila papunta sa kwarto.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now